CHAPTER 25 (The Heartache)

256 8 6
                                    


"Ma,  kamusta po?" tanong ni Cyron sa ina nang makaupo silang lahat.

Tumingin naman ito sa binata.

"I'm fine... Perfectly fine" sagot naman nito sa hindi maipaliwanag na expression ng mukha. Hindi nila mawari kung anong saloobin ng ginang.

"Eh,  si mommy? Di ko sya nakita" tanong muli ng binata.

"Wala si mommy, may yoga session sila ngayon" biglang sabat naman ni Chay.

Napatingin silang lahat dito.

Ngumiti naman ito nang nakakaloko.

"Well, how are you Denver?" biglang baling ni Carmen sa kanya.

Para naman syang binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ng mama ni Cyron.

"Ahmm,  o-kay lang po tita" sagot nya naman.  Tiningnan nya ang binata at nakamasid din naman ito sa kanya na para bang sinasabing magrelax lang sya.

"Chay, kumuha ka ng snack" baling naman nito kay Chay. Napakunot noo naman ito kaagad.

"Ako?" tanong pa nito.

"Sino bang tinawag ko?"

Wala naman itong nagawa.

"okay" bumaling pa ito kay Cyron at nagtapon ng masamang tingin bago tumayo.

"Ma, ano pong pag uusapan natin?" tanong ni Cyron sa ina.

Pero sa halip na sumagot ay bumaling ito sa kanya.

"Totoo ba?"

Napatitig sya sa ginang.

"po?" sagot nya.

"Totoo bang may namamagitan sa inyo ng anak ko?" diretsong tanong nito.

Makikita namang nagulat din si Cyron sa tanong ni Carmen sa kanya.
Maging si Xander na nakikinig lang ay halatang nabigla.

Tumingin sya kay Cyron.

Napalunok lang ito.

"Tita, t-totoo po" nauutal nyang sagot.

"Is that true Cyron?" kaagad nitong baling ng tanong sa anak.

Napayuko naman ang binata.

"Yes ma" sagot nito.

Nagbuntong hininga naman ang ginang nang ilang beses.

"Ma, alam kong magagalit kayo, pero mahal na mahal ko si Denver. Believe me, pinigilan ko naman talaga. Para sayo, para hindi sumama ang loob mo pero wala akong magawa... I hope you'll understand" paliwanag kaagad ng binata.

Tumingin lang dito ang ina. 

Huminga pa ito nang malalim saka tumayo.

"Andami kong magandang plano para sa future mo. And all this time, nagmumukha lang pala akong tanga. Lahat ng pangarap ko para sayo basta basta mo nalang itatapon dahil lang pumatol ka sa isang- How could you?!" gigil sa sabi nito.

Nanatiling nakayuko naman si Cyron.

"I can't take this anymore" sabi pa nito. Tumayo ito at saka pumanhik ng hagdan.

Tama ang hinala nya, hindi nga ito matatanggap ng mama ni Cyron. Bigla syang pinanghinaan ng loob.

"Ma, heto na ang-" natigilan naman si Chay sa paghakbang at napatingin sa ina ng pumasok ito sa loob ng kwarto.

Tumingin din ito sa kanila.

"Oh... Look like I'd missed everything" sabi pa nito at lumapit sa kanila.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon