Sinundo sya ni Xander gamit ang motor nito at umalis din sila agad. Malapit sa isang fastfood restaurant ang coffee shop na pinuntahan nila. Nakakapunta na rin sya rito dati kapag isinasama sya ng ate Diane nya kaya medyo kampante sya sa lugar.
Marami talaga laging customer ang shop na ito lalo na kapag gabi hanggang midnight dahil na rin sa malamig na kapag ganitong mga oras. Napansin agad nito ang daliri nya.
"napano yan?" tanong nito. Napatingin naman sya sa sariling kamay.
"ah ito, wala, napasabit lang sa kung saan, okay lang ako" sagot naman nya.
"Mag-ingat ka kasi sa susunod" sabi naman nito.
"um-order na tayo" sagot na lang nya para maiba ang usapan.
"Anong kape ba ang gusto mo?" tanong ni Xander sa kanya nang makakuha sila ng table."Ahhmm, cappuccino na lang" tugon nya dahil ito ang paborito nyang kape.
"Okay" sabi nito saka pumunta sa counter. Pinagmasdan naman nya ang binata habang hinihintay nito ang order nilang kape. Bakit ba hanggang ngayon, parang napakagaan ng loob nya rito. Biglang pumasok sa isip nya ang tagpo sa bar, bumilis ang tibok ng puso nya habang naalala ang paghalik ng lalaki sa kanya. Muli nyang nasariwa ang pakiramdam ng paglapat ng mga labi nito sa mga labi nya. Kakaibang sensasyon ang naidulot niyon.
"Okay ka lang?" nagulat sya nang biglang magsalita si Xander. Nasa tabi na pala niya ito at dala ang kape nila. Agad itong pumwesto sa kaharap nyang upuan.
"Natutulala ka yata dyan" sabi pa nito saka iniabot ang kape nya.
"Wala, may naisip lang ako" ngumiti sya rito.
"Sino naman?" tanong nito.
"Sino agad?"
"hmm, ano?" sabi nito.
"Wala, sa school yun, yung project kong di ko pa natatapos" pagdadahilan nya.
"Baka may maitutulong ako, sabihin mo lang"
"Hindi, ayos lang, kaya ko na yon" tanggi nya rito. "Teka ano bang in-order mo?" pag-iiba nya ng usapan.
"Ahh, ito, ahhm Piccolo latte" sagot naman nito saka ngumiti.
"Piccolo latte?" napakunot noo sya.
"Ahh, also known as Macchiato" ngumiti ulit ito nang pagkatamis.
"Ahhh, parang cappuccino din naman yan eh, mas matapang lang" sabi naman nya
"Oo nga, teka, yan ba ang paborito mong kape? kasi ako, Macchiato ang paborito ko" tanong nito.
"Oo, ito palagi ang ino-order ko, ito kasi ang unang kapeng natikman ko noong lumabas kami nila mama dati at nagustuhan ko talaga" paliwanag nya.
"Nasaan na nga pala mga magulang mo?" biglang tanong nito. Napabuntong hininga naman sya.
"Ahhmm, w-wala na sila eh" sagot nya.
"Wala na? where did they go?" tanong ulit nito.
"Patay na sila" nakayuko nyang sagot.
"Oww sorry" agad na sabi nito.
"Okay lang" pilit syang ngumiti. "Matagal na din naman yun" paliwanag nya. "Ikaw ba, nasaan ang parents mo?" tanong nya rin dito.
"Hmm, wala sila" nakangiti din nitong sagot.
"Patay na rin?" gulat na tanong nya. Tumawa naman ito.
"Hindi, grabe ka naman, diba nasabi ko na sayo, nasa states sila, kaya nga kay mommy ako nakatira eh" sabi nito.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...