CHAPTER 26 (Be Brave Babyboy)

139 6 4
                                    


Ilang katok ang narinig nya mula sa pinto.

Pagkatapos niyon ay dahan dahan iyong bumukas.

Ang ate Diane nya pala ito.

Nakaupo sya sa gitna ng kaniyang kama habang nakasandal sa headboard, mapulang mapula na rin ang mga mata nya kakaiyak mula pa kanina.

Naupo si Diane sa gilid ng kama.

"Gusto mong magkape?" tanong nito.

Pero sa halip na sumagot ay yumuko lang sya.

Huminga naman ito nang malalim.

"Nakita ko syang lumabas kanina. Bakit hindi mo sya pinigilan? ni hindi mo manlang pinagbihis" tanong nito.

Nag-angat naman sya ng mukha.

Saka nya lang napansin ang mga kasuotan ni Cyron na nasa side table. 

"Ginawa ko lang yung tingin kong tama ate" tugon nya.

Hinawakan naman nito ang kamay nya.

"pero masaya kaba? naging masaya ba sya?" muling tanong nito.

Napaisip tuloy sya sa sinabi nito.

Para kanino nga ba ang naging desisyon nya?

Alam nyang ginawa nya iyon para kay Cyron pero nakita nya ring mas lalo itong nagdusa.

"Hindi ko na alam ate" muling pumatak ang luha nya.

"Hindi ko na alam kung saan ko lulugar. Ang hirap hirap palang magmahal" hinaing nya rito.

Lumapit naman ito sa kanya.

"Halika nga" hinaplos nito ang likod nya.

"Alam mo, bata ka pa kasi. Pareho kayong bata pa. Kaya siguro sapalagay nyo, wala na agad sulusyon sa lahat. Una palang yan. Pano ka magiging matatag at matapang sa mga susunod pang problema kung ngayon palang nagpapatalo kana agad?" paliwanag nito.

"Pero ang hirap mamili" sagot naman nya.

"Ganyan talaga. Kasi wala naman talagang desiyon na madali. Ang tanong lang naman dito ay kung kaya mo ba? Kung handa kaba? at kung sapalagay mo ay hindi mo pagsisisihan. Hindi madali yang sitwasyon mo, at naiintindihan ko yun. Kasi kahit naman kung sakaling ako ng ang nasa kalagayan mo, baka yan din ang gawin ko. Kung ang mama ni Raffy mismo ang magsasabi na ayaw nya sa akin? Syempre iisipin ko ring makipaghiwalay" sabi naman nito.

Napatingin sya sa ate nya.

"Kahit mahal na mahal mo sya?" tanong nya rito.

Natigilan naman ito at ngumiti.

"Maaring isipin at gawin ko yang ginawa mo, pero hindi ko naman sinabing hindi ko susubukang lumaban. Baka may magawa ako. Baka kaya ko palang kunin ang loob ng mama nya. O di kaya baka balang araw maging pwede na kami. Alam mo maraming pwedeng gawin bago ang tuluyang pagbitaw. Lalo na't marami na kayong pinagdaanan"

Bigla syang nabuhayan ng loob sa sinabi ng ate nya.

Paano nga kung pwede pa?

Paano kung pwede nyang makuha ang loob ng mama ni Cyron?

Paano kung pwede pang maayos ang relasyon nila?

"O di ba napaisip ka?" biglang napangiti ang ate nya.

"Mabuti pa, lumabas ka rito sa kwarto mo, mag almusal kana para may lakas ka naman sa mga hakbang na gagawin mo" alok naman nito.

"Salamat ate" sabi nya.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon