Hurt
I don't know what they did or what changed Yngrid's mind but she voted for Serena.
The sun striked my porcelain skin as I walked towards our car. Lunes ng umaga nang mapagpasyahan kong hindi pumasok sa unang subject. Although I shouldn't be late since the one week employee vacation is nearing, my heart is just too heavy.
I woke up feeling ugly and unwanted but I couldn't do anything about the inside pain. Ang ginawa ko nalang ngayon ay nag-ayos. I'm pretty sure I overdid my make-up for school but I could 't care less. I even wore a denim jacket.
Pagpasok sa school ay may isang oras akong vacant. Dapat dalawang oras pero sinama ko na sa pagiging late ko ang isapang oras. I sighed and went directly to the cafeteria.
I was walking, my heels striking the floor when I was stopped by a feminine voice.
"Hindi niyo na dapat ginawa iyon." The fish said.
Tumingin ako sa paligid at nang mahagip ng mata ang matatangkad na kaibigan na papunta sa direksyon ko ngunit hindi pa naman ako nakikita ay nagtago ako sa pinakamalapit na alley roon.
"Kahit na, Serena. Venice just wanted the solo because you're getting it. You deserve it."
"Pero Jatmel, alam kong pumiyok ako at-"
"Serena, your voice is beautiful even if it breaks. Don't feel guilty about what we did."
"Pero ang kausapin si Yngrid para lang makuha ko ang solo at hindi niyo sinabi kay Venice? Masyado na iyon. Iisipin ng tao kung anong maling nagawa niya. Masama panigurado ang pakiramdam niya!"
"Hindi mo kilala si Venice. She doesn't do self pity."
"Jatmel!"
It made my heart hurt more. Of course! I'm the heartless bitch. I never thought I'd hear it from them.
Huminga ako nang malalim ngunit nang dumaan sila sa akin ay halos hindi na ako huminga para hindi makalikha ng ingay. My heart even thumped wildly when I thought Xyl spotted me.
"Pero seryoso nga, ikaw ang nararapat roon. Pinaghirapan mo iyon at inayawan na iyon dati. Dapat lang na mapunta na iyon sayo. Hindi laruan ang mga solo na iyon para itapon at agawin lang din ulit. That's your dream."
"I wanted to be fair, Jatmel."
"Tumahimik na nga kayo." Sabi ni Eidan.
"May point kayong dalawa." Sabi naman ni Matt.
"Can you two please stop justifying what Venice did?"
Nang tuluyan na silang umalis ay saka na ako lumabas. Happy thoughts, Venice. You're the best! Kung totoo ang pagkakaintindi mo ay nakuha lang ni Serena ang solo dahil brinibe nila Xyl si Yngrid. You're still the best.
Hindi ko napigilang isipin kung ano siguro ang nangyari kung walang Serena na dumating? Gugustuhin ko ba ang mga solo? Siguro nga tama sila. I just don't want to share the spotlight, that's all. And my petty reasons are not enough to equalize to Serena's reasons.
Eventually, my overflowing pain turned into anger. Kahit na hindi alam ng mga dati kong kaibigan ang ginagawa ko para hindi sila masaktan ay nagagalit pa rin ako. Pagkatapos ng mga pinagsamahan namin ay bakit parang ang dali-dali ko lang ipagpalit? Ang dali-dali kong pagsabihan ng masama?
I'm not a saint but I still am human. I get hurt. I break down. But after all that has happened, bakit parang iniisip nila na wala na akong puso? Kung totoo iyon, ano ang kumakabog sa dibdib ko ngayon? Bakit ang sakit? Bakit hindi ako makahinga?
BINABASA MO ANG
Freedom from Seduction (COMPLETED)
Aktuelle Literatur[MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK.] [COMPLETED] Hidden Desires Series #1 Venice Euphrosyne Calliego wanted everything that she wants controlled and just at her fingertips. Kaya nang dumating si Serena Gomez at kunin halos lahat ng mayroon siya...
