Chapter 14
TULALA pa rin si Taliya hanggang sa mga sumunod na gabi. Her new-found happiness is now overshadowed by an image she saw in her head when she wore that sapphire bracelet. Sinubukan niya iyong isuot muli ngunit hindi na bumalik ang imahe sa kanya.
But the image is still clear as day light whenever she closes her eyes.
Naramdaman niya ang paggalaw ng lalaking katabi. Isinara niyang agad ang mga mata at nagkunwaring nahihimbing na sa tulog. Bumangon ito at narinig niya ang kaluskos ng mga gamit habang nagbibihis ito. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang bahagyang paglubog ng kama kung saan nito itinungkod ang dalawang kamay.
"Good night, my beauty.". anito at humalik sa kanyang noo bago tuluyang umalis.
Nang sumara ang pinto ay iminulat niya ang mga mata at tumitig sa kisame.
Ang dumi na nagpatigas sa tela ng pulseras ay hindi lamang basta dumi kundi ay tuyong dugo ng babae sa imahe. Alam niyang dugo iyon, at hindi siya maaaring magkamali na iyon ay dugo ng babae. Noong nililinis niya kasi ang lubid ay mayroong bahid ng pulang likido ang tubig na ipinanglinis. Ang akala niya noong una ay kupas lamang iyon ng tela ngunit matapos makita ang imahe ay sigurado siyang dugo iyon.
Things are becoming weirder and it is bothering her. Her dreams are also part of it. Ang dalawang bata sa kanyang panaginip ay bahagya nang nagdalaga at nagbinata. Who dreams of something like that?!
Napabangon siya. Kahit anong gawin niya ay hindi niya magagawang lokohin ang sarili. Ali would not be back until before the sun rises. At alam niya rin na kapag sinubukan niya umakyat sa silid ng lalaki ay tila parang milagrong makakasalubong niya na lamang bigla sa kung saan si Pepe.
She sighed again. Kinuha niya ang personal laptop sa isang drawer sa bedside table at binuksan iyon. She will check the internet if there are anymore published articles about the Ruins of a Dynasty. Nararamdaman niya kasing may kinalaman doon ang mga wirdong bagay na nangyayari sa kanya sa kasalukuyan.
Taliya is not a superstitious person, but she no longer knows how to shrug off everything. Na isipin na ang lahat ay nagkataon lamang o di kaya ay imahinasyon lamang iyon na nabuo dahil masyado lang siyang attached sa exhibit. Napabuntong hininga siya at sinimulan ang paghahanap ng sagot sa kanyang mga tanong.
TALIYA woke up the following morning with Ali's warm body wrapped around hers. Nakayakap ito sa kanyang baywang at nakaulo sa kanyang dibdib. Marahan niyang sinuklay ang buhok nito.
Paano siyang nakabalik sa kama? Ang huling ala-ala niya ay naroon siya sa harapan ng coffee table at maiging nagbabasa ng mga lathala tungkol sa Balintuna. Ang dinastiya na naglaho na tila isang idlap matapos ang isang malakas na pagyanig higit isang libong taon na ang nakararaan. Ngunit bago raw ang pag-yanig ay ang pagtangkang pananakop ng isa pang dinastiya na nagmula sa lupain sa tawid dagat ng hilagang silangang bahagi ng Balintuna.
Balintuna ang tawag doon dahil sa marangya at pambihirang uri ng pamumuhay ng mga tao na mas advance pa sa panahon nito. Ayon sa haka-haka ay mayroong sariling lengwahe ang nanirahan sa Balintuna na mailalapit sa lenggwaheng tagalog. Ang mga bahay ay gawa na sa bato at may matatag na sistema ng pamumuno.
Pinaniniwalaan din na ang dating kaharian ng Balintuna ay matatagpuan sa isang bahagi ng bulubundukin ng Sierra Madre na siyang tumutugma sa mga larawang naipinta sa panahong iyon.
Nabasa niya rin doon ang nabanggit sa kanya ni Ali tungkol sa perlas at sa kababaihan ng Balintuna. Kung paanong pinapahalagahan ang kababaihan. Ayon din sa mga lathala ay may dalawang bahagi ang Balintuna. Ang kaluguran at ang kanayunan. Kung ano ang dalawang iyon ay hindi na niya matandaan.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)