Chapter 22
"KATAHIMIKAN!" Dumagundong ang malakas na tinig ng Kiro sa buong bulwagan. Natahimik ang lahat at agad nagsipag-yuko. Napapikit ang lalaki at napahawak sa sentido. "Amadeo." Tawag niya sa kanang-kamay bilang hudyat na magsimula na ito ng ulat.
"Hindi nagtagumpay ang paglikas ng mga naninirahan sa tabing dagat, Ikiro.", bulong ng lalaki. Ika-limang araw na ng digmaan nang magkaroon sila ng pagkakataong mailabas ang mga nailigtas sa loob ng kweba sa labas ng matarik na bundok upang tuluyang maihatid sana sa loob ng bayan kung saan mas ligtas ang mga ito.
Ngunit nang gabing isinagawa ang pagtakas ay naroon na at nakaabang ang mga mananakop.
"Napatay ang siyam sa sampung mandirigma na naatasan sa paglikas ng mga ito. Sampung kabataan at anim na kababaihan ang nakuha ng mga ito." Napayuko ang pinuno ng mga mandirigma, hindi alam kung paano sasabihin ang susunod na ulat. Naikuyom nito ang hawak na papel. "Pinakawalan ang isang mandirigma upang magdala ng ulat, Kiro." Bulong ni Amadeo, hindi alam kung paano sasabihin ang ulat.
"Iyong iulat sa amin, Amadeo."
Napatingin ang inutusan ng Kiro, na agad hinanap ang mga mata ng kapatid na nasa tabi ng Kiro. Ani mo ay sinasabi sa Klora na huwag makinig sa kanyang susunod na mga sasabihin. Napapikit ang Klora at napahawak ng mahigpit sa kamay ng diil at pinahintulutang magsalita ang kapatid.
"Ang kabataan ay pinupwersang magtrabaho para sa mga mandirigma ng kabilang panig... hindi pinakakain at pina-iinom." Napalunok ang magiting na sundalo at hindi na napigilan ang isang butil ng luhang umalpas sa mga mata. "At pinugutan ng ulo ang apat na kababaihan matapos gahasin."
Nakabibinging katahimikan ang sumunod. Lahat ay yumuko at nag-alay ng dasal sa mga anito ng kaluguran upang iligtas ang kaluluwa nang mga nangamatay na kababaihan at mandirigma.
"Nagbanta ang mga ito na gayundin ang gagawin sa natitirang kababaihan kung hindi mo isusuko ang Balintuna."
Ilang saglit na ikinuyom ng Kiro ang kamao bago sumagot. "Handa na ba ang ating pag-atake?", Tanong nito. Sa loob ng mga nakaraang araw ay hinayaan lamang nila ang mga mananakop na umatake at hinigpitan ang kanilang depensa. Hinihintay nilang mapagod ang mga ito saka susugurin sa kadiliman.
"Ang iyong utos na lamang ang hinihintay, Kiro.", ani Amadeo...
TAHIMIK ang buong bayan at ang mga taong naghihintay sa pagbalik ng mga mandirigma ay tikom ang mga bibig na humihikbi. Sa paligid ay nasusunog na mga tahanan at hanapbuhay. Ang mga tao ay napilitang lumikas at magtipon sa tapat ng mga daanan at parke na hindi inabot ng mga bilog na apoy na ibinato ng mga manakop gamit ang malalaking tirador.
Pinunasan ni Kalid ang dugo mula sa kanyang pisngi. Ika-anim na araw na ng digmaan. Nagawa nilang pilayin ang dami ng mananakop ngunit mas malala ang naging pinsalang natamo ng bayan. Napilitan ng umatras ang kanilang depensa sa ikalawang tayog ng bundok na naghihiwalay sa bayan at sa mga mananakop.
Marami na ang namatay at marami pa ang nadakip na taong naninirahan sa pagitan ng una at ikalawang tayog ng bundok. Habang tumatakbo pabalik ang kanilang mga mandirigma at inililigtas ang mga kayang iligtas ay hindi mapigilan mapatanong ng lalaki kung bakit iyon nangyayari sa kanilang bayan.
Ang bawat mandirigmang natira ay may bitbit-bitbit na mga kabataan sa kanilang mga braso habang pilit hinihila papalayo sa kaguluhan ang mga kababaihan. Ngunit kakaunti na lamang sila at hindi na nila kayang iligtas ang lahat.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)