Kabanata 23

271 19 0
                                        

Safe

Sa mga sumunod na araw sa resort ay tila hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Kahit na para sa huling araw namin ay nag-anunsyo ng kompetisyon ang aking Ina para sa mga empleyado na sinalihan ko. The heavy feeling was then replaced. I feel like I had been floating everyday. Hindi ko nga namalayan na bukas na ang alis namin at ngayon na ang kompetisyon.

I looked at my notes before practicing. Despacito ang kakantahin ko at handa na rin ang damit ko. It's a very provocative gold sweetheart neckline short dress with tiny gold fabrics lingering on each of its bottom.

Mabuti nalang ay may spanish class ako sa paaralan kung hindi ay mahihirapan ako magkabisado. At least now, I know the meaning so was easy to memorize.

Nang maggabi at handa naman na ako ay lumabas na akong hindi pa suot ang damit at hindi pa naka-ayos. I want to visit someone before I start.

Tumingin tingin ako sa paligid ngunit imbes na ang makita ay ang lalakeng hinahanap ay nagtama ang mata namin ng aking ina. I happily went to her but was stopped when I saw who's next to her.

Malaki ang ngiti ng aking ina dahil hindi nito alam na hindi naman na sila magkakaibigan kaya hindi niya pinakita ang ilang rito.

"You're here." Bati ko at nagbigay ng pekeng ngiti sa apat na lalake.

Tumango sila Matt na hindi rin makatingin sakanya.

"We're here to visit Serena." Sambit ni Xyl.

May naramdaman akong pagdaan ng kung ano sa aking dibdib sa sinabi nila ngunit isinawalang bahala ko na iyon. If they're here to visit her, who am I to stop them? Kahit pa sabihin nating gusto ko silang mapalayo kay Serena dahil problema lang ang abot ng babae, anong kakayahan ko?

Hangga't nasa teritoryo ko si Serena ay wala siyang masamang magagawa sakanila at ayos na iyon sa akin. Kahit ako lang ang masaktan pagkatapos ay ayos na.

The only thing that's keeping me from wanting to put her to the dumpster is my friends- and Zeus.

Paano ko na nga ba siya madidispatsa kung mahal siya ng mga taong mahalaga sa akin? How can I keep a monster out without hurting people?

"Saktong-sakto. Today is the competition day for our team building. You can cheer Serena and Venice up." Ngumiti ang ina ko.

"Kahit si Serena lang, Mommy. I don't need cheers to win." I smiled.

Umalis na ako roon dahil sa naghalo-halong emosyon sa aking dibdib. I will win. I will. And really, I don't need support when I have talent, right?

Tumigil ako malapit sa dalampasigan upang magpahinga muna. I don't like stressing myself out before competitions. I need a clear mind and a crystal clear voice later. I don't want distractions to hinder me.

Nang bumalik sa normal ang paghinga ay nagpasya na akong bumalik sa villa para mag-ayos. Makakalimutan na sana ang pangunahing dahilan kung bakit lumabas nang makita ang tunay na pakay.

When our eyes met, he immediately looked away, his jaw locking for some reason. Lumawak bigla ang ngiti ko at tila walang naramdamang sakit kanina. I went to Zeus' direction to pester him.

"Hi!" I said as I approach him.

"Magandang gabi." Bati niya.

I pursed my lips because of his formality. Lumapit ako nang bahagya sakanya at nakita ko ang paggalaw ng kaniyang mata upang tignan ang lumiliit na distansya. I bit my lip and touched his arms. Napatingin siya sa aking mata dahil roon.

Parang ako naman ang aatras nang magtama ang mata namin. The atmosphere then turned dark and hot. Kahit umiihip nang malakas ang hangin ay hindi ko magawang ipikit ang mata dahil sa intensidad ng kaniyang pagtingin.

Freedom from Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon