Chapter 1

28.2K 357 5
                                    

Posted: 8/10/2019

Chapter 1

"Gising, Imiha," ani isang malumanay na tinig. "Buksan mo ang mga mata mo," bulong nitong muli. Bahagyang napa-ungol ang dalaga, unti-unting nagigising ang diwa. Bahagyang paos ang tinig ngunit tila inaakit niyon ang diwa ng dalaga at hinihila ito pabangon mula sa pagkakahimbing.

Naramdaman ng dalaga ang pagdampi ng mga labi sa kanyang pisngi. Malambot ang mga iyon. "Gising, Imiha.", ulit nito at pinaulanan ang kanyang pisngi ng mumunting halik.

Ilang saglit pa ay dumapo ang mga labi nito sa sulok ng nakasara niyang labi. Muli siyang napaungol, nais muling marinig ang tinig nito at maramdaman ang labi sa kanyang balat.

Ngunit hindi na itong muling nagsalita, bagkus ay tuluyan nang inangkin ang kanyang mga labi. Napa-awang ang kanyang bibig at napataas ang kanyang balakang. Noon niya naramdaman ang katawan nitong nakapaibabaw sa kanya.

Inabot niya ang balikat nito at marahang hinaplos ito pababa sa kahabaan ng likod nito. Ramdam sa dulo ng kanyang mga daliri ang matipunong pagkakahulma ng katawan nito.

Napariin ang pagkakahawak ng dalaga sa lalaki ng maramdaman nito ang mga palad na marahan ngunit may diin nitong paghaplos sa kanyang dibdib. Muli siyang napaliyad at napaungol.

May ibinulong ang lalaki ngunit hindi niya narinig. Nang muling lumapat ang labi nito sa kanya ay hindi na ito nagpipigil kagaya kanina. Lumalim ang halik, at mas lalong nag-iinit. Hindi niya napigilan ang sariling pagdikitin ang mga hita at ipitin ang nasa gitna noon upang kahit papaano ay ibsan ang sensasyong nararamdaman.

Natawa ang lalaki at nilubayan ang kanyang labi para lamang paulanan ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang balikat. Samantalang ang mga kamay naman nito ay naglakbay mula sa kanyang dibdib patungo sa kanyang binti.

Napaawang ang mga labi ng dalaga at napakapit sa hinihigaan. Umalpas din ang malakas na ungol sa kanyang labi. Ang kaninang mga kamay nitong naglalaro sa kanyang dibdib ay napalitan ng pares ng mga labing nang-aangkin.

Tila ay napatigil ang tibok ng kanyang puso at paghinga ng kanyang baga. Biglang tila ay hinahabol na niya ang bawat paghinga. Napabuga siya ng malakas at napa-hiyaw.

Napaghiwalay ng lalaki ang kanyang mga binti at ngayon ay doon na naglilikot ang mga daliri nito. Napakapit siya sa buhok ng lalaki, hindi alam kung idiriin ang mukha nito sa kanyang dibdib, o itutulak pababa roon sa pagitan ng kanyang hita.

Gumawa ng ingay ang mga labi nito sa kanyang dibdib sabay pinaraan ng mainit nitong dila ang tuktok ng kanyang dibdib. Muli siyang napahiyaw. Yumuko upang tignan ang ginagawa nito.

Natagpuan ng dalaga ang sarili na nakatitig sa pares ng kulay tsokolateng mga mata. Nakangiti ito sa kanya at tila nasisiyahan sa pagpaparusa nito sa kanyang katawan. Isang nakakabaliw na parusa.

Pinadausdos niya ang mga kamay mula sa buhok nito patungo sa kaliwa nitong pisngi. Napapikit ito at bahagyang humarap sa kanyang palad upang kintalan iyon ng halik.

Napapikit din siya at muling napaliyad. Bumaba pa ang mga labi nito sa kanyang pusod at mula roon ay nagpaulan ng maiikli ngunit nakakakiliting mga halik.

Naikuyom niya ang mga daliri. Umabot na ang labi ng lalaki sa kanyang puson. Kaunti na lamang ay malapit na nitong maabot ang kanyang pagkababae. Impit siyang napaungol. "Hindi ako makahinga.", aniya dahil sa tingin niya ay malapit na siyang mahimatay.

Naramadaman niya ang paghaplos nito sa kanyang dibdib, at bahagyang minasahe iyon, patuloy pa rin sa ginagawa nito sa pagitan ng kanyang binti. "Huwag!", ungol niya nang maramdaman ang marahang pagdila nito sa sensitibong parte roon.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon