Chapter 4
THEY had their first date that Monday night, and their second the following day, and third... and forth...
Today, they will go out on a dinner date again, for the fifth time. Biyernes at mas maraming tao sa museum kaya naman ay mas matagal pa ang paghihintay nito sa kanya kumpara noong mga nakaraang araw. He usually waits for her in her office. Darating ito sakto sa oras na dapat ay pauwi na siya. At kapag may darating na biglaang VIP ay uupo lamang ito roon at magbabasa. May dala ito laging libro bilang libangan.
Napangiti siya. The man is really patient. Hindi ito nagrereklamo o ano pa man. He is also a gentleman and knows how to make her smile. Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. Pabalik na siya sa kanyang opisina at ayaw niyang makita siya nitong parang baliw na pangisi-ngisi.
"Hey there, handsome.", aniya habang nakasilip sa maliit na awang ng pintuan. Prenteng nakaupo ang lalaki, magkakrus ang dalawang tuhod at nakasandal sa couch habang seryosong nagbabasa. Nag-angat ito ng tingin at agad ngumiti. Isinara nito ang librong hawak at inilapag iyon sa coffee table. Bago tumayo ay tinanggal rin nito ang suot na salamin ipinatong iyon sa libro.
"Done for the day?", anito habang nakapamulsa. Nathalia could not stop herself from staring at his every move. Tila isa itong mananayaw na kalkulado ang bawat galaw, matikas ang tindig at marikit ang bawat kilos. He is so damn sophisticated!
"Yup! Let's go?", tanong niya at tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Akmang kukunin niya ang kanyang bag nang maglakad na ito patungo sa kanyang lamesa upang buhatin iyon at kunin ang jacket niya na nakapatong sa backrest ng kanyang office chair.
Lagi nito iyong ginagawa. Kaya naman lagi niyang sinisigurado na nakalagay na sa kanyang bag ang lahat ng bagay na kailangan niya.
Lumapit ito at pinahawak sa kanya ang bag at tinulungan siyang isuot ang jacket. "It's raining hard outside. This would keep you warm.", anito at isinuot pa sa kanyang ulo ang hood ng jacket. Bahagya niya itong kinurot sa tagiliran dahil narinig niya ang mahina nitong pagtawa sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang maghu-hood sa loob ng opisina na hindi naman ganoon kalamig?
Hinuli nito ang kanyang kamay at humalik doon. "Come on, huwag nang mangurot, mawawala na ang reservation natin." Napanguso lamang siya at nagpadala sa paghila nito sa kanya. Hindi pinansin ang bulungan ng mga katrabaho nang madaan nila ang mga ito.
"WHAT do you usually do on a Saturday?", tanong ng lalaki. Nasa isang Japanese restaurant na sila at nasa kalagitnaan ng kanilang hapunan. Sa sobrang traffic dahil na rin sa lakas ng ulan ay muntik pang mag expire ang kanilang reservation.
"Madalas, nasa bahay lang ako. Nanonood, kumakain, or nagrerestore ng personal antique collection ko.", aniya. Nabanggit na niya rito ang hilig niya sa pag-collect ng old tea sets. "What about you?"
Ibinaba nito ang hawak na chopsticks at pinagdaop ang palad. "I read."
Napanguso siya. Reading is not for her. Mabilis siyang mabagot. Kahit office documents ay hirap na hirap siyang basahin dahil tamad talaga siyang magbasa. But if it's history book, kayang-kaya niya iyong tiisin. Pero madalas ay naghahanap na lamang siya ng documentaries or audio books.
"Hindi ka nagsasawang magbasa?", tanong niya. Umiling ito at ngumiti. "There's too much books in the world, I wanted to have read at least a thousand of it."
Nathalia made a cringey face. "That's boringggg", kumento niya. Natawa ito. "Well, baby, not for me." Nakangisi nitong saad. He usually calls her baby or beauty. Kaya inaasar niya na lang itong handsome. Pero totoo naman iyon. Gwapo ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)