Hidden Fire~KABANATA XVI~
Kinakabahang napaatras ako at napalinga-linga sa paligid. Goodness, bakit kasi wala ng mga tao?
“A-Anong k-kailangan niyo?” Kinakabahan kong sabi pero pilit na nilalabanan ang takot ko.
“M-May iba bang t-tao rito?!” Sigaw ko, at nagbabasakaling may iba pang tao bukod sa amin.
“Hey, don't be nervous, we're just having fun Cia.” Lalo akong napaatras ng lumapit sa akin si Greg.
Dahil sa pag-atras ko ay natalisod ako kaya napa salampak ako sa sahig. Mariin akong napapikit ng maramdaman ang kirot.
Lumuhod si Greg sa harap ko then he hold my chin to label our face.
“Pakipot kasi itong isa na to pre! Kaya hindi agad ako maka-score.”
“Help! May iba bang tao ba?!” Pilit kong paghahanap ko ng tulong.
Narinig ko ang tawanan ng apat niyang kaibigan, agad akong tumayo at mabilis na tumakbo, dahil nakaharang sila sa kabilang hagdanan ay pumunta ako sa kabilang hagdanan para makababa.
Rinig ko ang tawanan ng mga ito.
“Run Cia! Huwag ka lang magpapahuli!” sigaw ni Greg na lalong nagpakilabot sa akin.
Mabilis akong tumakbo at nagsisimula ng maiyak dahil sa takot. A-Axe where are you? Akmang mag da-dial na ako ng number nito ng malaglag ang phone ko.
Mabilis akong lumuhod para kunin ito at palihim na napamura ng mag-off sanhi ng pagka-hulog nito.
Nakita kong nasa likuran ko na sila kaya pinabayaan ko na lang ang phone ko para tumakbo uli, nang masira ang takong ng sandals ka para matalisod ako.
“Got'cha!” Napatili ako ng may humawak sa bewang ko at binuhat ako.
Pilit akong tumatakas pero hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at tinali sa bibig ko ng isang handkerchief.
Ipinasok nila ako sa isang silid sa building na to at mabilis na ihiniga sa mesa, pilit akong kumakawala sa kanila pero lima sila iisa lang ako.
Naiyak na lang ako habang pinagtatawanan lang nila ako. Ang hahayop nila!
“Tang'na dude! Ang bango nitong Campus Belle na to!” Rinig kong sabi ng isa sa mga kasama ni Greg na lalong nagpakilabot sa akin at akmang hahawakan ako ay ng tinampal ni Greg ang kamay nito.
“Gago! Ako muna, t'saka na kayo kapag tapos na ko! Hawakan niyo ng maayos.” Agad sinunod ng mga ito ang sinabi ni Greg.
Kahit na alam kong malabong makatakas ako sa kanila ay inipon ko ang lakas ko at sinipa si Greg.
Nabuwal naman ito pero agad ring tumayo at sinabunutan ako, gusto kong manlaban pero hawak-hawak nila ako. Inis ako nitong tinapunan ng tingin, ipinilig ko ang ulo ko para matanggal ang handkerchief sa bibig ko at salamat sa diyos dahil natanggal ito. Mabilis akong sumigaw para humingi ng tulong.
“Cia, Cia, walang makakarinig sayo dito, kahit pa maubusan ka na ng boses kakasigaw walang makakarinig sayo.” Hinaplos-haplos nito ang pisnge ko gamit ang hintuturo niya pero dinuraan ko lamang siya.
Mariin nitong pinunasan ang mukha niya at agad akong sinampal ng malakas, napa-igik ako dahil sa kirot, ramdam ko rin ang kirot sa labi ko, dahil sa pumutok na labi ko. Axe, where are you?
Mabilisang hinubad nito ang T-shirt niya at itinapon kung saan. Nagtatawanan naman ang mga kaibigan niya at nagbibiruan, basang basa na ang pisnge ko dahil sa pag-iyak ko. No please! Don't! Pipi kong sigaw.
Akmang hahalikan na nito ang leeg ko ng pabalang bumukas ang pinto. Nabuhayan ako at nabigyan ng pag-asa, akala ko mawawala na ang iniingatan ko.
Masaya akong humarap sa pinto, ngunit agad na nadismaya, akala ko kasi ang taong inaasahan ko ang pupunta pero, hindi pala.
“Nahuli ba ako?” Hinilot-hilot ni Jhosh ang kamao niya at agad na sumugod kay Greg, t'saka pinaulanan ng suntok. Napaluhod si Greg ng sinikmuraan siya ni Jhosh.
Napalaki ang mata ko at hindi makasigaw dahil sa takip nga sa bibig ko ng hampasin upuan ng isang tropa ni Greg si Jhosh sa kanang braso ni Jhosh. Napa-igik si Jhosh dahil sa sakit pero agad ring nakabawi at sinipa ito sa tuhod para mapaluhod ito.
Akmang susuntukin ni Jhosh ang isa pang natitira na nakahawak sa kamay ko ng dumating na ang mga pulis. Habang hinuhuli na ng mga pulis sila Greg ay tinanggal ko na ang panyo sa bibig ko at inalalayan si Jhosh.
“Woah! Kailangan ko ng mag work out, mabilis na akong hingalin!” Sabi ni Jhosh habang natatawa.
Lumapit ako dito at agad na yumakap sa kan'ya.
“Bastard! Thanks for saving me.” Naiiyak kong sabi at natawa lang ito.
Habang inaalalayan ko siya sa pag-labas sa Tourism Department ay ng may sumagi sa isip ko.
“Jhosh... Si A-Axe?”
Bigla itong natigilan at humarap sa akin.
“I don't know, basta alam ko lang susuntukin ko siya kapag nakita ko siya-kapag magaling na itong braso ko, dahil sa pagpapabaya niya sayo.” Para itong baliw na tumawa kahit na bali na ang kanang braso niya. Napayuko na lang ako at matinding lungkot ang maramdaman.
Nahuli na ng mga pulis sila Greg kasama ang mga kaibigan niya, napag-alaman na gumagamit pala ang mga ito ng ipibagba-bawal na gamot at marami na rin palang nabiktima.
Isinugod naman sa ospital si Jhosh dahil sa bali nito sa kanang braso dulot ng pagkakapalo sa kanya. Laking pasasalamat ko nga at hindi ako napagilitan ng parents ni Jhosh pero sinermonan naman nila si Jhosh, pero tanging ngisi lang ang ganti nito.
Nalaman ko rin na sumunod pala sa akin si Jhosh ng sabihin kong nasa Tourism Department ako, at agad siyang nag-alala ng makita ang nagkalat na phone ko lapag. I'm so thankful na dumating si Jhosh at dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa aking masama.
Nang gabing yun ay pagkatapos akong mahingian ng statement ng mga pulis ay hopeless akong sumakay sa taxi.
“Miss, saan po tayo?” Agad akong napabalik sa huwisyo ng tanungin ako ng taxi driver.
“Sa lugar kung saan hindi ako masasaktan.” Agad na napangiwi ang driver sa sinabi ko kaya agad kong binawi. “Charot lang kuya! Depressed lang ako.”
Agad kong sinabi ang kung saan ang address ng lugar. Nang nakarating sa harap ng isang malaking bahay ay binayaran ko muna si Kuyang driver at pumasok sa loob, sumalubong sa akin ang mga katulong sa bahay, mabilis akong tumakbo papunta kay Daddy na bakas sa mukha ang pag-aalala.
Nang makalapit ay kinulong ako ni Daddy sa bisig niya at hinalikan ang ulo ko.
“I'm so sorry my princess, I'm so sorry, don't worry, sisiguraduhin kong mabubulok ang mga demonyo na 'yun sa kulungan, I will make them suffer.” Napahikbi na lang ako at lalong isiniksik ang sarili sa kan'ya.
“ARE you sure na ayaw mong umuwi sa bahay niyo ni Fourth?” Napaharap ako kay Daddy na papasok sa kwarto ko at naglakad papalapit sa kama ko at naupo sa gilid.
Umiling ako at tumalikod t'saka niyakap ang unan na nasa tabi ko. Dito ako muna pinagpahinga ni Daddy sa dating kwarto ko sa bahay namin.
“Fourth called me, he asked if you're here, I think you should go home princess, your fiance is waiting for you.” Humarap ako kay Dad t'saka nagsalita.
“Gusto ko munang matanggal ang stress ko Dad, please lang...”
Napabuntong hininga ito at hinalikan ang nuo ko t'saka lumabas ng kwarto ko. Hindi alam ni Dad ang nangyari between me and Axe, pero alam kong alam niya na may away saming dalawa ni Axe. He's my dad, and he know me well.
Pilit kong pinapatulog ang sarili ko, at hinahayaang bumuhos ang luha ko. I hate my self,dahil ang tanga ko para umasa Ang taong inaasahan kong laging nasa tabi ko. Nasa tabi ng ibang tao habang nanganganib ako.
(A novel by biGRAYStterness)
BINABASA MO ANG
Hidden Fire (Magnificent Man Series#2)
Roman d'amourMagnificent Man Series 2 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)