Bigla syang nagising dahil sa ringtone ng cellphone ni Cyron.
Nagmulat sya ng mata at napatingin sa relo nya, 12:30 palang ng umaga. Halos hindi rin sya makamulat ng maayos dahil nasisilaw sya sa liwanag ng nakasinding ilaw. Nagtaka tuloy sya kung bakit buhay pa rin ito gayung natutulog na silang dalawa. Humarap sya kay Cyron at nakita nyang sinagot nito ang tawag.
"Lander, bakit?" tanong agad nito.
Napakunot sya ng noo sa narinig. Si Lander, tumatawag nang ganitong oras kay Cyron? Para saan? May relasyon nga ba sila? Kung anu ano tuloy ang pumapasok sa isip nya.
"Okay, okay, see you tomorrow" sabi ulit ng binata "Yes, dito sa apartment ko" dugtong pa nito.
"Okay, bye, Goodnight" ito ang huling sinabi ng binata saka ibinaba ang telepono. Bigla pa sya nitong nilingon pero agad naman syang pumikit at nagpanggap na tulog parin.
Tumalikod ito sa direksyon nya at bumalik sa pagtulog. Habang sya naman ay parang biglang nalipasan ng antok.
"Bukas? dito sa apartment? anong gagawin nila? Bakit parang anlambing ng boses nya habang kausap si Lander?" paulit ulit na tanong sa utak nya. Naguguluhan sya at kasabay noon ay ang kakaibang pakiramdam sa loob nya. Parang nakakaramdam sya ng inis.
"Nagseselos kaba Denver ha?" tanong nya sa sarili. "Tsskk, tumigil ka, walang kayo, matulog kana lang!".
Pilit nyang ipinikit ang mga mata at muling binawi ang antok.
**********
Kinabukasan....
Kinusot nya ang mga mata saka naupo sa kama, agad syang napatingin sa kama ni Cyron. Wala na doon ang binata, tiningnan nya rin ang ilaw, patay na iyon. Naalala nyang nakasindi iyon kagabi nang magising sya.
Sabado ngayon at wala syang pasok, ganun din si Cyron dahil pareho sila ng schedule.
Tumayo sya para pumunta sa banyo. Inayos nya ang sarili. Tiningnan nya ang sugat sa daliri nya, medyo magaling na iyon at hindi na rin kumikirot kapag iginagalaw. Naalala nya tuloy noong nalaman ni Cyron na nasugatan pala sya, halatang nag-alala ang binata para sa kanya.
Kahit anong tigas ng ugaling meron ito, alam nyang may itinatago itong kabutihan katulad na rin noong gabing nagdinner sila sa bahay ng mommy nito. Napaka-natural ng kabaitang ipinapakita nito, ang mga ngiti at pagsasalita nito lalo na kapag kausap ang lola nya.
Napangiti sya habang inaalala ang mga nangyari. Pero biglang napawi ang mga iyon nang maalala nya ang nangyare kaninang madaling araw.
Kausap ni Cyron si Lander at may gagawin daw ngayon dito sa apartment. Napatiim bagang sya dahil nakaramdam sya bigla ng inis. Lumabas sya ng banyo.
Nakita nya agad si Cyron sa kusina, magluluto ito. Nakabalik na pala ito, marahil lumabas ang binata kanina para bumili ng ilulutong pang agahan. Nakita nyang iniaayos nito ang toccino at itlog na iluluto nito para sa breakfast nila ngayon.
Sinabihan naman sya nitong wag syang mag-abala sa mga gawain sa kusina lalo na ang pagluluto kaya dumiretso na lang sya sa kama nya. Kinuha nya ang cellphone nya at tiningnan nalang kung may mga namiss ba syang messages o tawag, saktong nagtext naman si Xander ng "Good Morning".
Napangiti sya at nag-reply sa binata.
Naisip nya tuloy, kung manliligaw lang sa kanya si Xander, sasagutin nya talaga ito. Wala na syang mahihiling sa binata, mabait, sweet, maalalahanin at higit sa lahat palaging nandyan para sa kanya.
Pero bakit ganun, alam nyang nagkakaganito lang sya kay Xander dahil sa nangyari sa kanila sa bar, dahil sa halik na iyon at hindi dahil gusto talaga ng puso nya. Kahit napatunayan nyang ito ang nagmamay-ari ng jacket na may number 20 sa likod, hindi pa rin nya makumbinsi ang sarili na si Xander nga ang lalaking hinahanap nya.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...