Chapter 6

6.3K 133 1
                                    

Chapter 6

Kitang-kita ni Nathalia ang paghigpit ng hawak ng lalaki sa manibela. Bigla ay tila nagsisi siya sa sinabi. Magsasalita pa sana siyang muli upang bawiin ang unang sinabi nang humarap sa kanya ang lalaki at ngumiti.

"Do you really want to know?", tanong nito at inabot ang magkakuyom niyang palad. Kinuha nito ang isa at ikinulong sa dalawang palad. "The truth is I only wanted what you could give, my beauty."

Taliya is beyond impressed. Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya. And the truth is, it is the most perfect answer to her question. Nawala ang takot sa kanyang dibdib at ngumiti rin sa lalaki. Gusto niyang sabihing, I can give you my all, Ali. Ngunit ayaw niyang gulatin nang ganoon ito kaya naman ay pinisil na lamang niya ang pisngi nito at sinabing, "Let's just go with the flow for now."

THROUGHOUT the night Taliya had been thinking about Ali's answer. Hanggang sa kanyang higaan ay dala niya ang mga tanong sa kanyang sarili. Kung ano at hanggang saan nga ba ang kaya niyang ibigay sa lalaki.

Nang maihatid siya nito sa kanyang bahay ay gusto niya pang magtanong dito ngunit kagaya ng dati ay kailangan na nitong umuwi. He had explained to her that unlike her, his day had just started when he picks her up for dinner. Hindi na tinanong ni Taliya kung bakit at ini-assume na lamang na panggabi ang trabaho nito sa trading.

Kahit pa kasi itanong niya iyon ay hindi rin niya maiintindihan. Parati rin silang may pinag-uusapang iba kaya naman hindi na niya naiisipan pang usisain ito sa trabaho.

Alas-cinco ang umpisa ng closing celebration ng exhibit kinabukasan. Ngunit hindi kagaya ng ibang taga-opisina ay hindi maaaring iwan ni Taliya ang preparasyon para sa darating na pagdiriwang. Eventhough she can opt to just assign the exhibit design to her exhibit designers, each year she takes into account at least two of it. Doon kasi siya nagsimula bago pa man umakyat ang posisyon hanggang siya ay maging museum director.

At heto nga at ang Ruins of a Dynasty ang unang exhibit na kanyang hinawakan ngayong taon. Tatlumpung minuto bago ang program ay natapos ni Jack at Taliya, at team ng lalaki, ang lahat ng kailangan para sa gabing iyon. Jack is the head of museum security at ito madalas ang pinaka-pinupukpok niya sa trabaho.

Ensuring the security of thousands of priceless artifacts inside a museum is not an easy job. That is why they always have to revisit and revise security plans to ensure maximum safety.

"Balita ko gabi-gabing nandito iyong lalaki, ah?", pang-uusisa ng lalaki nang maghi-hiwalay na ang lahat at magtungo ang mga protection staff sa kani-kanilang lugar. Mas madami ang taong dadalo ngayong gabi kaysa sa mga nakaraang araw kaya kailangan nilang maghigpit.

"Jack, I told you, non-work topics should stay outside of work.", pagbabanta niya sa lalaki na siyang kaisa-isang may kayang magbiro sa kanya nang ganoon sa trabaho. Humalakhak lang ito at umiling. "Typical Taliya." Huminto ito sa paglalakad. "Ay siya, wala ka talagang kwenta kausap. Maghahanda na ako."

Inirapan na lamang ni Taliya ang lalaki at nagdire-diretso na sa kanyang opisina upang mag-ayos ng sarili. Bilang Museum director ay hindi naman siya maaaring sumulpot na lamang doon sa selebrasyon suot-suot ang pang-araw-araw niyang pamasok sa trabaho.

She went straight to the powder room and retouch her hair and make-up. Simple lamang ang ginawa niya sa mukha at sa buhok. She just made a clean bun out of her long wavy brown hair. Put some nude lipstick and light eyeshadow. She also put on some extra blush on her cheeks and some mascara on her lashes.

Nang matapos ay agad siyang nagtungo sa kanyang silid upang magpalit ng damit. She wore a simple deep blue semi-formal knee length dress that hugs her every curve perfectly. Hindi siya payat at hindi rin siya mataba kaya madali lang para sa kanya ang makahanap ng maisusuot na damit. Hindi na niya pinalitan pa ang suot na nude patent pumps dahil tugma naman iyon sa kanyang dress.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon