Hidden Fire
~KABANATA VIII~
“The unit of Voltage is Volts, it came from the...” Napababa ako ng tingin at pinipigilang mapahikab.
Nakakantok talaga tong Science na 'to, just imagined pinaghalong History and Mathematics, doubled torture!
Binuksan ko ang pahina ng notebook ko at nag drawing ng kung ano-ano.Natawa na lang ako ng makita ang mga pinaggagawa ko.
Bumalik ako ng tingin sa harap ng marinig ko ang salitang 'dismiss'.
Akmang magsitatayuan na kami ng magsalita ang professor namin sa Science.
“Wait, may mahalaga pa akong sasabihin,” pagkatapos nya sabihin yun ay lumingon sya sa akin “Cia, kailangang may partner ka para sa nalalapit na event, hindi raw kasi pwedeng wala kang partner at hindi ka isasali so it means, walang representative ang section n'yo kung ganon.”
Medyo umingay ang room dahil sa mga bulungan and suggestions nila.
“Okay class, stop being noisy, Cia, Jhosh will be your partner.”
Tumango-tango na lang ako at nilingon si Jhosh na nasa likuran na palihim na
natutulog.Lumabas na ang last professor namin for this day. Salamat...
Tumayo ako at sinabit ang bag sa balikat ko, pagkatapos ay lumapit kay Jhosh. Niyugyog ko ang balikat nito para magising.
“Hey, Jhosh gumising ka nga!”
“Isturbo naman oh!” Ginulo nito ang buhok niya at humarap sa akin, med'yo namumula pa ang mata niya dahil sa pagkatulog.
“For your information, uwian na, dun ka na sa bahay niyo matulog.” Tumayo ito at sinabit ang bag niya sa balikat niya.
As usual sabay kaming nag lakad sa hallway. Napaawang ang labi ko ng makitang papalapit sila Greg kasama ang teammates niya sa basketball. Ang laki-laki mg Ateneo de Manila kailangan ba talagang magsalubong pa kami?!
“Cia, uuwi ka na?” Sabi ni Greg pagkalapit sa amin ni Jhosh.
“Yeah, why?”
“Hatid na kita.”
Lumingon ako kay Jhosh na nag-iintay rin sa susunod kong sasabihin.
“No thanks, may sundo ako.”
Hinila ko na si Jhosh paalis duon.
“Mag-ingat ka duon sa grupo nila Greg Cia, I smell something...”
Napairap ako sa hangin at sinagot siya.
“Tss, parang nung nakaraan may pasabi sabi ka pang, 'grabe ka sa tao Cia'.”
“Okay I admit that, pero nagbago na yung isip ko, parang may something kasi.”
“Oo nga pala, sir Penueco, said na kailangang may partner ako sa pageant, and ikaw na lang daw.”
“Parang may choice naman ako...”
Mahina akong natawa at tinapik ang balikat niya, he really don't like pageants.
Nakalabas na kami ng building ng campus at nasa may pa-oval na ground.
“Mauna na ako.”
“Huh? Wait san punta mo?”
Tinuro niya yung babaeng makapal ang salamin at nagsusulat sa notebook habang nakaupo sa bench. Oh that nerd I knew her! Siya 'yung laging b-in-ubully ni Jhosh!
“Wala talagang araw na hindi ka nambubully no?”
Tumawa ito at inakbayan ako.
“This is my hobby.”
“Whatever, kawawa yung babaeng yan, lagi mong inaasar, tell me crush mo ba yun?”
“Gross! No way! Gusto ko lang talaga siyang inisin, basta hindi buo ang araw ko kapag hindi siya galit.”
Natawa ako dahil sa kabaliwan ni Jhosh. Crazy.
Ginulo nito ang buhok ko at umalis sa pagka-akbay.
“Mauna na ako, I'll just go towards my toy.” Kumaway ito at tumakbo.
“Cia!” Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
Napalaki ang mata ko at tumakbo papalapit sa kanila.
“Kuya Frazer!” Niyakap ko si Kuya Frazer at agad ding bumaklas ng mapansin kong kompleto sila.
“Kompleto kayo ngayon ah.”
“Yeah, wala kasi masyadong inaasikaso.” Lumingon ako kay Kuya Chadd.
“Ahh. Wait bakit pala kayo andito?”
“Gala tayo, bakante kasi kami ngayon at minsan lang to.” Napalawak ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Kuya Frazer.
“Talaga? Tara!”
Nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot ng magsalita si Kuya DK.
“Cia, who's that guy?”
Kumunot ang nuo ko at humarap kay Kuya DK.
“Guy? Who?”
“Yung nakaakbay sayo kanina, tapos ginulo pa ang buhok mo.”
Si Jhosh!
“Si Jhosh! My classmate and a friend of mine.”
Natigilan kami ng maunang maglakad si Axe.
“Anong nangyari dun sa topak na yun?”
Makahulugang nagtinginan sila Kuya Chadd at pinipigilang tumawa.
“Nothing may dalaw kasi yun ngayon.” Natatawang sabi ni Kuya Frazer.
“Mag convoy na lang tayo, dala kasi natin yung kanya-kanya nating kotse, at ikaw Cia sundan muna si Axe, may monthly period na naman 'yun kaya gan'on.”
Sinunod ko naman si Kuya Chadd at pumasok sa kotse ni Axe.
Nang pagkapasok ko ay lumingon lang ito saglit sa akin pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.
Kaninang umaga ay good mood pa siya, he kissed me also, tapos ngayon ang cold nya na naman?
Ano na namang topak nitong sungit na to?
(A novel by biGRAYStterness)
BINABASA MO ANG
Hidden Fire (Magnificent Man Series#2)
RomansMagnificent Man Series 2 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)