Cruel Intentions
His tongue clicked as he tried not to wince from pain. Si Anastasia naman ay nakakapit sa pinakamaliit kong daliri.
Pagbalik na pagbalik sa kwartong pinagdalhan niya sa akin ay pumunta ako sa bathroom para maghanap ng first aid kit.
Pinunasan ko muna ang mga luha at tumingin sa salamin bago lumabas at harapin siyang muli. Tinaasan lang niya ako ng kilay at hinintay ang gagawin ko.
Sinimulan ko namang buksan ang kit at ilabas ang mga kailangan. Nang matapos ay muli akong humarap sakanya at napaiwas ng tingin dahil sa hiya sa susunod kong ipapagawa.
"Can you uhh... remove your top?" Iwas na iwas kong tanong.
Tumango naman ito at agad na nagtanggal. Inabala ko ang sarili sa pagpipindot ng kung ano-ano kahit na walang sense iyon.
Nang matapos at tumalikod na rin siya ay kumuha ako ng maliit na tuwalya at binasa iyon bago ko punasan ang likod niya. The water dripped with blood to the floor but I didn't mind. I bit my lip when I heard his low growl.
"I'm really sorry..." paiyak na sabi ko.
Pinilig ko ang ulo dahil sa sobrang pag-iiyak simula nang dumating ako sa lugar na ito. I am not here to ask for pity, I am here for forgiveness yet I let him take the whips that were supposed to be for me.
Pakiramdam ko ay mas pinalalala ko lang ang sitwasyon.
"You're going back to the dungeon for the rest of the night. I don't want you sneaking out." Sabi lamang nito.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. I deserve it.
"Pwede bang magkasama nalang kami ni Anastasia sa isang kulungan?" I asked, wanting to protect the girl if ever.
Marahas siyang bumaling sa akin at kunot noo.
"You wanna die early?" Sarkastikong sabi nito.
Nakita ko ang pagtungo ni Anastasia habang pinaglalaruan ang daliri niya.
"She's harmless."
"Sure." Umirap ito bago muling tumalikod upang gamutin ko ang sugat niya.
Naalala ko ang mga sugat rin ni Anastasia.
"Anastasia..." I called her.
Tumingi siya sa akin at nagulat ako nang umiiyak na ito.
"No one has ever called my name that sweet for two years now." Parang sumbong nito.
I bit my lip. Pinalapit ko siya sa akin at agad naman itong tumalima. I asked her to wash the towel soaked with blood.
"I... I don't know how." She softly said.
Ngumiti ako sakanya upang ibsan ang kaba nito.
"Just get another towel and soak it with water." I ordered.
Tumango naman siya, "Sorry po kahapon..." Mahina niyang sabi ngunit narinig ko iyon.
"As long as you don't strangle me again." Biro ko rito upang pagaanin naman ang paligid.
Sinong mag-aakala na sa dilim ng lugar na ito ay may makikita akong dalawang ilaw na magsisilbing gabay sa akin upang hindi ako tuluyang mabaliw sa sariling pag-iisip?
Binuhos ko ang alcohol sa likod ni Zeus at narinig ko ang mahinang daing nito. Marahan kong ikinalat ang alcohol gamit ang bulak.
Slowly, I kissed his back, hoping it could ease the pain. His muscle tensed and his wincing stopped after my lips left his skin. Nahiya ako bigla sa ginawa ko kaya ipinagpasalamat ko ang pagdating ni Anastasia.
BINABASA MO ANG
Freedom from Seduction (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung[MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK.] [COMPLETED] Hidden Desires Series #1 Venice Euphrosyne Calliego wanted everything that she wants controlled and just at her fingertips. Kaya nang dumating si Serena Gomez at kunin halos lahat ng mayroon siya...