KABANATA XI

558 15 0
                                    

Hidden Fire

~KABANATA XI~

Tinatamad akong bumangon sa higaan at inabot ang phone sa mesa na katabi ng kama ko.

At halos lumuwa ang mata ko ng mapansin kung anong oras na.

Goodness! It's already seven! Bakit hindi ko ba narinig yung alarm?! Dali-dali akong tumayo para pumunta ng CR. Mahuhuli ako sa klase panigurado!

Binilisan ko na ang pagligo para matapos agad ako, ng matapos ako ay agad kong binalot ang katawan ko ng bathrobe at mabilisang lumabas ng CR para makapagbihis agad.

Kinuha ko ang uniform ko at iba pang susuotin, hindi ka pwedeng mag-inarte ngayon Cia!

At habang sinusuot ko ang blusa ko ay sinusuot ko naman ang sapatos ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at sinabit sa braso tsaka kinuha ang suklay.

Habang pababa ng hagdan ay sinusuklay ko ang buhok ko, agad na hinanap ng mata ko si Axe, at baka iniwan na naman ako. Huwag naman sana!

Nagpa-panic akong pumunta sa kusina pero wala si Axe. Damn! Super late na ko...

Kinuha ko na lang ang bag ko sa sofa na panandalian kong iniwan para pumunta sa kusina, pero akmang hahakbang na ako paalis ng may makita ako.

Agad akong pumunta sa sala at binuksan ang malaking glass sliding door para makapunta sa pool area.

Mula sa kinakatayuan ko ay kita ko ang lumalangoy na si Axe, my face reddened when I saw his whole body, he's only wearing a swimming trunks.

At halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko ng tumigil ito at lumingon sa gawi ko.

Naestatwa ako, at hindi alam kung ano ang unang gagawin. Should I run? Or act like i didn't saw him?

Pero naputol ang pagpaplano ko sa gagawin ko ng umakyat na ito sa hagdanan na nasa pool at lumapit sa gawi ko. Napaawang ang labi ko ng makita ang biceps nya pati rin ang medyo kita ng v-line niya.

At ng dumako ang tingin ko sa tyan niya ay agad akong nag-iwas ng tingin. Kaya ko pang titigan ang ibang parte ng katawan niya, but seeing his abs! Jusko! Baka tumira lahat ng dugo ko sa mukha ko!

Tumigil ito sa isang bakanteng upuan na may tuwalya at pinunas sa ulo niya pagkatapos ay inilagay sa balikat niya, ng magawa niya iyon ay lumingon siya sa akin ay tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay kumunot ang nuo niya.

Mahina akong tumikhim at agad na nag-iwas ng tingin dahil sa nakabalandra niyang katawan.

“B-Bakit hindi ka pa nagbibihis? Late na tayo.” Sabi ko pero sa ibang direksiyon nakatingin.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko at tinatamad na umupo sa upuan at kinuha niya ang phone niya.

“Hoy Axe! Can't you hear me? Huli na tayo sa klase!”

At sa wakas ay pinansin niya rin ako, may kung anong pinindot ito sa phone niya at pagkatapos ay ipinakita ito. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na makita kung ano 'yun.

“Saturday ngayon.”

Napalaki ang mata ko, at mabilis na tumingin sa Calendar App ko, and yes, it's really Saturday. Bakit hindi ko ba yun napansin? Kaya pala walang alarm ang gumising sa akin. Oh, Cia, you're such a fool!

Agad akong pumanhik pabalik sa kwarto ko para makapagbihis na ng ibang damit. Pagkatapos magbihis ay humarap ako sa medyo kalakihang pa-oval na salamin sa kwarto ko at ipinusod ang buhok ko, ng makuntento na ako sa ayos ko ay isinuot ko na amg cotton slipper ko.

Hidden Fire (Magnificent Man Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon