CHAPTER 28 (I'll Be By Your Side Forever Babyboy)

131 6 0
                                    


"Babyboy please, wag mokong iiwan! Lumaban ka!" hindi nya mabitawan ng kamay ng binata habang nakaskaay ito sa stretcher papasok ng hospital.

"Hanggang dito nalang po kayo! " pigil ng isang nurse nang marating nila ang emergency room.

"Gawin nyo ang lahat para mailigtas sya, please" sabi nya rito.

"Halika na Denver, hindi sya nila pababayaan" tawag sa kanya ni Dominic.

Naupo silang lima.

Hanggang ngayon, wala pa ring imik sina Chay at Xander. Gulat na gulat ang mga ito sa nangyari.

"Kasalanan ko lahat to!" hindi nya mapigil ang pag-iyak. Nasa emergency room ngayon ang taong mahal nya at nangyari yun dahil sinalo nito ang balang dapat para sa kanya.

"Ano ka ba, wag ka ngang mag-isip nang ganyan, matapang si Cyron, malalagpasan nya iyon" sabi naman ng kuya Dexter nya.

Maya maya ay tumatakbong lumapit sa kanila ang ate Diane nya.

Sinalubong nya ito at kaagad na yumakap dito.

"Anong nangyare? Okay kalang ba?" tanong kaagad nito.

"Okay lang ako ate, pero si Cyron nasa emergency room ngayon" umiiyak na paliwanag nya.

"Tahan na ha, sisiguraduhin namin na magiging okay sya, okay?" sabi naman ng ate nya.

"Salamat ate"

Kaagad din itong pumasok sa loob.

Ilang saglit lang din ay dumating naman sina Carmen at Lola ni Cyron.

"Ma" salubong agad ni Chay dito.

Bakas na agad ang pag-aalala sa mukha dalawa.

"Anong nangyare?" tanong ni Carmen.

Tumayo naman kaagad si Dominic.

Huminga ito nang malalim.

"Nasa loob si Cyron ngayon, tinamaan sya kanina ng bala" sagot nito.

Halos matumba naman si Carmen sa narinig pero agad itong inalalayan ni Chay,  ganun din si Xander sa lola niya.

Pinaupo nila ang mga ito.

"Ma, calm down, Cyron will be okay" sabi ni Chay.

Pinilit namang kumalma ng dalawa.

"Tita I'm sorry" lumapit sya dito.

Tumingin naman ito sa kanya.

"Hindi mo kasalanan" sabi nito at hinawakan ang kamay nya. "Kung naging mabuting ina lang sana ako para sa kanila, hindi na kilangan pang umabot sa ganito ang lahat. I'm sorry" pumatak din ang luha nito.

Niyakap nya ang ginang.

"I promise, matapos lang to, gagawin ko ang lahat makabawi lang sa mga pagkukulang ko" dagdag pa ni Carmen habang hinahaplos ang buhok nya.

Ilang saglit pa ay muling bumukas ang pinto at lumabas ang doctor.

"Sino po ang guardian ng pasyente?"

Agad naman silang napatayo para salubungin ito.

"Anak ko po ang pasyente Doc, kamusta sya? " sabi agad ni Carmen.

"Well, fortunately, he's fine. He's lucky walang vital organ ang nadamage ng balang tumama sa bandang tyan nya. We have extracted the bullet out of his body. Pero kailangan nya pa ring sumailalim sa blood transfusion. Medyo maraming dugo ang nawala sa kanya marahil sa distance ng biyahe bago sya nadala rito. We need a type AB blood donor. It's sad to say, pero wala kaming stock dahil na rin sa mahirap hanapin ang ganoong type ng dugo. Pwede rin ang type O kung wala talaga" paliwanag ng doktor.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon