Chapter 11
Just like how people are saved from almost dying, Ali gasped loudly and coughed while trying to fill his lungs with all the oxygen that there is.
Nakapikit pa ring napahawak siya sa kanyang ulunan habang patuloy pa rin ang paghingal. Nanunuyo ang kanyang labi at naninigas ang buo niyang katawan na animo ay ilang taon siyang hindi nakagalaw.
Ilang saglit pa ay narinig niya ang pamilyar na mga yabag sa labas ng kanyang pintuan. Nais niyang hilahin ang kumot at ibalot iyon sa kanyang buong katawan dahil sa sobrang lamig. Ngunit ang anumang pagkilos ay hirap siyang gawin.
Noon ay bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Isang lalaking nakasuot ng black suit na kagaya nang lagi nitong suot ang pumasok. Kumpleto ang ayos nito, mula sa black tie hanggang white shirt, black morning coat at black trousers. Kahit hinihingal ay gusto niyang matawa. He looks like those animated butlers in those anime series that today's generation loves to watch.
"Pepe.", tawag niya sa lalaki gamit ang namamalat na tinig. Hinubad nito ang suot na gloves at ipinagsalin siya nang maiinom na tubig. He could now slowly feel every part of his body. Sinubukan niyang bumangon.
"Kiro."
Tawag ng matandang lalaki at mabilis na ibinaba ang hawak na baso upang tulungan siya sa pag-upo. Inabot din naman nito agad ang baso ng tubig sa kanya pagkatapos.
"Nasaan si Taliya?", tanong niya sa lalaki nang makahuma. Tumindig ito at bahagyang iniyuko ang ulo. "Hindi pa rin po lumalabas sa kanyang silid.", magalang na sabi nito. Kahit ata ay isang milyong beses niyang sabihin dito na kausapin siya na parang kaibigan ay hindi ito makikinig. He would only mellow down in front of other people.
"Naghanda na ba ang iyong diil ng makakain?" Tumango ito. "Kayo na lamang po ang hinihintay, Ikiro."
"Mahusay. Magtutungo ako kay Taliya matapos akong mag-bihis." Ini-unat niya ang katawan at pinatunog pa ang mga kasu-kasuan bago tuluyang bumangon. Tinapik niya sa balikat ang matandang lalaki. "Ako na riyan, Pepe. Hintayin niyo na lamang kami sa kusina." Pagpigil niya nang akmang ililigpit nito ang kanyang hinigaan.
Tumango lamang ito at pinulot na ang mga bagay na kailangang ilabas ng kanyang silid.
Nang marinig ang pagsara ng kanyang pintuan ay dumiretso na siya sa kanyang palikuran.
Sa harap ng salamin ay hindi niya maiwasang hindi titigan ang may kahabaang sugat sa kanyang dibdib. Wala sa sariling napahawak siya sa tuyong mga dugo na nasa paligid noon. Sunod ay pinaraan niya ang daliri sa kahabaan ng papahilom nang sugat. He calls this his mark. A mark that symbolizes the worst sin he had ever committed in his lifetime.
"IKAW!", sigaw ng isang batang lalaki sa gitna ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Nagpumiglas ito sa hawak ng akay. "Bitiwan mo ako ngayon din!" Utos nito sa ginoong hindi pa rin binibitiwan ang hawak sa kanya.
"Ngunit piyero..."
"Bitiwan!", pagpipilit nito. Napailing ang ginoo at tinanaw na lamang ang batang piyero na tumakbo patungo sa isang batang babaeng kasalukuyang namimili ng pagkain kasama ng sarili nitong akay.
"Ikaw iyong batang nagpaulan ng hantik!", sigaw ng batang lalaki na nakatayo na ngayon sa harapan ng batang babae. Kahit malakas ang tinig nito ay nilalamon pa rin iyon ng ingay sa paligid. Hinila ng lalaki ang manggas ng damit ng babae.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomantikSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)