CHAPTER 27 (Save The Love We Had - To the Rescue)

126 4 0
                                    


FLASHBACK(Cyron's POV)

Excited na excited syang makita muli si Denver. Akala nya kasi ay tuluyan na itong susuko.

Nagprepare sya ng maayos.
Nagpabango at pumorma.

Wala na syang pakialam kong ano ang sasabihin ng mama nya at ni Chay.  Ang mahalaga lang ngayon, sabay silang lalaban ni Denver.

"Ang bango mo naman! May lakad ka yata hijo?" napalingon sya sa nagsalita.

Ang mommy nya pala iyon na ngayon ay nasa pinto ng kwarto nya.

"Pasok ka mommy" nakangiti nyang alok dito.

"Ang gwapo gwapo mo apo, siguradong matutuwa sya kapag nakita ka nya" sabi ng matanda.

Napakunot noo naman sya.

"makita nino mommy?"

Ngumiti naman ang matanda.

"Alam kong ginagawa lang ng mama mo ang alam nyang tama at makakabuti para sayo. Pero kung ako ang tatanungin, mas mahalaga pa rin kung ano yung makakapagpasaya sa yo. Yung bagay na gusto mo talaga" sagot nito.

Napangiti naman sya. Alam nyang hindi tutol ang mommy nya sa kung anong meron sila ni Denver. Kaagad nya itong niyakap.

"Thanks mommy, sana maiisip din yun ni mama"

Hinaplos nito ang likod nya saka kumalas sa pagkakayakap.

"Alam mo, kilala ko ang mama mo, nagiging practical lang sya. Para sa future mo, sa future nyo ng kapatid mo. Pero alam ko rin na hindi ka nya matitiis" nakangiting paliwanag nito.

Sinuklian nya ng ngiti ang matanda.

Huminga sya nang malalim.

"Sa tingin mo ba mommy, magugustuhan ni Denver tong hitsura ko?" bigla syang tumayo para ipakita iyon.

"Abay, siguradong sigurado, kahit nga siguro anong suutin mo, magugustuhan ka pa rin nya"

"Talaga mommy? Salamat" niyakap nya itong muli.

"Oh, sya, Halika na sa baba" aya nito sa kanya.

Sabay naman silang lumabas at nagtungo sa sala.

Tamang labas din ni Carmen galing kusina.

Napatigil ito nang makita sila sa sala.

"May lakad ka?" biglang tanong nito.

Nagkatinginan naman silang maglola.

Huminga sya nang malalim.

"Wala po ma" sagot nya. "Pero pupunta ngayon dito si Denver"

Napapikit naman ito sa narinig.

"Ma, ano to? Kinokonsente mo ang apo mo?" baling nito sa ina.

"Carmen, alam ko namang iniisip mo lang ang kinabukasan ng anak mo, pero pano ang kaligayahan nya?" sagot naman naman ng matanda.

"Mali ang kaligayahang gusto nila! " Gigil na sagot ng mama nya.

Saktong lumabas naman ng kwarto si Chay. Natigilan rin ito sa narinig.

"Ma mahal ko si Denver! Tanggapin nyo na, bakla ang anak nyo!" buong tapang naman sabi nya rito.

Napakunot noo ito sa narinig.

"Ano bang mali sa pagpapalaki ko sa inyo?" tinutukoy na nito silang dalawa ni Chay. Wala rin itong kibo na nakamasid sa kanila.

"Siguro mas pinili mong magfocus sa trabaho mo kesa sa pagpapalaki nang maayos samin" sagot nya.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon