CHAPTER 15 (New Day - Sick)

187 5 0
                                    


Gising na ang diwa ni Denver pero ayaw pang magmulat ng mga mata nya. Ini-enjoy pa nya ang lambot ng kama, ang maaliwalas at tahimik na paligid. Napakasarap ng naging tulog nya kagabi. Pilit nyang binabalikan ang mga nangyari pero gaya noong mga nakaraang araw, wala syang maalala, sakit na siguro nya ang pagkalimot kapag nalalasing.

Ang huli nya lang na natatandaan ay ang pagpigil ni Cyron sa kanya sa pag-inom. Bukod doon, wala na syang maalala pa.

Bigla nyang naalala si Cyron. Kasama nila itong uminom kagabi.

Naramdaman nyang hindi sa unan nakapatong ang ulo nya kundi sa isang medyo matigas na bagay. Nararamdaman nya ring may mainit na bagay na hawak ang kanang kamay nya.

Dahil nanatili syang nakapikit, hindi malinaw ang lahat sa kanya.

Dahan dahan nyang idinilat ang mga mata. Hindi sya agad nakamulat nang diretso marahil nasisilaw sya sa liwanag ng bombilyang nakasindi pa rin hanggang ngayon.

"Okay kalang?" nanlaki ang mga mata nya sa narinig.

Itinaas nya ang tingin at doon nya lang napansin si Cyron na kanina pa palang nakatitig sa kanya. Katabi pala nya itong natulog buong gabi.

Nakaunan din sya sa kanang braso nito at higit sa lahat, nakapasok ang isa nyang kamay sa loob ng polo ng binata at ang mainit na nararamdaman nya kanina ay ang dibdib nito.

Bigla syang natigilan.

"Oh my gulayyy, ano na naman to Denver!" sigaw nya sa isip.

Agad nyang hinila ang kamay at mabilis na bumangon.

"S-sorry" sabi pa nya sa binata.

"Ahhh" daing ni Cyron habang hinihimas ang braso nito.

Halos gusto nyang maglaho nalang ngayong mga oras na ito dahil sa pagkahiya sa binata.

Bigla tuloy syang na-conscious sa maaring mga nangyari kagabi.

Napatingin aya sa sarili, hindi sya nakapantalon, nakaboxer lang sya, sinulyapan nya rin si Cyron at ganun din ang ayos ng binata, nakaboxer din ito habang polo lang ang pang-itaas.

Bumangon ito at bumaba sa kama.

Napatingin sya sa relo nya, 4:00 AM palang pala.

"Magbihis kana, uuwi na tayo" narinig nyang utos ng binata dahil hindi nya ito matingnan.

Naalala nyang maaga nga pala ang pasok nilang pareho kaya naman agad syang kumilos at kinuha ang pantalon nya na nasa may gilid ganun din ang sapatos nya. Mabilis syang nagbihis.

"Ahhhm, k-kagabi ba, ano, ahmm, wala namang n-nangyaring masama diba?" pautal utal nyang tanong sa binata habang nagtatali ito ng sintas.

Tumingin ito sa kanya.

"May naalala kabang nangyari?" seryosong tanong naman nito.

Huminga sya nang malalim. Ang totoo kasi, magulo pa talaga ang utak nya at dahil na rin sa nangyari ngayong umaga'y lalo syang naguguluhan.

"w-wala" sagot nya.

Tinitigan naman sya ni Cyron. Huminga ito nang malalim at tumayo.

"Dito na tayo mag-almusal para maliligo nalang tayo sa apartment, antagal mo kasing magising, hindi tuloy ako nakabangon agad" dirediretso nitong sabi. Hinamas pa nito ang sariling dibdib at lumabas na ng kwarto.

Bigla tuloy ulit syang nakaramdam ng hiya. Malamang na ayaw syang gisingin ng binata kaya hindi nito inaalis ang braso sa ulunan nya pati ang kamay nyang abot hanggang sa dibdib ng binata.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon