Madison's P.O.V
Gusto ko na matawa sa ginagawa ko,narinig ko na umiiyak na si Luke, ang OA naman nito.
"Mads."tawag nya saken pero di ako sumagot.
"Mads wake up."tawag nya ulit.
Narinig ko na lang bigla na humahagulgol na sya,biglang bumilis ang tibok ng puso ko,'ganito na ba nya ako kamahal?nanlamig ang buong katawan ko,'seryoso sya,kailangan ko na itigil to' tatanggalin ko na sana yung kumot sa mukha ko ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinalikan.Nangingilid na yung mga luha ko kaya pinikit ko yung mga mata ko para pigilan sila umagos.
"Mads, I'll miss you."napangiti ako,kala nya siguro totoo to,prank lang to noh.
Narinig ko na bumukas yung pinto,alam ko pumasok na silang lahat.
"Dude,sorry."pagdadrama ni Michael.
Ok,its showtime.
"Bwaaaaaaaah!!!!!"sigaw ko pagkatanggal ko ng kumot sa mukha ko.
"Aaaaaahh!."sigaw ni Luke kaya napalo ko sya sa braso.Nagtawanan naman yung apat na kanina ay mga seryoso.'mga kakontsaba ko yan eh.'
"Hahaha,magugulatin ka pala?Hahaha, ang duwag mo siguro?"tawa ko,tinitigan nya ako ng masama.
"Hindi yon magandang biro at nakisali pa kayo."baling nya sa apat na nagpout.
"Sorry na,ang tagal mo kasi kaya kung ano anu naisip namin gawin panggulat sayo kay-"di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla nya ako niyakap.
Napatingin ako sa apat,si Mac tumingin sa ibang direction habang nagwiwhistle,si Mich naman kunwari nagbabasa ng magazine, si Michael naman tumungo lang at si Nitesh, ayon at nakatumbs up pa saken at sayang saya sa nangyayare.
"Ahem,dun muna kami sa labas."paalam ni michael sabay hila kay Nitesh na walang balak umalis at sumunod naman si Mac at si Mich na kumindat pa saken.
Uh,ngayon ko lang narealise na nakayakap na din pala ako kay Luke?
"Please, wag mo ulit gagawin yun,papatayin mo ko sa sakit eh."mahinahon nyang sabi tsaka sya humiwalay saken.
"Ang tagal mo kasi kaya naisip namin gawin tong prank nato."nakangiti kong sagot pero sumimangot sya saken.
"Kahit na,hindi magandang biro yon noh."then he rolled his eyes and fold his arms on his chest."Magpapakasal pa tayo at sabay tatanda."pabulong nyang sabi habang nakatingin sa may bintana.
"Ano?"maniniguro lang kung tama ang narinig ko.
"Wala,ito manggang hilaw na may bagoong,alam ko naman na adik ka jan."inabot nya saken ang isang plastic Tupper ware kaya mabilis kung kinuha yon at binuksan,mga hiniwang mangga at may maliit na Tupper ware sa loob na may laman namang bagoong,napangiti ako,ngiti na abot langit.Tiningnan ko sya.
"Thank you!"
Luke's P.O.V
Ang tagal naman nung manang na yon,almost five minutes na ako naghihintay dito sa labas ng bahay nila sabi nya kanina sa phone palabas na sya ng bahay,bakit wala pa sya?kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito,may lakad kaming magkakaibigan ngayong Sunday at ako ang susundo sa kanya,pupunta kasi kami sa batangas eh.
After four minutes bumukas na yung gate nila,may isang napakagandang babae na lumabas,nakasuot sya ng high waist denim short,black heart shape tube on top with black unbotton blazer na hanggang bewang nya,nakasuot din sya ng shade,dala dala nya ang isang cute na maleta,color pink at-teka bakit nakapaa to at bitbit yung blue canvas nya?
BINABASA MO ANG
I Love That Dare
Novela JuvenilMadison Schener,16 years old,half american half pinoy.Masasabi kong maganda ako pero hindi ako popular sa school. One afternoon, may Dare na dumating sa akin,Dare na nagpabago ng nonsense kong buhay.