KABANATA VI

624 15 0
                                    

Hidden Fire

~KABANATA VI~

“Give me one hundred days.”

Binigyan nya ako ng malamig na tingin.

“But, may gusto akong sabihin na rules.”

“At anong rules na man yan?” Napapikit ako ng maamoy ang hininga niya. Ang bango!

“Kung sino man ang mahulog sa isa sa atin ang magiging talunan, and siya mismo ang magbe-break ng upcoming wedding.”

Nanahimik ito.

“That's the rule Axe, sabihin mo ng this is a childish deal, pero malay mo mag work.” Ngumisi ako at inabot ang kamay ko

"So, it's a deal?"

Tinanggap nito ang kamay ko.

“Deal, para matapos na ito.”

“Okay, then good night.” Pagkasabi ko noon ay pumasok na agad ako sa kwarto.

Kahit na nasaktan ako ay pilit pa rin akong ngumite. Kahit dalawang buwan lang, masaya na ako. Bakit ba kasi ang manhid mo?

Maaga akong nagising, well dahil 'yun sa alarm, pero hindi katulad ng dati na kahit  mabingi na ako sa alarm ay hindi pa rin ako tumatayo.

Pinusod ko na ang hanggang balikat kong buhok, pagkatayo ko ay nag unat ako, at binuksan ang kurtina sa kwarto ko. Napangiti ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw.

A new day...

Inayos ko na ang blanket na medyo na gusot at ang unan ko. Natigilan ako ng may marinig na katok sa pintuan.

“Saglit lang!” Sabi ko habang sinusuot ang cotton slippers ko.

Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad agad sa akin ang gwapong mukha ni Axe. Pero iba lang ngayon, naka pang bahay lang ito na sando at short. Kaya naman kitang kita ko ang mga braso niya. I wonder kung madalas ba siyang mag work out?

“Wala ngayon si Ate Desie.”

Tumaas ang isa kong kilay dahil sa sinabi nito. “So?”

Napapikit ako ng ihagis niya sa mukha ko ang towel.

“Tayo ang maglalaba.”

Napanganga ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Hell no!

“W-What?”

“Maglalaba tayo, so ilabas mo na ang lahat ng mga labahan mo.”

Nang umalis na ito sa harap ng kwarto ko ay medyo kinakabahan akong lumingon sa labahan ko, hindi ako natatakot maglaba, ang problema ay hindi ako marunong maglaba!

Binuhat ko na ang basket ko na may lamang mga labahan, sabado pala ngayon!

Pagkalabas ko ay naabutan ko siya sa kusina na naghahanda. Lumingon ito sa akin at umupo.

“Eat up, kailangan ay may lakas ka para sa paglalaba.”

Naupo ako at kumuha ng hotdog at slice bread.

“Bakit kailangang tayo pa ang maglalaba? We can go to laundry shop.”

Tumigil ito sa pagkain at uminom ng tubig.

“Kaunti lang naman ang labahan, kapapalit lang ng mga blanket, curtains and other stuff here, bakit kailangan pang pumunta ng laundry shop?”

“A-Axe... Kasi ano eh.”

“What's the matter?”

Nahihiya akong lumingon sa kan'ya. Pero nangisi ng may kalokohan na naisip.

“Matter anything that occupies space and has mass.”

Dahil sa sinabi ko ay tumalim ang tingin nito kaya agad akong nag-peace sign.

“Eh, kasi... Ano, I don't know how to wash the clothes.”

Napatingin ako sa kanya ng natigilan ito, at maya-maya ay biglang tumawa. Marunong pala siyang tumawa? Tumatawa naman siya pero sa harap lang nila Kuya Chadd...

“Seriously?”

“Shut up Axe, narinig mo na nga di'ba?” Tumaray ako at pinag patuloy ang pagkain.

“Don't worry may washing machine tayo.”

Nang huminto ito ay huminga muna siya ng malalim ts'aka bumalik sa pagkaseryoso. Mood swing talaga tong sungit na to.

Kasalukuyan kong sinasampay ang mga sinampay sa likod malapit sa  pool. Napatingin ako kay Axe na nagbabanlaw, nakakahiyang sabihin pero wala talaga akong alam sa gawaing bahay, kahit nga magluto ay pagpiprito lang ang alam ko, minsan nasusunog ko pa...

What if, kung ma-inlove sa akin si Axe? Kailangan ko ng mag-aral ng gawaing bahay. Pero siguradong malabo na ma-inlove ito sa'kin.

Lumapit ako at naupo sa bermuda grass, pinapanood ko siya habang nagbabanlaw.

“Axe, paano ka natutong gumawa ng gawaing bahay?”

Humarap ito sa akin at tinapos ang huling damit.

“When I was young, my mom and dad are both busy, laging maid ang kasama ko, dahil wala rin akong kalaro I volunteer to help, natuto ako, why did you ask?”

“Ahm, nothing, I just wondering because you're a man... You know that is a lady thing.”

“Yeah, pero ikaw rin naman di ba?”

“My Dad spoiled me, remember?”

“Yeah, kaya spoiled brat ka, tss.”

Napabusangot ako at pinaglaruan ang mga halaman.

“Axe, can you stop being mean to me, sarcastic and cold to me? One hundred days na nga lang tayo magkakasama ang bad mo pa.”

Tumaas ang kilay nya at tumayo. Tumahimik bigla ang paligid,may nasabi ba akong masama?

“Pumasok ka na sa loob.”

“H-Huh?”

Lumingon ito sa akin at nagsampay na.

“You said, you want me to be nice to you. I'm starting now. So go to inside and rest.”

Wala sa sarili akong pumasok sa loob at dumaretso sa kusina para kumuha ng malamig na tubig na maiinom ko. Para akong baliw na ngumite, dapat na ba akong kiligin? Hell! Kinikilig ka na nga Cia!

(A novel by biGRAYStterness)

Hidden Fire (Magnificent Man Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon