Hidden Fire
~KABANATA V~
Habang nasa counter kami ay tumitingin ako sa menu, samantala si Axe ay hinihintay ang gusto kong order.
“Cia, bilisan mo nga.”
“Ito na, spaghetti, burger steak and rice--tapos ice cream.” Paghahabol ko sa ice cream.
Umirap naman ito at humarap sa babaeng nasa counter.
“One Spaghetti, two burger steak with rice, one ice cream, and drinks.” Sabi nito sa babae.
Napataas ang kilay ko sa babaeng nasa counter na halatang pinagnanasaan ang FIANCE ko.
“Ahm, miss pwedeng pakibilisan? Marami pang nakapila oh.” Reklamo ko dito, namula ito at kaagad na humingi ng tawad.
Nang pagkakuha ng order ay umupo kami ni Axe sa may bandang glass wall ng restaurant. Pagkaupo ko ay excited kong kinuha ang mga pina-order ko.
“Hindi namang halata na gutom ka no?”
Sabi ng lalaki kong kasama.
“Eh pano ba naman tinotoo mo talaga ang sinabi mo.”
Hindi nito pinansin ang sinabi ko at kumain lang.
“Oy Axe, narinig mo ba ako?”
Humarap ito sa akin at malamig akong tiningnan.
“So, it's my fault?”
“Oo, na late kaya ako dahil sayo.”
“Tss.” Ito lang ang sinabi niya at kumain ulit.
Sungit talaga nito!
“Hoy sungit! Daan tayo sa National Book Store.”
“Bakit? Kompleto pa naman 'yung mga gamit mo.”
Napaawang ang labi ko at nakagat ko ito, hindi ko alam kung anong idadahilan ko kaya agad na namula ang pisnge ko, ahm pano ba to?
“B-Bibili ako ng ahm... I-I will buy a new book.”
Kumunot ang nuo nito.
“What kind of book na kailangang mamula ka?”
Shit!
“A-About... about physics, yeah physics, alam mo na sobrang hirap ng physics.”
“Really huh?”
“Y-Yes, bakit ayaw mo bang maniwala? Tss, mind your own business.”
Kumain na lang ako ulit para maitago ang pamumula ko, damn that book!
Pagkatapos naming kumain ay katulad ng sinabi ko ay pumunta kami sa National Book Store, kaya lumabas na kami sa fast-food restaurant na yun at nilibot ang mall para hanapin ang National Book Store.
Nasa unahan ko si Axe habang nasa likuran niya ako at bumubuntot. Napatingin ako sa likuran ni Axe, naka polo ito na mahaba ang manggas, kahit na balot ang katawan nito ay mahahalata mo pa rin ang ganda ng hubog ng katawan nito, kaya ang sasarap pag tatad'yakan ng mga babaeng nagsisitinginan sa kanya na halos hubaran na ng tingin si Axe.
“Ito na, tara pumasok na tayo.” Hinila ako nito papasok sa loob.
“D-Dito ka na lang, mabilis lang naman ako.”
Tumango na lang ito, at agad kong hinanap ang bibilhin ko, napangiti ako ng makita kung 'asan 'yun. Pagkapunta ko sa counter ay ibinigay ko na sa cashier at halos hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin, pero tinanggap n'ya na lang.
Nang maibigay na sa akin na nasa paper bag na ay muli kong sinilip ito, ito kasi ang sabi sa akin ni Kiesha, kung gusto ko raw na lalong magkagusto sa akin ang gusto kong lalaki kailangan ay may alam ako sa bagay na to.
Muli kong binasa ng title ng libro nato, at halos mapamura ako sa utak ko. Fifty Shades Of Gray. Goodness!
Nang makalabas ay nakita kong hinihintay ako sa labas ni Axe.
“Hey!” Tawag ko dito kaya napaharap ito sa akin.
“Are you done?”
“Yes, tara uwi na tayo.”
Pagkalabas namin ay pinagtitinginan pa ako dahil naka uniform pa ako, pati rin naman si Axe pero hindi halata dahil parang naka-casual lang siya.
Pagkasakay namin ay pinaandar nya agad ito. Napasandal ako sa upuan ng kotse, habang nagmamaneho si Axe.
“Axe?” Tawag ko sa pangalan.
Humarap ito sa akin at tiningnan ako.
"Hmmm?"
“W-Wala, magmaneho ka na lang.” Paano ba 'to? Baka hindi umubra itong iniisip ko.
“ 'Yung ginawa mo kanina sa cashier sa fast-food restaurant, that's rude.”
Napanguso ako at tumuwid ng upo.
“Tss, rude, rude ka d'yan, the way she look at you, I hate it.”
“Pa'no naman ang tingin niya?”
“Ewan! Pero halatang may pagnanasa sayo.”
“You and your bratty attitude Cia.”
Nanahimik na lang ako at palihim na napangiti, ang weird ng araw nato, walang bungangaan, at hindi niya ako masyadong sinungitan.
Pagkarating namin sa loob ng penthouse ay sabay at tahimik kaming umakyat sa ikalawang palapag para marating ang kanya-kanyang kwarto.
'Yan na Cia! Pagkakataon mo na to!
“A-Axe.”
Humarap ito sa akin.
“What?”
Here you go Cia.
“Axe, gusto mo 'di ba matapos na' tong arrange marriage na to? Then... ”
Napakunot ang nuo niya,at lumapit sa akin. Agad akong napalunok ng makalapit siya sa akin, bahagya kong inangat ang ulo ko para matitigan ang mata niya.
“Then what?”
Napalunok ako ng maamoy ang mabango niyang hininga na tumatama ang hininga niya sa pisnge ko, goodness!
“Magkakaron ng hiwalayan kung…”
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at sinabi ang kanina ko pang pinagisipang mabuti.
“In one condition.”
(A novel by biGRAYStterness)
BINABASA MO ANG
Hidden Fire (Magnificent Man Series#2)
RomanceMagnificent Man Series 2 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)