Chapter 5
NAGMAMADALING sinalubong ng isang matandang lalaki ang pawisan at halos hindi na makahingang lalaki na papaakyat ng hagdan. Agad niya itong dinaluhan at tinulungan sa pag-akyat. Pawisan ang buo nitong katawan at halos hindi na makahakbang dahil sa paninikip ng dibdib. Nagsisimula na ring mamutla ang mukha nito.
"C-call Tessa," bulong nito sa nahahapong tinig. Inilapit ng matandang lalaki ang tainga sa bibig nito upang maayos na pakinggan ang sinasabi. "I need her to check on Nathalia."
Halos mapailing ang matandang lalaki dahil sa kabila nang kalagayan nito ay nauna pa nitong intindihin ang ibang tao. "Huwag po kayong mag-alala muna.
Kailangan po nating makaakyat sa silid niyo." Sagot niya na mas piniling unahin ang lalaki kaysa sa utos nito. Mayroon na lamang silang limang minuto bago ito mawalan ng malay.
Alam niyang gusto nitong umalma ngunit alam din nito ang limitasyon ng sarili. Hindi na ito makakalaban pa sa kanya. Kung kaya at nagdire-diretso pa rin siya sa pag-akay dito sa ikatlong palapag.
Saktong pagkarating nila sa ikatlong palapag, sa tapat ng kaisa-isang silid na umuukupa sa kabuan ng palapag, ay nawalan na ng malay ang lalaki. Napailing ang matanda at may kalakasang sinipa ang pintuan ng silid pabukas.
Mayroon pa siyang sampung minuto upang ayusin ang lahat bago magising ang lalaki at magsimula ang isa na namang mahabang gabi...
ISANG dalaga ang nakaupo sa damuhan at nakatanaw sa isang patag na lupain kung nasaan nakatayo ang napakaraming kabahayan. Kakaiba ang mga ito at parang hindi mula sa panahong kasalukuyan. Tila iyon isang kumunidad na nakikita lamang niya sa mga Korean histrocial drama. Ngunit ang kaibahan nito ay tila malalaking bahay na bato ang kabahayan na may mga bubong na kagaya noong sa bahay kubo. Sa pinakamalayong hilaga, sa pinakamataas na lugar sa kapatagan ay ang pinakamalaki sa lahat. Para iyong isang kastilyo.
"Paniguradong hinahanap ka na ng iyong akay, Amadora.", ani isang tinig. Napalingon siya roon upang salubungin lamang ng isang lalaking may suot na makapal na telang itim na tila ay nakatapis lamang sa baywang nito at umaabot lamang sa gitna ng hita nito. Hubad ang itaas na bahagi ng katawan nito at may pulang telang inihawig sa disenyo ng lubid ang nakapulupot sa baywang nito at isang mukha ngunit kakaibang espada ang nakasabit sa baywang nito.
Imbis na lumayo ay natagpuan niya ang sariling ngumiti sa lalaki. Tila ay kilala niya ito. "Ikaw marahil ay ang mas hinahanap na ng iyong akay, Piyero.", nakangiti niyang saad. Akmang tatayo ang dalaga upang magbigay bati sa dumating ngunit agad nitong itinaas ang isang kamay upang pigilin ang babae.
"Ilang ulit ko bang sasabihing sa iyo, ako si Kalid?", ani lalaki at umupo sa tabi ng dalaga. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi kaya naman agad siyang napaiwas sa matipunong lalaking katabi.
Kung noong mga bata pa sila na walang muang sa mundo ay ayos lang na tawagin niya ito sa pangalan, ngunit ngayon ay tila hindi iyong ang tama. "Hindi naman at iyon ang tamang itawag ko sa iyo, hindi na tayo mga bata, Piyero.", sagot niya at tinanaw muli ang kapatagan. Pinagmasdan niya ang tahimik na pag-agos ng tubig sa ilog na nakapalibot sa buong kanayunan at naghihiwalay sa kalupaan at kaluguran.
"Siya ngang tunay, Amadora. Hindi na tayo bata." Inilapag ng lalaki ang espada at kalasag sa harapan at bumaling sa kanya. "Aking hiling ay gayon din sana ang ituring mo sa aking nadarama."
Napayuko ang dalaga at nilikot ang mga kamay upang laruin ang ginintuang perlas sa kanyang pulseras. Ang ginintuan perlas ay simbolo na mataas na estado ng kaniyang pamilya. Sa kanayunan, ang estado ng isang pamilya ay nakikita sa uri at klase ng bato sa mga pulseras, hikaw, kwintas o singsing ng mga kababaihan. Ang ginintuang perlas ay pangalawa lamang sa lahat at maaaring may kapareha.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)