Lingid sa kaalaman ni Denver ay may binabalak pala ang best friend nyang si Jameson kaya ito nagyayayang pumunta sa bar ngayong gabi. Matagal na nitong ipinipilit sa kanya na pumasok sa isang relasyon ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi man lang ito sumagi sa isip nya. Ayaw nyang magmadali, hinahayaan nya lang na dumaan ang mga oras hanggang sa dumating sa punto na sya mismo ang makaramdam na kailangan na nyang umibig. Isa pa, wala din syang taong natitipuhan dahil na rin sa nakatuon sya sa pag-aaral ngayon. Kailangan nyang itaas ang mga grado nya dahil kung hindi, magagalit ang kuya Dexter nya na ngayo'y sumusuporta sa kanya. Nangako rin ito na reregalohan sya nito kapag napanatili nyang mataas ang mga marka nya. Ngunit likas sa kanya ang katamaran lalo na sa pag-aaral kaya naman challenge talaga ito para sa kanya.
"Bat mo ba ako pinapunta rito?" tanong nya sa kaibigan na ngayo'y kasama rin ang kasintahang si Melvin.
"Para uminom, ano ka ba, weekend naman bukas, wala kang dapat ipag-alala" sabi lang nito at tinawag ang waiter. Alam ni Jameson na mahina sya pagdating sa alcohol kaya naman naisip nito ang ganitong plano para sa kanya. Um-order ito ng alak nang hindi manlang sya tinatanong kung anong gusto nya.
"Ingay dito, tsaka andaming taong di ko kilala, bakit ba tayo nandito?" reklamo nya ulit. Likas din sa ating bida ang pagiging reklamador dahil na rin sa spoiled ito at bunso pa sa magkakapatid.
"Der, alam mo, tumingin ka sa paligid" sabi nito at itinuro pa ang mga taong umiinom rin doon. gayun din ang ibang sumasayaw na sa dance floor. Nilingon din naman nya ang mga ito pero saglit lang at bumaling muli sa kaibigan.
"Tapos? anong meron?" tanong nya.
"Hayyyy, mahina ka talaga, tingnan mo oh, sigurado karamihan jan, discreet gay kaya kung ako sayo, pumili kana agad" diretso nitong sabi "diba?" tanong pa nito kay Melvin at tumango naman para sumang-ayon. Napakunot naman sya ng noo.
"Yun ang dahilan?" tanong nya. "Kaya tayo nandito? para ibugaw mo ako sa mga yan?" dugtong pa niya.
Nagkibit balikat naman si Jameson. "Well, parang ganun" ngumiti pa ito nang nakakaloko.
"For sh*t sake, James, alam mo namang hindi uubra sakin ang mga ganito" Giit nya sa kaibigan.
"Oo na, edi hindi na" awat naman nito sa kanya. " Pero uminom tayo ngayon, sayang naman naka-order na ako" sagot nito.
"Hayyy puro ka kalokohan" sabi lang nya.
Maya maya dumating ang alak na in-order nito, isang bote ng tequila at sisig para naman may pulutan nila.
Nanlaki ang nga mata nya habang inilalapag ng waiter ang mga ito sa table nila. Paborito nya ang sisig, pero ang tequila talaga ang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Napatingin sya kay Jameson. Nakangisi naman ang loko.
"You're kidding right?" sabi nya. "Alam mo namang sa beer, tumba na ako, tapos tequila talaga? sobrang hard nito James" reklamo nya.
"Hayyy, kaya nga ito ang in-order ko, para maiba naman. Puro ka beer eh. Alam mo, pwede namang konte lang inumin mo. Tsaka kung sakali, ihahatid ka naman namin. Tikman mo lang, masarap to promise" sabi nito habang nilalagyan sya ng tagay.
Napailing nalang sya sa ginagawa ng kaibigan. Naglagay rin ito sa kanilang baso.
"Cheers!" sigaw pa nito kaya naman wala na syang nagawa kundi itaas na rin ang baso nya. Agad namang lumagok ang dalawa. Halos di nya alam kung itutuloy ang pag-inom.
Inamoy nya muna ito. Napapikit sya sa tapang ng amoy ng alak. Dahan dahan nyang inilapit sa bibig at pikit matang nilagok ang lahat ng laman niyon.
Halos mabasag ang baso sa lakas ng pagkakataktak nya nito sa mesa matapos maubos ang laman niyon.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...