CHAPTER 24 (Another Day - The Revelation)

191 3 0
                                    


Dahan dahang idinilat ni Denver ang mga mata. Damang dama nya ang masuyong yakap ng binata sa kanya.

"Good morning" bulong nito sa tenga nya.

Napangiti naman sya. Napakasarap sa pakiramdam na katabi nyang muli buong gabi ang taong mahal nya.

Umikot sya para humarap kay Cyron.

Hindi naman nito inalis ang pagkakayakap sa kanya.

"Good morning" bati nya rin dito.

Nakapikit pa ang binata pero nakangiti ito.

Pinagmasdan nya lang ang napakagwapo nitong mukha.

Kahit kelan talaga hindi kumupas ang gandang lalaking taglay nito. Pakiramdam nya'y mas lalo syang nahuhulog sa binata.

Napabaling ang tingin nya sa mapupula nitong mga labi na patuloy syang tinutukso para halikan ang binata.

"Stop it, naco-concious ako" natatawang sabi nito.

Natawa rin sya nang bahagya.

"At bakit Naman?" tanong nya.

Nagmulat ito ng mata.

"Kasi baka di ako ganun kapogi eh, kakagising ko lang" sabi nito at ngumiti pa sa kanya.

Huminga sya nang malalim.

"Dami mo talagang alam, eh ang gwapo gwapo mo nga oh" at kinalabit nya pa ang ilong nito gamit ang hintuturo nya.

"Talaga ba? sige nga, Sino bang lalake ang pinakagwapo sa paningin mo?" tanong naman nito.

"Syempre ikaw" sagot naman nya agad.

"Eh, sino naman ang boyfriend mo?" ulit nito.

"Ikaw nga po"

Ngumiti ito.

"Sinong mahal na mahal mo?"

Natatawa tuloy sya dahil sa mga kakornihan ni Cyron na ngayon nya lang nadidiskubre.

"Ikaw lang, ikaw lang ang mahal ko, ang boyfriend ko, at ang pinakagwapo sa paningin ko" dirediretso nyang sagot.

Bigla itong umibabaw sa kanya.

Nagulat naman sya.

"Ikaw din ang pinakagwapong lalake para sakin, ikaw lang ang babyboy ko kahit ano pang mangyari"

Hinalikan sya nito sa noo.

Napakasweet at napaka-sincere talagang tao ni Cyron. Wala na syang mahihiling pa.

"Ahmmm" tumingin sya sa binata, nakatitig din ito sa kanya.

"Bakit babyboy?" takang tanong nito.

"Kasi ano, ahmmm...hindi naman diba tayo mag..." napalunok sya.

"Mag?" Hinihintay nito ang sasabihin nya.

"Mag-aano ngayon" ngumiti sya at tiningnan ang nakapatong na katawan ni Cyron sa kanya. "Yung ano, yung kagaya kagabi" nahihiya nyang sabi.

Napatingin din ito sa sarili saka muli syang binalingan.

Ngumiti ito.

"Syempre hindi, sorry babyboy" dahan dahan itong umalis sa ibabaw nya. Halatang nahihiya rin ito sa kanya.

"Napakagod kita kagabi, syempre naiintindihan ko yun. Ayoko namang sumama ang tingin mo sakin, baka sabihin mong sex lang ang habol ko sayo" Sabi pa nito.

Napangiti naman sya.

"Pakiss nalang" sabi nya rito.

Tumingin naman ito sa kanya.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon