37. Daming ganap

264 12 0
                                    

KIARA

"Go! Last one last one!!" todo sigaw silang lahat habang naglalaro kami ni Sky

Tagaktak na ang pawis namin pareho at unti unti nang nahuhulog ang mga buhok ko na tumatabing sa mukha.

Pang ilang set na namin ito at kailangan ko na lang ng ilang puntos para manalo.

Huling laro na at ang mananalo dito ang hinihintay para makapasok sa big jump. Si Akie ang nanalo sa laban nila ni Franki, si Argel naman nanalo over Wealand at kahapon ay si Gino over Diana.

"Goo Kiara!!" a familiar voice motivated me and with that I slammed the circle once more and luckily nakapasok ito meaning I won!!

I won!!!

Biglang nanghina ang buong katawan ko kaya hinayaan kong lumupasay ang sarili. Sky handed me his hand and raised me up for a hug.

"Congrats Kia!" I pat his back

Sunod-sunod silang lumapit sa akin to congratulate me. Si Gino ang last na lumapit at kinamayan ako saka ginulo ang magulo ko ng buhok.

KINAGABIHAN parang walang nangyaring labanan, sama-sama ulit kaming naghapunan. And to be honest I miss the other housemates.

As usual, Diana cooked our dinner at sobrang ganado kaming lahat habang nagtatawanan.

"Lan paabot naman ng hot sauce"

Agad naman itong inabot ni Wealand sa akin pero pansin kong tahimik ito at sobrang titig sa chili oil na inabot niya sa akin.

"May problema ba?"

Hindi nito inalis ang tingin sa hawak ko at nanatiling blanko ang mukha.

"Wala naman.  Naisip ko lang, kapag ba inilagay ang hot sauce sa fridge magiging cold na ito?"

Huh??My mind buffered for about five seconds

"Corny mo!" pero tawang tawa din lang ako. Nakakatawa kasi yung manner of delivery niya, kala mo naman talaga pagkaseryoso ng tatanungin

"Saya niyo naman. Share naman jan" imbes na sagutin si Sky ay itinuro ko lang si Wealand. Ayokong ibato yung joke na yun baka ako pa maging corny.

after maghapunan, tumambay muna kaming lahat sa sala dahil feel lang namin. Tsaka masyado pang maga para matulog.

"Guys!" sabay sabay kaming napatingin sa itinuro ni Wealand. Pinapatawag kaming lahat ni Kuya sa confession room para sa big jump bukas.

Nagtungo kaming apat and Kuya gave the instructions, ang simpleng maituturing pero kailangan pa ding pag-isipan. Hayss pagod na utak at katawan ko, but still I wanted to finish this no matter what. I can't give up now.

KINABUKASAN ginanap na ang ultimate big jump kung saan, ang mananalo ang makakapasok sa big 4. First stop ang puzzle, I thought madali lang yun pero ayaw talaga ni Kuya na madalian kami. Paano ba naman ang ibinigay niyang puzzle na bubuuin eh kasing liit ng hinliliit ko at ayun sa box 100 pieces daw yun.

Just wow!

Sinimulan ko ng gawin yung puzzle bago ko pa maireklamo lahat ng pwedeng ireklamo. To be honest, nung bata ako paborito ko naman to eh, araw araw pa nga akong bumibili ng mga small puzzles pero kasi naman ibang usapan ito, may time pang inaalala.

I suddenly glanced at my housemates, as usual chill lang si Argel sa ginagawa, samantalang mabilis naman ang mga galaw ni Akie at halos nabubuo na niya ang 1/4 ng puzzle pieces. I looked at Gino but I can't see any competitiveness in him, I don't know lang ha pero para kasing nilalaro niya lang yung ginagawa namin, though laro naman talaga pero iba kasi yung dating basta parang hindi seryoso ganun.

Hayss. Bahala na, I don't have all day to observe.

Nakakalahati na ako sa ginagawa nang biglang magtaas ng flag si Akie na mas lalong nagpalala sa panic ko. Nauna nang lumabas si Akie at nagtungo sa activity area. I focused on making the puzzle. Patapos na ako nang may tumunog na alarm. I instantly put my hands up, hudyat kasi yun na natapos na ang laban and since tatlo pa kaming naiwan dun, ibig sabihin si Akie ang nakakuha ng unang pwesto.

"Congrats Akie!!"

Naabutan naming yakap na ng mga kasamaha namin si Akie kaya nakijoin na din kami sa pagyakap.

"Cheer up there lady!"

Mula sa gilid ay naramdaman ko ang pag-akbay ni Gino.

"At least we tried" dagdag nito. Na hindi ko mawari kung sakin ba niya sinasabi, nakatingin naman kasi sa malayo muntanga lang.

"Ah yeah" nasabi ko na lang. Alangan namang magreact ako ng bongga tapos hindi pala ako kausap niya o di napahiya nanaman ako.

"Let's do well next time! Fighting!" tinanggal na niya ang pagkakaakbay at itinaas ang nakakuyom na kamao.

Little did I know that there is no 'next time' for us....


The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon