Chapter 25

5.4K 141 25
                                    


Chapter 25

MAGKAHAWAK kamay na bumalik sa loob ng bahay ang dalawa. They almost missed the eclipse because both of them drifted to sleep. Mabuti na lamang at nakapag-alarm si Taliya ng 9:20 dahil sa sobrang excitement.

Nang mapansing tila ay may paparating na ulap ay napagdesisyunan ng dalawang pumasok din agad.

"Why don't you want me inside when you go through everything..." Taliya asked out of the blue. Huminto sila sa pagbaba ng hagdan. Ihahatid na ni Ali ang dalaga pabalik sa silid nito.

"Taliya...", aniya.

"Okay...", suko na lamang nito. Ilang beses na itong nagmakaawa sa kanya na gusto nitong samahan siya sa bawat gabi. She wanted to know how she could help him... Ngunit ayaw niyang makita siya nito sa ganoong lagay. He does not even want her to know what exactly happens during the night. She is only allowed to enter whenever Pepe gives his signal.

And Pepe would only allow her in when everything is all cleaned up. Pagpasok nito sa kanyang silid ay tahimik na ang lahat at tila walang nangyari. She would then just lay beside him and hold his hand until she falls asleep.

"Good night, my beauty.", ani Ali nang maihatid ito sa pinto ng silid na inookupahan. Ngumuso ang dalaga. "Hinahatid mo pa ako eh aakyat naman ako doon mamaya."

Ali chuckled. "Just want to make sure you don't disobey our rules.", pagbibiro niya at hinawakan ito sa magkabilang pisngi upang halikan sa noo. Pumikit ang dalaga at pinilit ang sariling hindi mapaiyak.

Sinugod siya nito ng yakap. "I love you, Ali." Anitong muli at ginantihan ng yakap. They just stood there hugging each other for minutes. Unang bumitaw ang lalaki habang ang babae ay nananatili pa ring nakayakap ng matagal.

"Taliya... I can't let you see me that way...", bulong ng lalaki at muling yumakap sa dalaga. Tumango-tango lamang ito habang humihikbi. "I hate it when I can't even help you...", anito. Ali could feel his shirt being soaked with her tears.

Marahan niyang itinulak ang dalaga palayo at yumukod upang titigan ito sa mga mata. "Listen...", he started before wiping her tears with his thumb. "Just know you were there right beside me in the morning had already saved me from all the misery, Taliya... believe me."

"B-but-"

"Shhh." He whispered silencing her with a touch of his lips against her.

"You are -- Taliya, in my hundreds of years of suffering, my only saving grace."

ALI lay peacefully on his bed that night knowing that Taliya is right where she wanted him to be. He made himself comfortable in the middle of the bed and waited for time.

Lumabas mula sa secret room sa loob ng kanyang silid si Pepe hawak-hawak ang pamilyar na kahon. Inilapag iyon sa paanan ng kanyang higaan.

Kitang-kita sa nakabukas na bintana ang pagliwanag ng kalangitan dahil sa isang malakas na pagkidlat na agad namang sinundan ng pagdagundong ng malakas na kulog.

"Hinintay lang talaga ng ulan na matapos ang eclipse." Bulong ni Pepe at naglakad na patungo sa bintana upang isara ang lahat ng kurtina. Sunod ay binuksan nito ang mga bumbilya ng apat na lampara at naglakad na patungo sa pintuan upang isara ang mga overhead lights.

"Pepe." Pigil ni Ali sa lalaki. Yumukod ito at naghintay ng kanyang sasabihin. "Huwag mong kakalimutan ang pangako mo..." nag-angat ito ng tingin tumango.

"Hanggang sa umaga, Ikiro."

IT WILL always start with a headache. A really really bad headache that would want you to crack your head open and remove what is everything in there that causes the pain.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon