KABANATA XXVI

552 18 0
                                    

Hidden Fire

~KABANATA XXVI~

“Kung ihatid na lang kaya kita?”

Napatigil ako sa paglagay ng mga libro ko sa locker ko at hinarap si Benedict.

“No, I'm alright Benedict, no need to worry, t'saka baka storbo ako sayo.”

Napakamot ito ng batok at napangiwi.

“Okay lang sa akin, t'saka wala naman akong gagawin.”

Saglit akong nag-isip at tumango na lang. Baka daw kasi anong oras na dumating si Manong, t'saka sa mga lumipas na mga araw ay naging mag-kaibigan na kami ni Benedict.

Napanguso ako habang naglalakad papuntang parking lot. I want to talk with Axe so bad! Or I want and I should know the truth.

“Missing your belovely Fourth?” Panunuya sa akin ni Benedict.

Kahit na mag-kaibigan na kami ay hindi ko pa rin nababanggit ang totoong relasyon ko kay Axe.

“Shut up Benedict, gusto mo sapak?”

Nilingon ko ito na itinaas kunyari ang kamay bilang pagsuko.

“Sapak? Bawal kiss?”

Pinanliitan ko ito ng mata na ikinatawa niya.

“Tss, may sayad.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya  at agad akong pumasok.

Nagmaneho na ito at sumusipol-sipol habang nagda-drive.

“Pagkaka-alam ko ay ngayon daw uuwi si Fourth, Cia.”

I smiled bitterly at look at the road.

“Ang tahimik mo.”

Humarap ako kay Benedict dahil sa sa sinabi n'ya.

“Tapos ang ingay mo.”

He chuckled and keep driving.

Minsan ay naalala ko si Jhosh kay Benedict. I've been missing Jhosh, masyado na s'yang busy with her personal assistant.


“DITO ka na lang talaga? You don't want to drink some water, juice or coffee?”

“Na-ah, hinatid lang naman talaga kita.”

Sinara n'ya na ang bintana ng kotse niya kaya I just mouthed  ' thanks ' then he left.

Pinagbuksan ako ng pinto sa bahay kaya agad akong pumasok. Napasinghap ako ng maabutan kong hawak-hawak ni Dad ang kwelyo ng damit ni Axe at akmang susuntukin ito.

“Dad! What happened?!”

Tumakbo ako papalapit sa kanila at pumagitna sa kanila, tinanggal na ni Dad ang pagkahawak kay Axe at lumapit si Mom para hawakan si Dad na parang sasabog sa galit.

“Hindi na itutuloy ang kasalan na magaganap Princess.”

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

“P-Po?”

Nilingon ko si Axe na nakatingin sa akin. Wala akong emosyon na mabasa sa mukha niya ni isa.

“Umalis ka na sa pamamahay ko batang Aguille!”

Nilingon ako ni Axe tsaka lumabas ng bahay. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Dad. Namamasa na ang mata ko, no! Axe...

“No Princess, he's hurting you, big time.”

Napailing-iling ako at pilit pinupuasan ang basa kong pisnge. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Dad sa akin.

Hidden Fire (Magnificent Man Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon