KABANATA II

845 21 0
                                    

Hidden Fire

~KABANATA II~

Pagkauwi ko ng bahay ay nakita kong dumating ang katulong na inuutusan ni Daddy. Tuwing lunes at sabado lang ito nandito para maglinis o maglaba. So kung tinatanong n'yo kung sino ang nagluluto huwag niyo na akong tanungun at si Axe lang ang may alam n'yan...

“Ate Desie, umuwi na po ba si Axe?”

Pagod akong naupo sa sofa at tinanggal ang sapatos ko na may takong ts'aka hinanap sa ilalim ng sofa ang cotton and with bunny design na tsinelas ko, nakaagaw atens'yon kasi sa akin to sa isang department store.

“Ma'am Cia, kanina pa po dumating si Sir, tingnan n'yo na lang po sa itaas.”

Nginitian ko naman si Ate Desie at binitbit ang bag ko pataas. Med'yo nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Axe, dahan-dahan akong sumulip pero walang tao, ng makapasok ako ay malinis ito--as usual kwarto ko lang naman ang parang binagyo, napatingin ako sa pintuan ng bathroom sa kwarto nya ng marinig ang lagaslas ng tubig, siguro naliligo siya, mamaya na nga lang.

Pumasok ako sa sarili kong kwarto at agad na naghanap ng dress sa cabinet ko. Napangiti ako ng makita ang isang red na hanggang tuhod ko na dress, agad ko itong sinukat at naghanap ng maipapares na sandal, pagkabihis ko ay humarap ako sa salamin para iayos ang buhok, napaharap ako sa mga make up na nasa lamesa ko na binili ng Mama ni Axe para sa akin, hindi naman ako nag me-make up, di'bale lang kung may pagent, I'm fabulous even I'm just simple.

Napangiti ako at sinuklayan ulit ang buhok. Pero halata pa rin sa mukha ko na I'm still sixteen and I hate it, gusto ko kasing magmukha akong matured sa harap ni Axe.

Sa totoo lang when my dad declared that I'm having a fiance I was so sad, I thought hindi ko na mahahanap ang taong para talaga sa akin, pero nagbago iyon ng malaman ko na it was Axe, I'm so happy that time. Since Grade seven Axe is my crush, nakilala ko siya nuon ng magkaroon ng business meet si Dad sa bahay with his friends. Mula ng bata pa ako ay kilala ko na sila Kuya Ezikiel, di'bale lang kay Axe, pinagalitan pa nga ako nila Kuya Dk dahil hindi ko tinatawag na kuya si Axe, maybe because that time na realize ko na I don't to be his just a friend or what.

Kaya ng malaman ko na s'ya ang magiging fiance ko I'm so happy, but you know what he said? Well this, ‘she's too young and naive’ he was nineteen and I'm fourteen he's just five years older than me for pete's sake!

At dahil sa pagsasama namin sa isang bubong lalo pang lumalim ang nararamdaman ko, alam niya rin yun when I was Fifteen at one year na kami nung mag fiance I told him my feelings, at ang sabi nya? I'm so childish, like WTF?!

Hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa utak n'ya.

Excited ako na lumabas ng kwarto at naabutang kalalabas niya rin ng kwarto, napalunok ako ng makitang wala itong pang itaas na damit at marahas na pinupunasan ang buhok.

“A-Axe.”

Oh my god, Cia focus on his face not at his abs, damn!

Lumingon ito sa akin at kumunot ang nuo, nagtataka siguro siya kung bakit ganito ang suot ko.

“Birthday ni Kiesha, can I come?”

Tumaas ang kilay nito.

“At saan naman yun?”

“At Geri's bar--”

Nagbago ang mukha nito at nawala ang ekspresyon sa mukha.

“You're not coming, you'll stay here at house.”

Halos malukot ang mukha ko at tumingin sa kan'ya.

“What? Why?”

“May pasok pa bukas, then paano kung may mangyari sayo dun? Think first kid.”

Pumasok ulit ito sa kwarto n'ya at sinaraduhan ako.

“Hey you moron! I'm not kid anymore! And I hate you!”

Naiinis kong sinipa ang pinto ng kwarto niya pero napangiwi ng maramdaman ang sakit dahil sa pagsipa ko. This is shit!

Naiinis akong bumalik sa kwarto ko at padabog na isinara iyon, ng makahiga sa kama ay nagsisipa ako dahil sa inis, naiinis ako dahil hindi ako maka tanggi, dad told Axe na huwag akong hahayaan sa mga kakulitan ko.

Ang boring! Ang dating nakalukot ko na mukha ay  ng may maisip na paraan... Hinayaan kong lumipas ang oras at ng mga bandang alas diyes na ng gabi ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko, at ng lumingon sa paligid ay sobrang tahimik, dahan-dahan ulit akong pumunta sa front door at ng makalabas ay binuksan ko agad ang gate. Agad akong pumara ng taxi palabas ng village at halos magtitili ng makatakas ako. Well Cia nga naman!

Nang makapasok sa bar ay sumalubong sa akin ang ibat-ibang kulay ng ilaw at ang maingay na tugtugin.Ng makita ako ni Kiesha ay agad itong kumaway at nagsimula na kaming sumayaw.

Nang napagod ay naupo muna kami.

“Buti nakarating ka, akala ko kasi hindi ka na darating.”

Mahina akong natawa at uminom ng isang strawberry juice. Bawal kasi dito ang mga alcohol sa menor de edad, pwedeng makasuhan ang bar pag nagkataon.

“Yeah, actually tumakas lang ako.”

“What? Tumakas, kanino?”

“Kay Ate Desie.” Muntikan ko ng makalimutan na walang ibang nakakaalam sa amin ni Axe.

“Oh, alam mo na ba?” Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya.

“Alam ang alin?”

Ngumiti ito ng pagkaluwag luwag at binigyan ako ng isang kinikilig na itsura.

“Fourth and his friends are invited, andun nga sila sa kabilang table oh.”

What?!

(A novel by biGRAYStterness)

Hidden Fire (Magnificent Man Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon