Chapter 3

9.8K 197 2
                                    

(Dropping until Chapter 5 today. Happy Ready !)
(08/14/19)

Chapter 3

NATHALIA could not stop herself from shivering. Kuhang-kuha ng nagpinta noon ang emsyon ng dalawang taong ito. Napahawak siya sa kanyang dibdib, tila ay may kumurot sa kanyang puso nang mapagtanto ang dalawang tao sa magkahiwalay na painting.

Iyon ang dalawang tao sa larawang itinuro sa kanya ng VIP kahapon. Ang unang larawan ay ang babae. Naka-upo ito sa damuhan, ang dalawang paa ay nakatago sa ilalaim ng mahaba nitong sarong. Hindi niya masyadong makita ang kabuuan ng mukha nito dahil nakatagilid ito. Sa isang kamay ay may hawak itong instrumento. Kung hindi siya nagkakamali ay tila iyon isang plawta. Ang isa naman ay nakataas at tila may inaabot sa harapan nito. Nakatingala ito sa parehong direksyon at nakapaskil ang malawak na ngiti sa mga labi.

Napalapit pa si Nathalia upang tignan kung tama ba ang kanyang nakikita. Sa mga pisngi nito ay may tila marka ng umaagos na luha. Napakunot ang kanyang noo at napatingin sa kabilang larawan.

The man in the painting was also on his side, seemingly looking down at the woman sitting on the grass. Nasa likod ang isa nitong kamay at tila ay nakayukod upang abutin ang kamay ng dalaga sa kabilang larawan gamit ang kabilang kamay. Nakangiti ito at tila ay may sinasabi sa babae. But unlike the woman, there were no tears in his eyes.

Napabaling siya sa larawan ng dalaga at bahagya pang lumapit doon. It is definitely tears. Nathalia was too caught up by the painting that she unconsciously reached out for it to touch her cheeks. Napapikit siya. Trying to imagine the scene...

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay wala na ang larawan...

Bagkus ay sa kanyang harapan ay isang lalaking nakayukod at nakangiti, inaabot ang mga kamay niyang nakataas sa direksyon nito. Ito ang lalaki sa larawan!

"Ore ista miha, Ilkora.", ani lalaki at yumuko pa ng bahagya upang tuluyan niyang maabot ang pisngi nito. Humawak ito sa kanyang siko at bumaling sa kanyang palad upang humalik doon. She felt something trickling down her cheeks...

"Ore ista miha ito, Ikiro.", she found herself saying. Noon ay umakyat ang mga kamay ng lalaki sa kanyang pisngi upang punasan ang kanyang mga luha. Muli siyang napapikit. It was as if she knew that the man in front of her would bend down and kiss her lips. And he did... it was a soft and sweet kiss.

Slowly, she opened her eyes again.

Wala na ang lalaki.

Napaatras siya at napahawak sa kanyang labi. The kiss felt so real. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawang larawan, walang nagbago sa mga ito. Nakagat niya ang labi, she could still feel his lips against hers. Is her imagination going wild again? Napailing siya.

Yep, it's just all in her head. She has always had wild imagination. Hindi na iyon bago. Ngunit saan niya napulot ang mga salitang iyon?

Muli siyang napailing at pinasadahan ng huling tingin ang larawan bago tuluyang umalis.



THE REST of her day went by as usual whenever the museum features an exhibit. She would usher VIPs, make sure everything is good and so on, but most of her time is still spent on her office reviewing documents, reading exhibit proposals, and revisiting funding. Nawalan na siya ng oras upang isipin pa ang ibang bagay.

Hinubad niya ang suot na salamin. She doesn't usually wear glasses but when her head hurts badly, she needs one. Ruins of a Dynasty exhibit had been on display for three days and here comes a bunch of proposals to approve and line up. Pumikit siya at sumandal sa kanyang high back chair. Gusto niyang matulog ngunit mayroon siyang meeting kasama ang mga department heads maya-maya lamang.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon