KABANATA XXXII

631 18 0
                                    

Hidden Fire

~KABANATA XXXII~

Napa-bitaw ang pangahas na lalaki na to sa akin at lumingon sa lalaking malamig ang tingin.

“Oh, long time no see Mr. Aguille--”

Hindi na naitapos ang sasabihin nitong lalaki na ito ang sasabihin ng hilahin ako ni Axe.

“She's my date Mr. Gikan. Find someone who wants to flirt with you.”

Napa-awang ang labi ko sa sinabi ni Axe. Mukhang napahiya naman itong lalaki na to dahil sa sinabi ni Axe.

“Oh! I'm sorry Mr. Aguille. I can't just resist her beauty.”

“Then resist it now.”

“I'm sorry. I you'll excuse me, I'll leave.”

Naka-tunganga ako habang pinapanood ang papalayo na kausap ni Axe.

“I must take you back at your house Cia.”

Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi n'ya. Anong sinasabi n'ya? Eh magt-tatlong oras pa lang kami dito.

“Ayoko pang umuwi, I'm fine here.”

Akmang babalik ako sa island counter ng hawakan nito ang braso ko para mapigilan ako sa pag-balik duon.

“No, I m will take--”

I cutted him off.

“Na-ah. I don't want yet to go home.”

Akmang aalis uli ako ng hilahin n'ya ako kaya nabangga ko ang isang waiter at natapon sa akin ang isang baso ng malamig na orange juice.

Napalaki ang mata ng waiter at med'yo na kaagaw rin iyon ng pansin ng iilang mga bisita.

Mariin akong napa-pikit at tinanggap ang tissue na inabot sa akin ng waiter. I smiled at him.

Napatigil ako sa pagpu-punas sa sarili ng walang sabing hilahin na ako ni Axe palabas ng venue na 'yun.

“Hoy! Teka--”

“Shut up!”

Natahimik ako dahil sa lamig ng paraan ng pags-salita nito.

Ang kapal ng kumag na to. S'ya pa galit eh s'ya na nga yung dahilan nito. He ruined my gown.

Hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko habang naka-sakay sa elevator. Teka saan kami papunta?

Nang bumukas ang pinto ay hinila uli ako nito.

Huminto kami sa isang hotel room at binuksan n'ya iyon.

Namangha ako sa ganda ng pagkadisenyo sa loob. Kakaiba rin ang pagma-mayari ni Kuya Kiel.

Naupo ako sa mahabang gray colored na sofa habang pinapanood si Axe na may kausap sa phone n'ya.

“... Yes, send a cloth here. Thanks.”

Ibinaba nito ang phone at humarap sa akin.

“Take a bath first. Ipapadala ko na ang damit mo.”

“Pero--”

“Kahit ngayon lang makinig ka.”

Wala akong choice na pumasok sa loob ng ban'yo at dahan-dahang binuksan ang zipper ng suot kong gown.

I opened the shower. Agad na nabasa ang buhok ko pababa ng katawan ko. Nang biglang may sumagi sa utak ko.

Ang complicated na nang-yayari.

Dahan-dahang kong sinabunan ang sarili ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ng tubig sa katawan ko nanggagaling sa shower.

Sobrang komplikado ng mga nangyayari. Sana ay matapos ko na ang mga dapat kong gagawin  dito at ng makabalik na ako sa Las Vegas.

Siguro kung pag-alis na lang ang solusyun sa mga bagay na to ay mas mabuting aalis na ako.

Nang matapos kong maligo ay kinuha ko ang bathrobe at isinuot yun. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng CR at sinilip ang labas.

Mabagal ang bawat pag-hakbang ko papalabas ng CR. T'saka ko lang napansin na ang ganda at lawak ng room na to. Hindi ito pang-karaniwan.

Napadako ang tingin ko sa isang medyo awang na pinto. Ewan ko kung ano ang nag-tulak sa akin at pumasok duon.

Bumungad sa akin ang oval-shaped na swimming pool. Walang ilaw sa mga ding-ding. At ang nakaka-mangha ay nasa pool ang nagsi-silbing ilaw.

Hinakbang ko ang aking mga paa habang pinagm-masdan ang kabuuan. Mahigpit ang hawak ko sa bathrobe ko habang humahakbang.

Napatingin ako sa lalaking nasa kalahati ang katawan sa pool. Bukas ang dalawang butones na nasa itaas nito.

May hawak-hawak s'yang isang shot glass ng whiskey. Napugto ang hininga ko ng dumako ang tingin nito sa akin.

May sariling buhay ang mga paa ko na naglakad papalapit sa kanya at tinabihan s'ya sa pag-upo.

Huminto ako sa isang metro ang layo namin sa isa't-isa at inilagay ang mga paa sa pool.

Balot na balot ang buong paligid. Parang itong napaka-pribadong parte na hotel unit na to.

Napatikhim ako para mabawasan ang awkwardness. Humarap ito sa akin, mapupungay ang mga mata.

(A novel by biGRAYStterness)

Hidden Fire (Magnificent Man Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon