Chapter 19
Taliya travelled through the short hallway leading to Ali's bedroom with shaking legs. Sa sobrang kaba niya ay hindi man lamang niya napansin ang mga larawang nakasabit sa dingding.
Sa labas ay akmang susubukan pang pigilin ni Tessa ang dalaga ngunit agad itong hinawakan ng asawa sa balikat upang pigilan. "Hayaan na natin sila, Imiha.", ani matandang lalaki na matagal nang alam kung sino si Taliya sa buhay ni Ali. "Panahon na para malaman niya ang totoo."
Inside, Taliya is not aware of the conversation happening between the two. Dahil tila siya nabibingi sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. "A-Ali?", tawag niya sa lalaki nang makarating sa kalagitnaan ng pasilyo.
Walang sumagot. "A-ali... i-it's Taliya..." Tawag niyang muli ngunit wala pa ring sumagot.
Slowly, she took the remaining steps between her and the end of the hallway.
Unang tumambad sa kanyang mga mata ang malaking espasyo sa kaliwang bahagi ng silid kung saan may sariling sofa set at entertainment set ang lalaki. Sa isang gilid naman ay nagtataasang mga cabinet na may lamang mga libro ang nakasandal sa dingding. Sa tabi ng bintana ay may hindi kalakihang lamesa at dalawang pares na upuan.
All the windows were closed and a dim light coming from the four tall lamps on each corner of the room illuminated the space.
With utmost reluctant, Taliya turned to her right where a huge modern four poster bed is situated in the middle. May tila kurtina itong harang sa magkabilang gilid na tumatabing sa kabuan ng lalaki. But she could see his silhouette from where she's standing.
"Ali?", tawag niyang muli. Nang hindi pa rin ito sumagot ay unti-unting nilakbay niya ang distansiya patungo sa kama.
Nang makarating roon ay marahan niyang tinabing ang kurtina.
"Ali!" She screamed. "Ali! No!" She cried. Hindi alam kung anong gagawin. "Pepe! Tessa! Tulong!", sigaw niya. Hindi na alam kung ano ang uunahin.
"Ali... Ali wake up!", she screamed and tried to remove the dagger pierced right through his heart while shaking. "Pepe!", sigaw niyang muli. Natatakot siyang hawakan iyon dahil baka mas lalo pang bumaon o ano pa man.
"Ali... stay with me please." Aniya at kinuha ang kamay ng binata. She cried even more when she felt his cold skin against hers.
"Pepe! Tessa!", hingi niya ng tulong. Lumingon siya sa kanyang likuran at natagpuan ang dalawa na nakatayo lamang sa bukana ng pasilyo. Nakahawak sa kaniyang bibig at humihikbi ang matandang babae habang inaalo lamang ito ng asawa.
"Pepe! Dalhin natin sa ospital si Ali. Please...", aniya at akmang ilalabas ang cellphone upang tumawag ng ambulansiya.
Noon ay naglakad na papalapit sa kanya ang lalaki. "Hindi kailangan, Taliya.", anito at inagaw sa kanya ang cellphone. "Pero si Ali!!!"
"Tessa, pakikuha ang bimpo at maligamgam na tubig sa ibaba.", anito habang ibinubulsa ang cellphone ni Taliya.
"Why are we not taking him to the hospital!", Taliya said in hysteria. Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa sunod-sunod na pag-agos mula roon ng luha. Hindi siya agad sinagot ng matanda bagkus ay nagtungo lamang ito sa banyo. Narinig niya ang pagbukas ng gripo.
Sinundan niya ito at naabutan itong kalmadong naghuhugas ng kamay na animo ay normal lang ang lahat...
"Pepe..." She whispered. Isinara nito ang gripo at humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Saving Grace [Completed]
RomanceSOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED A Romance Novel with a touch of History and Fantasy. Saving Grace by NTLDLVFRHM Cover from Google (Catriona Gray)