For Everyone's peace of mind, I am posting this last chapter that is exclusive for the book sana. I know how bitin everything is, huhuh. Super love ko kayo kaya ito na :D. So, Prologue and Epilogue is still book exclusively. Hihihi.
I am also thinking of writing the story of Kalid and Amadora, comment here if you would be interested to read it! :) Again, salamat sa suporta! KAMSAHAMNIDA!!! <3
Final Chapter
"This must be a very difficult time for you, Mr. Alguera." Nag-angat ng tingin ang kinausap sa babaeng nagsalita. Sa likod nito ay mangilan-ngilang pamilyar na tao. "Salamat sa pagpunta, Ysha, at sa inyong lahat." Aniya at binigyan ng ngiti ang mga dating kasamahan sa trabaho ni Taliya.
Taliya...
A very beautiful woman that snatched his heart at first glance. May it be a thousand years ago or in this lifetime. A beautiful and clever woman who had it all planned... for him... to save him.
"Hindi po namin alam na kaya pala siya nagresign noon dahil mayroon siyang malubhang sakit, Sir Ali", komento ng isang babae. Tumango lamang siya sa mga ito at nagpaalam nang nais niyang mapag-isa. Hindi pa rin talaga siya sanay makihalubilo sa maraming tao.
Sa likod ng kanyang tahanan ay may maliit na hardin kung saan, noong huling Linggo ni Taliya, ay masaya silang nagtatawanan at naghahabulan sa kasagsagan ng malakas na ulan.
"Kiro...", napatingala siya sa tumawag at tipid na ngiti.
"Ali, Cristo. Ako si Ali.", aniya at umipod upang bigyan ng espasyo ang matandang lalaki.
"Ali... sana ay tuluyan mo na akong napatawad, kami ng kuya." Bulong nito 'di kalaunan. Napailing si Ali, at marahang nag-angat ng tingin.
"Si Amadora man o si Taliya, walang makakapigil sa alin man kapag may ginustong gawin." Tumingin siya sa matandang lalaki at tinapik ito sa balikat. "I know how Taliya can be so assertive. Hindi niyo iyon kasalanan. At matagal ko nang sinabi sa iyong kapatid, bago pa man siya pumanaw ang bagay na ito." Sabay silang napangiti. Kakatapos lamang ng isinagawang pagdiriwang bilang pag-alala sa pagkamatay ni Taliya. Inilibing ito sa puntod kung saan nahimlay ang henerasyon ng mga Alguera.
"He told me, she deserves it.", umpisa nito na ngayon lamang nagkalakas ng loob upang kausapin ang lalaki tungkol sa ginawang plano ng dalaga. "Sabi niya, hindi daw ikaw ang pumatay kay Amadora at sa bata, at siya ang nararapat na tumanggap ng bawat parusa at hindi ikaw."
Napayuko si Ali. It is a secret that he did not know he carried all his life. He knew he wouldn't do it to her. Sa kanyang sarili pa mas marahil.
"I was the one who brought her there. It is still my fault.", depensa niya. Ayaw niya na sa darating na henerasyon ay gayoon ang isipin nila sa babaeng pinakamamahal.
Muling tumahimik ang paligid. Napabuntong hininga si Ali at kinapa ang baston sa gilid ng upuan. Itinungkod niya ito at itinulak ang sarili papatayo. "Pupunta na ako sa aking silid, Cristo. Sabihin mo na lamang kay Theo na ayaw ko sana munang magpa-istorbo.", pakiusap niya sa lalaki na sa kabila nang katandaan ay iyon at malakas pa.
Ngumiti ito at tumango.
Pagpasok ng kanyang tahanan ay tinumbok ni Ali ang daan pa-kaliwa at hindi ang hagdanan. Simula noong mamatay si Taliya ay mas ginusto na niyang doon maglagi. Hanggang sa iyon na ang ginamit niyang silid.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)