Madison's pov
Yes!sabado na!
May date kami ngayon ng bestfriend ko,wish ko lang walang ride .
Btw,atleast walang pasok!hahaha.
Bigla akong nagulat ng biglang bumukas ang pinto,dumating na pala date ko,hehe,chos.
"Ready ka na?bilisan mo,late na kaya tayo?"angal nya habang tinitingnan ang sarili sa salamin,actually parehas kaming nakaharap sa salamin pero pasimangot akong nakatingin sa reflection nya.
"Oh,bakit?"tanong nya.
"Di uso katok noh?di din uso ang hintay?ang usapan natin 11:30 hindi 11 o'clock, di halata na excited ka eh."angal ko habang kini-curl ko yung buhok ko.
"Ito naman di na nasanay and yup,excited ako kasi ano eh,um....."bigla syang tumigil at napangiti sa harap ng salamin kaya nagtaka ako,nilingon ko sya at tinitigan.
"Kasi ano?"tanong ko at tumingin sya saken,daydreaming ang peg.
"Um...kasama natin si Mac."sagot nya na parang nag aalala sa isasagot ko,pano ba naman kasi,di nya sinabi na kasama pala si Mac.
"Ok lang,di mo naman sinabi na date nyo pala to,third party lang tuloy ako."biro ko sa kanya hinampas nya ako sa braso."Aray!masakit ha."reklamo ko.
"Gusto lang naman nya sumama eh,atsaka,bukas pa date namin."mejo nahihiya nyang sabi pero halatang kinikilig.
"Landi ah,wag mong sabihin-"di ko na tinuloy ang sasabihin ko at tumayo ako para lumayo sa kanya then she rolled her eyes.
"Hindi noh!may isusuot nako,di ka kasi pumasok kahapon so I decided to go and shopping after school. Atsaka,kaya ko na sarili ko."sagot nya kaya napanatag ako.
"Seryoso na yan?wow Mich, binatang binata ka na ah?"biro ko ulit kaya nagpout sya saken.how cute .
Mabilis lang ang byahe kasi sa Rockwell lang naman kami pumunta para kumain,Mediterranean restaurant.Ang sweet naman ng dalawang to,nakakainggit,kung magsubuan wagas.
"Ehem,wala ng bukas?kung magsubuan wagas?baka mayamaya nyan atakihin tayo dito ng langgam?este kayo pala?"pabiro kong sabi kaya natahimik sila at si Mac naman eh napakamot na lang sa ulo nya,si Mich naman,tinitigan ako ng masama.Hahaha,nangangamatis na yung dalawa .
"Oh,pwede na ako mag ani ng kamatis."hirit ko ulit na lalong ikinapula ng pisngi nila.
"Maddy!Shut.Up."sita saken no Mich.
"Ok fine."then I put my hands up for surrender.
After namin kumain eh pumunta naman kami sa BGC at doon kami naglibot,si Mich ang madaming nabili,ako a pair of shoes,a sunny dress,high waist denim short and a gray canvas at wallet pa pala .
"Bili tayo ng ice cream!"sigaw ko ng makakita ako ng bata na kumakain ng ice cream.
"Para kang bata,sige tara,treat ko kayo."sagot ni Mac pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Jessy at....luke na naguusap sa corner ng isang dress shop.
"Um,wag na pala."sambit ko at walang lingon ako na umalis.
"Maddy wait!"tawag saken ni Mich pero di ko na sya nilingon,alam na nya ang ibig sabihin nun.
Mac's pov
Nagyaya si Maddy na bumili ng ice cream at dahil parehas silang babae ay pumayag na ako at nag volunteer ako na ititreat ko sila pero habang naglalakad kami papunta sa shop ay nakita namin si Luke at Jessy na naguusap kaya ang Madison na masaya kanina ay nagmukhang matamlay.Di ko alam kung bakit pa sila naguusap ng ex nya,sinadya ba nila to?pero di naman alam ni Luke na may lakad kami dito eh so it means, talagang nagkita lang sila dito ng ex nya at nagkataon pa na dito din kami pupunta,what a coincidence.
"Um,wag na pala."sambit ni Mads tsaka sya umalis.
"Maddy wait!"sigaw sa kanya pero di sya nilingon ni Madison.Susunod na sana si Mich pero hinawakan ko sya sa braso.
"Hintayin nyo ako sa parking,kakausapin ko kang si Luke."nagnod sya at umalis na sakto paglingon ko nasa harapan ko na si Luke at nakakunot ang noo nya,narinig nya siguro na isinigaw ni Mich yung name ni Madison.
"Anong ginagawa nyo dito?"tanong nya saken.
"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan,ano ang ginagawa nyo rito ng EX mo?"matigas kong tanong sa kanya.
"Si mommy ang kasama ko dito." sabay turo sa shop na pinanggalingan nya at andun na sa loob si Jessy at pumipili ng dress.
"Eh bakit andito din si Jessy?"tanong ko ulit para makasiguro ako.
"Nakita lang nya ako sa shop."maiksi nyang sagot at bigla lumabas ang mommy nya at nagpalingalinga pa na parang may hinahanap."mum!"sigaw ni Luke na kinawayan pa yung mom nya para mabilis syang makita."duda ka pa?"tanong nya saken while smirking.
"Oh,hijo andito ka din pala,may lakad ba kayo ni Luke?"tanong nya while giving me a peck.
"No tita,may iba akong lakad,kasama ko kasi si Madison at Mich, sige una na po ako,nice to see you again tita,bye Luke."then nagwave sila saken.
Habang naglalakad ako papunta sa parking ay di ko maiwasang magisip about sa nakita namin kanina.
'May tiwala ako kay Luke pero sana ayusin na nya kung ano man ang meron sila ni Madison, ramdam ko,mahal pa rin nila ang isa't-isa.'
-------------------------------------------------------------
Ramdam ko rin
Kelan kaya sila magkakaayos?
BINABASA MO ANG
I Love That Dare
Novela JuvenilMadison Schener,16 years old,half american half pinoy.Masasabi kong maganda ako pero hindi ako popular sa school. One afternoon, may Dare na dumating sa akin,Dare na nagpabago ng nonsense kong buhay.