Chapter 9
Pumasok ang isang may edad na lalaki sa opisina ni Taliya. Sa kamay nito ay bungkos ng papel na sa tingin niya ay ang output proposal. "Good afternoon, Miss T."
"What do I hate the most, Mr. Villanueva?", tanong niya sa lalaki, hindi pinapansin ang pagbati nito.
"S-sorry, Miss T. We had to—"
"What. Do. I. Hate. The. Most."
Halos mabitiwan ng lalaki ang hawak na papel sa panginginig. "Tardiness.", bulong nito.
"Really? I thought you didn't know," sinipat niya ang relo at tinignan ang oras. "You are two hours late of your deadline... o mali ba ang orasan ko?"
"Miss T, ano po kasi..."
"May pakialam kaya ako?", muli niyang putol sa paliwanag nito. "Stop standing there and give me that proposal."
Dali-daling lumapit ang lalaki at inilapag sa lamesa ang proposal. Everyone in the office knows how strict Taliya is. Higit lalo sa oras. She also hates sloppy outputs, and her attention to details when it comes to her subordinate's work is incredibly keen. And when you break one of her rules or do something she does not like, you would definitely not do it again after you face the consequences or worse, you will never have the chance to do anything at all. Because of all that, everyone is secretly cursing her when she's not around.
"Ano ito?", tanong niya nang mabasa ang proposal pitch. Iyon ay hindi na niya ikinatuwa.
"Miss T—"
"YOU should not have done that, Taliya.", isang pamilyar na tinig ang umagaw sa atensyon ni Taliya. Kakalabas lang nang papaiyak na lalaking nasermonan niya. Hindi pansin ng pareho na bukas ang pintuan ng opisina ng director at rinig ng lahat ng nasa labasan ang naging usapan, kasama na roon ang lalaki.
Isinara nito ang pintuan bago tinumbok ang dalaga.
"It is what he deserves." Tangi niyang sagot. Ayaw niyang makipagtalo sa lalaki sa kung paano niya hawakan ang sariling affairs sa trabaho.
"There are far better ways to reprimand him." Tuloy pa rin nito. Huminto ito sa harapan ng kanyang lamesa at inagaw ang papel na kanyang binabasa. "Taliya, look at me."
"Ali, hindi ko kailangan ng sermon mo." Aniya at tumayo na upang ayusin ang bag.
"Hindi ko sinusubukang pagalitan ka." Turan nito at hinawakan siya sa balikat upang pigilan sa pag-alis. "I just want you to realize what was wrong with what you did there."
Nagpuyos ang dugo ni Taliya. One more thing she hated the most is people trying to invalidate her decisions and control what she does, making her see that everything she does is wrong and that she never had done anything right. She had grown up with two pair of parents with that attitude, and she does not need another one.
"Are we going to eat or are we going to continue talking about shit that does not concern you?" She said to dodge that bullet.
Napabuntong hininga ang lalaki at nagkusang i-ayos ang kanyang gamit at buhatin iyon. Hinawakan nito ang kanyang kamay at ginaya siya palabas. Nang maalis ang harang na lamesa sa kanilang pagitan ay kinintalan nito ng halik ang kanyang noo. "Don't be mad at me, my beauty."
NANINGKIT ang mga mata ni Taliya nang mapagtanto kung saan papunta ang sasakyan ni Ali. "Why are we going home?", tanong niya dahil tinutumbok lang naman nila ang pamilyar na daanan pauwi sa kanyang apartment.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)