Chapter 8

5.3K 109 0
                                    

Chapter 8

Nang magising sa Taliya ay tila may kulang sa paligid. She unconsciously reaches for a figure on the other side of the bed but found nothing. Agad siyang napadilat. Ali is no longer there. Napabangon siya at pinaikot ang tingin sa paligid. Hindi nawala sa kanyang pansin ang bahagyang kirot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

The room is still dark, but she could see the empty space were Ali had placed his clothes last night. Wala na ito.

Agad niyang kinapa ang cellphone sa kanyang bedside table at kinuha iyon. There on top of the screen of her note is a familiar note from Ali.

Hey, my beauty. I need to get home, emergency. Take a nice dip in your tub to ease the soreness in the morning, okay? See you tomorrow.

- Ali

Napapikit si Taliya at napahigang muli sa kama. Itinakip niya ang braso sa isang mata at itinago ang hubad na katawan sa sarili. It's only five in the morning. She wanted to call him, but she is not sure if he is awake or not. Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

Yes. She and Ali had a wonderful night together, and it was something she would never ever forget. But waking up alone the following morning, left her cold on the inside. Did she expect too much from him?

Sumilip siyang muli sa cellphone.

Emergency.

Napabuntong hininga siyang muli. What is this something important that he would prefer to leave her alone than to stay by her side through the night after what they had shared? Is he just like her parents?

Taliya tossed her phone on the other side of the bed and wiped away her tears. Ali did not promise to stay by her side 'til morning, kaya naman ano itong iniiyak niya? Dumapa siya sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Ali said it's an emergency, and she must believe him. Inabot niya ang unan na ginamit nito at niyakap iyon. She made herself comfortable hugging his pillow. She would just go back to sleep, and maybe later this morning-- after she take that dip in her tub, she would feel much better.

"ANO ang iyong pangalan?"

Napa-angat ng tingin ang batang babae sa batang lalaking nagsalita. Napabitiw siya sa paghuhukay ng lupa gamit ang kanyang mga kamay. "Sino ka?", tanong niya sa bata at pinagpag ang mga kamay.

"Hindi mo ako kilala?" tanong ng batang lalaki na agad niyang sinagot ng iling. Nang masigurong malinis na ang mga palad ay agad siyang tumayo.

"Bakit ko naman dapat malaman ang iyong pangalan?", sagot ng batang babae na kasalukuyan pa ring nakatingala sa batang lalaki na ubod ang tangkad kung ihahalintulad sa kanya. Namaywang ang kausap at bahagyang sumingkit ang mga mata habang pinagmamasdan siya na tila ay pinag-iisipan kung anong uri siyang nilalang.

Bilang taglay nang batang babae ang lahat ng kapilyuhan sa tanang kanayunan ay pinulot nito ang lupang ginawang bundok-bundukan at walang kaabog-abog na itinapon iyon sa batang lalaki. Hindi kasi siya nasisiyahan kung paano siya tignan ng lalaki.

"Amadora!", isang sigaw mula sa may hindi kalayuan ang narinig ng dalawa ngunit parehong hindi natinag sa patigasan ng ulo. Ang batang lalaking nagpupuyos sa galit ay masamang nakatitig sa paslit na babae, hindi alam kung paano ito gagantihan. Samantalang ang batang babae ay pumulot pa ng lupa at naka-ambang ibabato sa batang lalaki sa oras na gumalaw ito.

"Amadora!", tawag muli ng tinig. Mas malapit na ito kaysa kanina na siyang kina-alarma ng batang babae.

"Kapag ikaw ay kumilos diyan sa iyong kinatatayuan ay sisipain ko iyang tumpok ng lupa.", turo ng batang babae sa isang tumpok ng lupa na pinaligiran nito ng mga hukay. "Bahay iyan ng hantik!", ani pa nito at inambahang sisipain ang tumpok.

Saving Grace [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon