Chapter 20
Ali listened as Taliya told him everything about her dreams. Occasionally, she would look at him and ask him questions about those dreams. Asking him about the words she just encountered.
"I figured Uriya means mom and Ipo means dad. Am I right?" Tanong nito sa kanya. Ali smiled and nodded. It impresses him how Taliya did not run away after witnessing him practically dead last night, then breathing and so much alive this morning.
"I am confused. What does Omiho means? I know Imiha means mahal ko or aking mahal. What about Omiho? I heard Tessa called Pepe Omiho."
Sinuklay ni Ali ang buhok ng dalaga gamit ang kanyang mga daliri. And he loves it how Taliya was not scared of any of it all, instead she looks genuinely curious about it and does not even give a hint of running away.
"Imiha is my beloved woman. It is only used by a man to call his woman, while Omiho is used by women to call their man."
Tumango-tango si Taliya. "Such beautiful words... c-can you teach me more?", tanong nito na may pag-nguso.
"What if I can't?" he teases. Umirap ito at mabilis na pinitik ang peklat sa kanyang dibdib. Sa gulat at napa-aray siya kahit hindi naman talaga masakit.
Nanlaki ang mata ng dalaga at mabilis na napabangon. Kanina ay nakahiga lang ito sa kanyang balikat habang nagkukwento.
"Hala! Hala! Sorry! Masakit ba? Wait, tatawagin ko na si Pepe...", anito at dali-daling bumaba sa kama.
"Taliya, wait.", he acted as if he is really hurting. Agad na bumaling ito sa kanya at lumuhod sa kanyang gilid. "Sorry, Ali. A-anong gagawin ko?", tanong nito habang pinipigil ang panginginig ng boses. Pinigil ni Ali ang pagtawa at umaktong nasasaktan pa rin habang turo-turo ang dibdib.
"H-here." He painfully whispered.
"Anong gagawin ko?" Tarantang tanong nito.
Ngumuso si Ali.
"Ali! Tell me or I'll rather call Pepe."
Ngumuso uli siya. Noon ay binalingan na siya ng dalaga ng tingin sa mukha. He smiled and put a pout on his lips again as if asking her to kiss his scar.
"Bahala ka na nga diyan!" Sigaw nito nang mapagtanto ang panloloko niya.
"Taliya! Joke lang!", sigaw niya at mabilis na bumangon. Ngunit mas maliksi ang dalaga at mabilis itong nakalabas sa kanyang silid.
"Pepe! Gising na si Ali!", narinig niyang sigaw nito mula sa hagdan.
"Taliya!", tawag niya dito sa tuktok ng hagdan. Nakapamaywang siya habang tinitignan ang pagbaba nito.
"Pepe! Ilayo mo sa akin ang lalaking ito baka masakal ko lang!", sigaw muli ni Taliya na kanyang ikinatawa. Noon ay sumulpot na sa ikalawang palapag si Pepe, bahagyang naguguluhan sa mga pangyayari. Tumingin ito sa kanya at nginitian niya lamang ito. Itinaas niya ang kanyang hinlalaki na ani mo ay sinasabi rito na ayos lang siya.
MAKALIPAS ang higit isang oras ay narinig ni Taliya ang pagkatok ng lalaki sa kanyang pintuan. "Bawal ka dito.", she said not even bothering to move. Narinig niya ang pagtawa nito. "Come on now, my beauty, open the door."
"Open mo mukha mo!", aniya at nilakasan pa ang volume ng pinapakinggang acoustic music sa Spotify.
"Ikaw na lang pala ang lumabas.", anito at patuloy pa rin sa pagkatok.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)