"Wag mo ngang gamitin yang towel mo" sabi ni Cyron paglabas nya ng banyo. Nakaupo ito habang pinapatuyo ang buhok.Nagtaka naman sya. Naalala nyang ginamit ito ni Chay kanina at marahil nakita iyon ni Cyron.
"Ito ang gamitin mo" iniabot nito ang towel ng binata sa kanya.
Wala naman syang nagawa kundi tanggapin iyon.
"Bakit naman bawal kong gamitin tong towel ko?" kunwaring tanong nya rito.
Tumingin ito sa kanya.
"Basta wag na, magpalit ka ng bagong towel mo" sagot naman nito. Natawa naman sya.
"Bakit ka natatawa? masama bang magpalit ka ng towel ha?" giit nito na kunwari'y nagsusuplado pa.
Naupo sya sa sariling kama.
"Hindi naman" ngumiti sya sa binata. Ang totoo kasi'y bagong palit lang din ang towel nyang iyon.
Hindi pa nito maamin na si Chay talaga ang dahilan kaya ayaw nitong gamitin pa nya ang kanyang towel.
"Sumunod kana lang kasi" sabi naman nito.
"Oo na po" sabi nalang nya.
Pinagmasdan sya ng binata.
Ipinagpatuloy nya ang ginagawa. Kumuha sya ng alcohol at nag pahid sa mga braso at binti nya.
Nanatiling nakatingin lang si Cyron sa kanya.
Hinarap nya ito.
Bigla namang ngumiti ang binata.
"Ano bang tinitingin tingin mo dyan ha?" tanong nya rito.
"Wala, masama bang pagmasdan ang boyfriend ko?" tanong din nito.
Hindi nya maipaliwanag pero kapag binabanggit nitong boyfriend sya ng binata, kinikilig talaga sya gaya nalang kanina nang umamin ito kay Chay.
"Hindi naman" sagot nya ulit. Parang sinasadya nitong magpacute sa kanya.
Huminga ito nang malalim at tumayo.
Tiningnan nya ang binata habang papalapit ito sa kanya.
Dahan dahan itong naupo sa kama at tumabi sa kanya.
Nagtataka naman sya sa mga kinikilos nito.
Halata namang natatawa din ito sa ginagawa.
Dumikit ito sa kanya.
"Anong drama yan Mr. Mendoza ha?" tanong nya.
Ngumiti lang ito.
Bigla itong humilig sa kanya at nahiga sa kama habang naka-unan sa dalawang hita nya.
Tumingin ito sa kanya at yumuko naman sya nang bahagya para magtama ang mga mata nila.
"Saglit lang babyboy" sabi nito.
Natawa naman sya.
"Ano bang nangyayari sayo, bakit parang nagpapakyut ka nang sobra ngayon?" nakangiti nyang tanong.
Hinalikan sya nito sa bandang puson nya.
"Ano ba!" reklamo nya dahil nakiliti sya sa ginawa nito.
Tumawa lang ito nang bahagya.
"Babyboy" sabi nito.
Tiningnan nya lang ang binata.
"Ano nga?" tanong nya.
"Nagugutom ako eh" biglang sabi nito.
"Oh? bat di ka kumain? may pagkain naman dyan oh" alok nya rito.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...