Hidden Fire~KABANATA X~
“Okay water break guys! After fifteen minutes practice uli.” Sigaw ng baklang instructor namin.
Naupo ako sa lapag ng stage, at inabot ang tumbler ko na nasa bag para uminom ng tubig. Ipinusod ko na ng buhok ko dahil medyo pinagpapawisan na rin ako, tiningnan ko rin ang oras, pero napadako ang tingin ko sa date na katabi ng oras.
“Damn this! Pwedeng bang ipaalala mo sa akin kung bakit kailangan kong gawin to?”
Mahina akong natawa ng nilingon ko si Jhosh na pinupunasan ang sarili ng isang towel.
Lumapit ako rito at naupo sa tabi niya. “Dahil kung hindi, ay babagsak ka, bulakbol ka kasi, ito na lang ang chance mo.”
Lalong nalukot ang mukha nito at tumayo.
“I'll leave,” tinatamad nitong sabi.
Napatayo ako at tinitigan siya. “Sira ba utak mo? Hindi pa tapos yung practice oh!”
Binigyan ako nito ng isang ngisi at tinapik ako sa balikat.
“Cia, trust me, kabisado ko na ang pag-rampa.”
Tinaasan ko siya ng kilay at bumalik ako sa pagkakaupo.
“Ayus-ayusin mo lang Jhosh, sige na, alis na.”
Lalong lumawak ang ngisi niya at lumakad papaalis. Pagkabalik nung instructor namin ay nag practice na kami. Hindi naman ako nahirapan,sanay na ako sa ganito, kaso nga lang medyo naiinis rin ako sa mga babaeng kung makatingin da akin ay halatang insecured.
“Okay guys, see you on next practice, I hope na matandaan n'yo pa.” Pagkatapos sabihin yun pakembot-kembot itong umalis.
Pinulot ko na ang bag ko na nasa isang upuan, sumulyap ako sa mga babaeng panay ang tingin sa akin. Problema ng mga to?
Bahagya akong umayos ng pagkakatayo at nag flip hair sa harapan nila at umupo para punasan ang pawis sa nuo ko.
Tahimik lang ako sa gilid ng parang may nakatingin sa akin kaya nag-angat agad ako ng tingin at napalaki ang mata ko ng makitang nakatingin sa direksiyon ko si Axe, habang may kausap siya na babae.
Mariin akong napalunok at nag-iwas ng tingin. Ano bang meron dito sa lalaki na to na tingin pa lang ay nagwawala na ang buo kong sistema?
Patuloy ako sa pagliligpit ng gamit. At sinabit na sa balikat ko ang bag ng matapos.
Gusto ko sanang lapitan si Axe, pero baka magtaka ang mga tao sa paligid. Kaya nagdesisyun na lang ako na lumiko ng daan, napahigpit ako ng kapit sa bag ng maalala yung itsura ng babaeng kausap ni Axe, she has a long legs, may pagkamaputi rin ito, and she has a curved body.
Kaya minsan ay hindi ka maiwasang hindi ma-insicured sa mga babaeng nakakasama ni Axe, bukod kasi sa magaganda, ay sobrang kita ang hugis ng katawan nila.
Samantala ako I was just sixteen, kaya hindi pa masyadong curve ang katawan ko. Minsan ay naiisip ko na laging mag mukhang matured sa harap ni Axe, pero hindi ko talaga maiwasang paganahin ang pagiging immatured attitude ko.
Muli akong napanguso at marahas na ipinilig ang ulo ko.
Nang makapasok ako sa loob ng cafeteria ay naupo ako sa gilid, inilabas ko muna ang phone ko at sinunod ang earphones ko.
Sinalampak ko sa tenga ko ang earphones ko at kinagat ang cheesecake, napapikit ako ng malasahan ang sarapy favorite. Yum, yum!
Patuloy lang ako sa pagkain at tiningnan ang oras, it's already eleventh of the morning, mamayang one pa ang next subject ko, saan kaya ako pupunta? Nakakainis kasi si Jhosh eh! Bigla na lang nang-iwan...
BINABASA MO ANG
Hidden Fire (Magnificent Man Series#2)
RomansaMagnificent Man Series 2 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)