Chapter 10

4.4K 99 2
                                    

Chapter 10

"HERE drink this." Lutang na hinawakan ni Taliya ang bagay iniabot sa kanya ng lalaki. Kung ano iyon ay hindi niya alam. Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya dahil sa gulat sa mga nangyari nang nagdaang oras.

Natanaw niya ang nag-aalalang mukha ni Ali sa kanyang harapan nang lumuhod ito sa kanyang tapat. "Drink now." Utos nitong muli at iginiya ang kanyang hawak sa kanyang bibig. Baso pala iyon ng tubig.

Nang lumapat ang tubig sa kanyang labi ay noon niya lang naramdaman ang uhaw at agad na naubos iyon. Muling kinuha ng lalaki ang baso sa kanyang kamay at nilagyan muli iyon ng tubig na ipinainom sa kanya.

"Sabi ng doctor, hindi ka naman daw masyadong na-expose doon sa usok. Pero you still need to rest and take a cough medicine.", ani Ali na naroon muli at nakaluhod sa kanyang harapan. Nang matapos siyang mailabas nito sa kanyang apartment building ay dinala siya nito sa bahay nito kung saan may nag-aabang ng doctor.

Hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki at pumikit na lamang at isinubsob ang ulo sa kanyang tuhod. Nasa sala siya ng bahay ni Ali, at naroon nakaupo sa sofa nito. Those little accidents that started weeks ago had become more frequent and are more dangerous as time goes by. Ano na kaya ang susunod? Tanong niya sa sarili, hindi pa rin magawang magisip ng ibang bagay.

What if Ali did not arrive just in time before she passed out? What if she did not have Ali at all?

Pinilit niya ang sarili na huwag umiyak. Kapag naaalala niya kasi ang usapan nila kanina at ang pag-aaway nila kanina ay mas lalo siyang nagi-guilty na hinayaan niyang maghiwalay sila nang magka-away.

Naramdaman ni Taliya ang isang malambot na tela sa kanyang likuran. Si Ali ang naglagay noon. Nanatili siyang nakasubsob sa mga tuhod, hindi pa rin handa na harapin ang lalaki matapos ang mga nangyari.

"Taliya...", bulong ng lalaki. Nakaupo na ito sa kanyang tabi at malambing na hinahaplos ang kanyang buhok. "Tell me how you feel." Anito na tila ay nahihirapan din para sa kanya.

Umiling-iling lamang siya bilang tugon at nanatili sa pwesto. "You will soon hurt your back when you stayed curled like that for long."

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat upang igiya pa-ayos ng upo. Sinunod naman niya ito ngunit nanatiling nakatakip ang mga kamay sa mukha. "Gusto mo bang kumain? Hindi pa tayo nagdi-dinner." Umiling lang siya bilang tugon. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki na sinundan nang mahabang katahimikan.

Marahil ay napagod na ito sa pag-alaga sa kanya.

Bahagya niyang inilayo ang mga kamay sa mukha upang silipin sa kanyang gilid ang lalaki. Nakaupo lang din ito at nakasandal ang ulo sa dingding, nakapikit. Gusto niyang umupo sa kandungan nito at yakapin ito.

"Ali?", tawag niya rito. She badly need his warmth. Umungol lang ito bilang tugon. Tuluyan siyang umayos ng upo, ngunit pinanatiling nakataas ang mga binti sa sofa. "Can you give me a hug?", nahihiya ngunit may tapang niyang tanong. Nagmulat ito nang mata at tila alam nito kung nasaan siya dahil diretso ang tingin nito sa kanya.

He then moved his hand and tap his lap. "Come."

Taliya did not think of anything for a second and straddle him. Ipinalupot niya ang mga braso sa baywang nito at inihiga ang ulo sa dibdib nito. Naramdaman niya naman na inayos nito ang kumot sa kanyang likod bago siya ginantihan ng yakap.

Ilang minuto rin silang nasa ganoong pwesto. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Amidst the comforting silence of the room, Taliya could clearly hear Ali's heartbeat. Nagsumiksik pa siya sa dibdib nito upang madama rin ang pagtibok noon.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon