29. Mga Katanungan

346 18 1
                                    

Third Person's POV

"Bawat leader ay may tsansang pumili ng kagrupo at pumili ng pupunta sa kabilang grupo" pag-aanunsiyo ni Kuya sa mga housemates na nasa garden area

Isa-isang pumili ang mga leader ng mga kagrupo.

Argel- Franki at Wealand
Kiara- Sky at Hasna
Gino-Diana at Akie

Masayang nag-aasaran ang mga housemates, walang kaalam-alam sa susunod na hakbang ni Kuya at pinakamalaking hamon na susubok sa kanilang lahat.

KIARA

KUYA gave us an hour to rest before he will announce the task.

"namiss ko na ang ice cream! Gusto ko na kumain nun" sigaw ni Wealand, more like ngawa. Para siyang bata na hindi binilhan ng nanay ng ice cream sa department store

"namiss ko na ang isaw" sunod na sigaw ni Argel

"namiss ko na mga babies ko" si Ate Hasna naman sumunod

"namiss ko na magpageant" dagdag ng aming beauty queen na si Diana

"I miss my mom" Franki

"I miss my girlfriend" si loverboy Kuys Akie

"miss ko na ang campus" Sky

"miss ko na magsurf board" pagdadagdag ko.

Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan kaya napatingin kami kay Gino

"What?" tila clueless nitong tanong

"you're supposed to state what you miss at the outside world" pagpapaliwanag ni Franki sa nawawalang Gino

"ohh" tanging sabi lang nito kaya tinaasan namin siya ng kilay

"Wala namang mamimiss yan si boss, andito naman kasi inspirasyon niya. Yiee" panimula ni Wealand na agad ginatungan ng mga kalalakihan

Nanatiling walang kibo si Gino samantalang ako ay halos lumubog na sa inuupuan ko habang kagat ang pang ibabang labi

Nagsimula ulit si Wealand magkuweto tungkol sa mga namimiss niya sa labas ng bahay. Nakita kong tumayo si Gino at nagtungo sa kitchen. Minabuti kong sundan siya para kumustahin, para kasing may bumabagabag sa kanya

"Hey!" I approached him "May problema ba?"

"Ha?" balik tanong niya sa akin

"Ang sabi ko may problema ba?"

"Wala naman. Why?"

"Sure ka?"

"Yes. Mukha bang may problema?" tumawa ito pero halatang pilit

"Kanina ka pa kasi nagsspace out. Baka lang kako may namimiss ka or what"

"I'm fine"

"Talaga?"

"Oo nga, ang kulit naman"

"eh bakit mo nilalagyan ng tubig yang mangkok?" tanong ko sakanya sabay turo sa hawak niyang bowl

"Huh?" tiningnan nito ang hawak at tila napahiya. Napakamot ito sa batok saka ngumisi sa akin

"Try ko lang namang uminom sa mangkok. Is that bawal?"

Umiling ako pero deep inside nagpipigil ng tawa.

"Oh bakit nung tinanong ka ni Ate Hasna kung anong favorite color mo ang sabi mo adobo"

"Ha? Kailan?"

"see? You're clearly spacing out. Tinanong niya kaya lahat tayo ng favorite colors natin"

The CEO's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon