Chapter 7

5.5K 133 2
                                    

Chapter 7

KUNG nagulat ang lalaki ay hindi nito iyon ipinahalata. Tahimik na ibinaba lamang nito ang hawak na kutsara at marahang nilunok ang kinakain. Humigop pa rin ito ng kape bago tuluyang nagsalita.

"Y-you mean..."

"Y-yes! I mean that!" Putol niya sa sasabihin nito sabay pikit ng mga mata.

She heard his masculine laugh that made her blush even harder. "Ali!", suway niya rito at itinakip na ang mga kamay sa mukha. This is her first time asking a man all that at mukhang ma-ba-busted pa ata siya.

Narinig niya ang pagkaluskos ng stool sa sahig at ang pagtayo ng lalaki. Bahagya niyang ibinukas ang mga mata upang sundan ito at halos mapatili siya nang makita itong tinutumbok ang kanyang pwesto.

"Huwag kang lalapit!", banta niya rito, puno ng kahihiyan ang buong pagkatao. Natawa lalo ang lalaki at mabilis na hinila ang kaniyang dalawang kamay upang kabigin siya palapit sa dibdib nito.

"How would we do what you wanted to when you can't even look at me, my beauty?", he said with a smirk. Inismiran niya ito. "Kung ayaw mo edi 'wag mo!".

Biglang sumeryoso ang mukha nito at naningkit ang mga mata. "Hindi ko sinabing ayaw ko, Taliya." Tumikhim ito. Napatayo naman siya ng maayos. "I just want to make sure that you are not mocking me."

Umiling-iling ang dalaga at ipinalupot ang braso sa leeg ng lalaki. "I am dead serious, Ali.", bulong niya at tumingkayad upang paglapitin ang kanilang mga labi. "I want you.", she whispered before finally closing the gap between their lips.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ng lalaki sa kanyang baywang. Ali is a tall man with good built and she wanted to wrap her legs around his waist and cling onto him while dominating their kiss.

Ngunit iba ang plano ng lalaki. Hinawakan siya nito sa baywang at binuhat paupo sa counter. Pumwesto ito sa gitna ng kanyang mga hita at hinawakan siya sa kanyang batok upang kontrolin ang kanilang halik.

If she's trying to dominate him, Ali would hold her a little tighter by the back of her neck and shock her with a deeper kiss. When she surrenders, his hold would then loosen until he is practically massaging the back of her neck.

"Are you sure about this?", Ali asked between kisses. Taliya on the other hand still drunk with his kisses could only nod in answer. Hinawakan niya ito sa pisngi upang pigilan sa paghalik.

Napangiti siya nang makita ang pamumula sa pisngi ng dalaga. Her lips were also swollen with his kisses. "Tell me in words, Taliya. Or I won't kiss you again." Aniya at tinitigan ang dalaga sa mga mata.

"Please, Ali.... I want you... I have never wanted a man like this before." Bulong nito at isinandal ang noo sa kanyang noo, hinihingal. Ali smiled and kissed her forehead.

"I want you too, my beauty." Aniya at muling hinalikan ito sa noo, mas matagal kaysa kanina. "Now go get yourself ready for bed. I just need to make some calls."

HINDI alam ni Taliya kung itatalukbong ba niya ang kumot o hihiga sa ibabaw noon. She is done with her night routine and just waiting for the man to enter her room. Nakailang palit siya ng pantulog. Not really sure if she wanted him to see her on her usual matching pyjamas or just that white shirt of him she once used during an overnight in his home. Sa huli, ang una ang kanyang pinili. She loves her cotton pj's and she wanted to let him see her true self.

Nakailang patay sara rin siya sa mga lamp lights na naroon sa magkabilang panig ng kanyang higaan. A minute of waiting for him feels like a lifetime for her. Kahit ilang ulit ata siyang tumingin sa orasan ay hindi iyon nagbabago ng oras.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon