Chapter 13

3.4K 90 0
                                    


Chapter 13

Nang magising noong umagang iyon ang lalaki ay iba ang kanyang pakiramdam. Hindi niya nilabanan ang sakit.

He laid there on his bed completely still. Tila ay pagod na siyang lumaban. Tila ay ayaw na lang niyang lumaban. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, wala nang pakialam kung maigagalaw pa ang katawan.

Sana ay hindi. Sana ay hindi na lang.

Mula sa labas ay narinig niyang muli ang yabag ng lalaking paparating.

Hindi pa rin siya kumilos.

His drive to smile and start the day as if nothing is wrong suddenly fade away. Akala niya ay wala nang isasakit pa ang kanyang parusa. Akala niya ay wala nang mas bibigat pa sa kanyang nadarama. Ngunit bakit? Bakit mayroon pa pala?

Hindi pa ba sapat? Pinanatili niya ang nakapikit na mga mata, hinahayaan ang mga luha na umagos lamang roon.

Kung kailan akala niya... akala niya kahit saglit, kahit sa nakaw na sandali... magiging normal ang buhay niya.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang matandang lalaki. Ali still did not move.

"Kiro.", bulong ni Pepe. Hindi sanay na maabutan itong nakahiga pa rin. Agad lumapit ang matanda at sinipat ang pulso ng lalaki.

Bigla ay napatawa ito. Isang malakas na tawa na nauwi sa sunod-sunod na paghikbi. Napayuko ang matanda at napaatras palayo sa lalaki upang dumistansiya. Kahit nag-aalala ay iginalang niya ang nais nito.

"Buhay pa ako, Pepe." Bulong nito nang tumigil ang paghikbi. "Nakalimutan mo atang sa bawat umaga na papasok ka sa silid na ito ay buhay pa rin ako. Buhay pa rin kagaya noong panahon ng iyong Ipo. At nang panahon pa ng ama ng iyong Ipo. At ama ng ama ng ama ng iyong Ipo." Tumawa ito ng malakas muli. Ngunit hindi pa rin nagmumulat ng mata o bumabangon sa pagkakahiga.

"Ngunit maswerte ata ang iyong Theo, Pepe." Bulong nitong muli makalipas ang mahabang segundo. Noon ay napa-angat ng tingin ang kanina pang nakayukong matanda.

Nakamulat na ang lalaki at nakabaling ang tingin sa kanya. Bakas sa mapupulang mga mata ang matagal na pagluha. He lay there still. Not even moving a bit as if it he is too weak to do so. "Your Theo will be free from me, Pepe. And all sons of his."

SISIPOL-SIPOL pa si Taliya habang pumipirma ng mga dokumento. She had been living in Ali's roof for more than two weeks and she could not be any happier. Napangiti siya sa sarili.

Every night before she closes her eyes, she will see Ali's face. And when she opened them in the morning, Ali would still be there. Wala na siyang pakialam kung anong oras ito babangon o di kaya ay babalik sa kanyang tabi. Ang mahalaga sa kanya ay naroon ito.

"Miss T?", isang katok mula sa pintuan ang nagpa-angat ng tingin niya.

She smiled. "Yes, Mr. Villanueva?", aniya sa isang malambing na tinig. Tila ay natigagal ito at napako sa kinatatayuan. Tunay nga ang bulong-bulungan sa opisina na tila ay unti-unti nang napuputol ang sungay ng dalaga.

"I-ito na po iyong final and approved project straight from Mr. Choi's secretary." Naglakad ito papalapit sa lamesa ng dalaga at bahagyang nanginginig ang mga kamay na inilapag doon ang folder. "Oh, Thank you, Albert." Pinulot nito ang folder at ini-scan.

"I'll look at this today. Nandito na ba ang time frame?"

Noon ay agad napa-atras ang lalaki at napakamot sa ulo. "W-wala pa po, Miss T." Uutal utal na saad nito.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon