The Fight

24 0 0
                                    

  Madison's POV

After that night ay di ko muna kinausap ang kahit ma sino sa grupo nila Luke at mukha namang nakahalata sila so dumistansya din naman sila.

A week passed by....

"So, Diana and Luke are still dating huh?" Tanong ko sa bestfriend ko na mukhang nilalamon nanaman ng social media.

"Yup." maiksi nyang sagot at muling nagpaka busy sa phone nya.

"Ok,mukhang busy ka naman so I gotta go." Pagpapaalam ko but she just nodded twice then that's it. I better go.

Pumunta ako sa library to borrow some books. Wala na masyado tao sa hallway kaya nag enjoy ako sa paglalakad. Cause no one is bothering me 😀 Hooray for that! 👏🎉🎊

I decided to go home pero dadaan muna ako sa cafeteria na kakatapos lang irenovate last week. Pinalaki nila lalo yung cafeteria kaya nagdagdagan ng mga chairs and tables pati na din sa loob mejo lumawak yung kitchen at counter area at kasabay din nun eh ang pagbabago ng mga foods na inooffer nila sa mga students sa campus. Kung dati may softdrinks ngayon puro fruit shakes na and fruit juices,nawala na din yung mga chips at ngayon may sopas na and mga native foods na nakakagutom tingnan. During lunch pwede ka na bumili ng mga foods na lutong bahay na wala naman dati kaya nakakatuwa lang na nagiimprove na ulit ang Uni.

After ko bumili ng bibingka at sapin sapin kung tawagin nila ag nagdecide na din ako umuwi. Nagtext nako kay Mich na uuwi nako at pumayag naman sya,ang sabi nya pupunta na lang sya sa bahay mamaya. Naglalakad nako sa hallway ng may marinig ako na babaeng nagsasalita at mukhang galit,pagdating ko sa tapat ng classroom namin ay biglang lumabas si Luke kasunod si Diana.

"I'm so sick of this! Just leave me alone! I don't want a liar and a cheater like you!" sigaw ni Luke kay Diana. What is happening?

"Look. I'm sorry. I'm just drunk last night and-"

"Enough! Bago pa tayo magdate eh kayo na nung Kevin na yon so enough with the lies dahil sa mismong bibig mo yon nanggaling!" putol ni Luke sa sasabihin ni Diana. Dumadami na yung mga tao sa paligid nila pero di pa din sila tumitigil sa pagtatalo.

"I thought I can forget about her kapag nakipagdate ako sayo,but i guess not." sabi pa ni Luke na hindi nya yata alam eh nakikita ko sila at naririnig ko sila.

"So because of her that's why you're going to dump me?" Galit na tanong ni Diana.

"Hindi sya ang dahilan kung bakit kita iiwan. It was because I'm tired of your lil' shit." After nyang sabihin yon ay lumakad na palayo si Luke. Nagpalinga linga si Diana sa mga taong nasa paligid nya.

"Ano tinitingnan nyo ha?!magsilayas kayo!" sigaw nya nang maglanding ang paningin nya saken. "You?" nanlalaki ang mga mata na tanong nya tsaka nya ako nilapitan at agad akong sinambunutan.

"Ouch!Diana stop it!" pagmamakaawa ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Luke! Malandi ka!" at itunulak nya ako sa pader kaya humampas ang ulo ko dun, nakaramdam ako ng hilo at nabibingi ako. Di nako nakapagsalita,nahagip ng nanlalabo kong paningin na may umaawat na ilang students na babae kay Diana pero di pa rin sya nagpatalo. Naramdaman ko muli ang paghila nya sa buhok ko sa sobrang paghila nya sa buhok ko ay may isang babae na umawat at tumulak sa kanya, si Mich. Nabitawan ni Diana ang buhok ko pero dahil di ko yon inaasahan ay nawala ako sa balanse at humampas muli ang ulo ko sa sahig. Bago pa lamunin ng kadiliman ang paligid ko ay may isang tao ang lumapit saken,nag titigan ko sya at naluha ako. Si Luke. Nakikita ko syang nagsasalita at tila sumusigaw pero tuluyan nako nag black out.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love That DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon