"Anak, bakit mo ba pinababayaan ang sarili mo? nagkakasakit ka tuloy" masuyong sabi ng mama nya."Ma, akala ko iniwan mo na naman ako" naluluhang sabi nya sa ina habang hinahaplos nito ang buhok nya.
"Nawala lang ako, pero hindi kita iniwan. Palagi mo akong kasama" sagot naman nito.
"Si Papa? bat wala si papa?" giit nya.
"Parang di ka naman nasanay sa papa mo, malamang may mas mahalagang ginagawa yun. Ang mahalaga ngayon, magpagaling ka, ayokong nakikitang masama ang pakiramdam mo" paalala ng mama nya.
"Mahal na mahal kita ma"
"Mahal na mahal din kita baby ko"
Hinagkan sya nito sa noo at niyakap sya nang mahigpit.
Wala pa ring pinagbago, napakaganda talaga ng mama nya. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito para sa kanya.
Kahit papaano ay nababawasan ang bigat ng loob nya.
Maya maya ay kumalas ito sa pagkakayakap at tiningnan sya sa mukha.
"Anlaki laki mo na, at napakagwapo pa. Manang mana ka sa papa mo nung kabataan nya" nakangiting sabi nito.
Hinaplos nya ang mukha ng ina. Napakatagal nyang hinintay ang pagkakataong ito, ang mahawakang muli ang pinakamamahal nyang babae sa buhay nya.
Hinawakan din nito ang kamay nya.
"Maiwan na kita baby ko, kailangan ko nang umalis, basta tandaan mo, mahal na mahal ka ni mama"
Parang usok na unti unting naglaho ang ina sa paningin nya. Muli, dumaloy na naman ang mga luha sa kanya mga mata.
"Ma wag mo na akong iwan ma!" Paiyak nyang sigaw habang pilit na tinatawag ang mama nya.
"Ma!"
"Denver! Denver! gising!"
Isang haplos sa buhok nya ang bigla nyang naramdaman. Agad syang napadilat ng mata.
"Okay kalang?"
Nilingon nya ang nagsasalita.
Nakatingin ngayon ang binata sa kanya at halatang alalang alala ito.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" agad nitong dinama ang leeg at noo nya.
Tiningnan nya lang binata.
Alam nyang inalagaan sya nito buong gabi, napansin nya rin ang isang maliit na planggana na may tubig.
Nakatingin lang ito sa mga mata nya na para bang nakahanda kung anuman ang hingin nya ngayon.
Halatang hindi rin ito nakatulog nang maayos dahil malamlam ang mga mata nito.
Naalala nya ang mga sinabi nito sa kanya kagabi. Sa kabila ng pag-aalaga nito'y kumikirot pa rin ang puso nya kapag binabalikan sa isip ang mga salitang binitawan nito tungkol sa pagkatao nya.
"Nagugutom ka ba?" tanong muli ng binata.
Kinuha nito ang basang bimpo at masuyong pinanusan ang katawan nya.
Biglang pumatak ang luha nya nang di nya namamalayan, marahil dulot ito ng halo halong nararamdaman nya ngayon.
Napatigil ito sa ginagawa. Bakas sa mukha ng binata ang sobrang pag-aalala nang makitang lumuluha na naman sya.
Hinawakan nito ang kamay nya.
"Please, I know, I've gone too far last night. Hindi dapat kita minaliit ng ganun. I'm guilty. Kaya sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin just to make you feel better" Mahinahon nitong sabi habang pinupunasan ang luha nya.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...