Kabanata 22

264 16 0
                                        

Drunk

Gulat at tila hindi maintindihan ni Serena kung bakit gusto ko ang bracelet niya. Maging ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili. Why am I doing this?

"Ayaw mo?" I asked innocently.

Kanina pa tahimik ang mga tao na tila ba nag-aabang ng susunod na mangyayare. They had sensed my enthusiasm right after Serena got pointed by the bottle. Kaya ngayon ay hinahayaan nila ako. It's not like they would dare contradict me.

Serena looked at Zeus for another help. Nakatingin lamang si Zeus sa akin, tinatantiya ang nararamdaman ko. Nag-iwas agad ako ng tingin. I hate the way he looks at me. It's like he could see every inch of me. My weakness, my strenghts...

Natigil na naman ako sa pag-iisip nang hinawakan ni Zeus ang kamay ni Serena at tumango rito na tila ba hinahayaang ibigay ang bracelet na binigay niya. It was as if he was assuring her that he'll give her another one. Mas lalong lumukot ang mukha ko at kahit na nakuha ko na ang bracelet ay tila wala na akong maramdaman. If he'll give her another bracelet, maybe I should have that one instead! Para mas bago at mas maganda!

Natapos ang laro sa ganoon. Masaya ang mga empleyado maliban sa akin. Ako na ang nag-aya, ako pa ang nawalan ng gana. I felt the void again as I watched them went to their villas to sleep or to the club to party. Muli, napabuntong hininga ako. Why am I doing this again? Kulang na ba talaga ako sa pansin?

Umiwas ako ng tingin nang madaanan ko na naman sila Zeus. Nakakairita. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko samantalang ang bracelet naman na iyon ay gusto ko noong una. Bakit ngayon ay parang gusto ko nang itapon? Bakit ngayon, parang hindi pa rin sapat na nakuha ko ang bracelet na iyon? It's a cheap jewelry! Probably worth not more than a hundred! Pero bakit ganito?

"Miss Calliego..." I stopped from thinking when I heard a voice call me.

Nabaling ang tingin ko sakanya. Some stopped when they saw Rick approach me to tease us once again. Pagod naman akong natawa. I really want to go to the club already. But something seems off. Something far from the heavy feeling I had on my shoulders. Parang nasa puso at parang hindi ko kayang tanggalin kahit anonpa mang gawin ko.

"Ano iyon?"

"Uh... gusto ko lang sana itanong kung pwede kitang maihatid sa villa mo bago kami dumiretso sa club." Nahihiya nitong aya.

Nakagat ko ang labi ko. I must have had given him hope because of my actuations. Akala ko naman kasi ay may magseselos ngunit wala naman pala. All of those just went to the trash. Zeus is too busy with Serena, I should have doubted that he'd eventually notice me. Ngayon ay ako lang ulit ang nasasaktan. Ako na naman.

"Ah, I'll go to the club kasi. Night out. I want to go without any companion, sorry."

"Ay ganoon po ba?" Nahihiya itong umiwas ng tingin. "Sige po, mauna na po ako."

Tumango ako rito. I really don't like being nice kaya ayoko nang pumunta sa club. Maliban nalang siguro kung may magpabago ng isip ko ngunit paniguradong wala na. I should always be me- the bitch heir of one of the finest companies in the Philippines.

Nagpagal ako sa may seaside para magpalipas ng oras. For sure, the employees are there to have a fun night. Ayoko naman doon ngayon dahil may nakakakilala sa akin. I want to let everything out tonight but it seems like I don't have any choice but to wait.

Nang mapagpasyahan ang pag-alis para magtungo na sa villa at magpahinga ay napabalik ako nang may biglang humila sa braso ko. Shocked, I looked at the man and was stunned.

"Zeus..."

Ang nagbabaga niyang tingin ang sumalubong sa gulat kong titig. He looked mad for some reason. His features were illuminated by the moon while half of his face is covered by his own shadow. Natigilan ako para titigan siya ngunit nang maalala ang kasalanan, ang maaaring dahilan kung bakit mukha siyang galit, ay nag-iwas ako ng tingin.

Freedom from Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon