Natapos na naman ang isang araw at ganun pa rin ang mga kaganapan. Maraming schoolworks ang sinagupa ni Denver ngayon kasama na riyan ang revision ng thesis nila, pati na ang system na ginagawa nya mula pa noong 1st sem. Para sa kanya, challenge talaga ang pag-aaral nya ngayon, kailangan nyang magpakatino dahil na rin sa pangako nya sa kuya Dexter nya.
Kaninang umaga nakasalubong na naman nyang muli si Cyron nang lumabas ito ng kwarto. Wala pa ring bago, may kakaibang pagkailang pa rin sa isa't isa. Hindi rin nya ito matingnan nang diretso. Siguro mas mabuti na rin ito para matahimik na ang pag-iisip nya, kasi hanggang ngayon, hindi pa rin maalis alis sa isip nya ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
Dahil sa maaga syang nakauwi ngayon, nagdesisyon syang magtambay muna sa isang park. Gusto nyang magpahangin muna. 5:30 na rin at unti unti nang dumidilim. Maya maya, isang motorsiklo ang tumigil sa may tapat nya. Si Xander pala ito. Agad naman nyang nginitian ang binata, nakauniform pa rin ito gaya nya. Nakangiti itong lumapit sa kanya. Marami syang gustong linawin rito. Dahil sa bigla itong nagkaroon ng koneksyon sa kapit-bahay nyang si Cyron.
"Supp?" bati nito nang hubarin ang suot na helmet. Tumabi ito sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito.
"Wala naman, nagpapahangin lang." tugon naman nya.
"Di ka nagyayaya ahh"
"Tatambay lang naman ako at magpapahangin, di naman na siguro kailangang mang-abala pa ng ibang tao" paliwanag nya.
"Kahit na, ibig sabihin pala nyan, ibang tao pa rin ang tingin mo sakin?" tanong ulit nito.
"Hmm, pwede" sagot naman nya.
"Tss, grabe naman to" sabi naman nito. Napatitig sya sa binata. Napakagwapo pala nito kapag malapitan. Hindi maitatanggi na may maipagmamalaki talaga sa hitsura nito.
"Baka naman matunaw ako nyan ha" Pabirong sabi nito.
"May naisip lang ako" palusot nya rito.
"Tss, di pa aminin, napopogian ka sakin" at natawa ito nang bahagya.
"Tumigil ka nga jan, dami mong alam" saway nya rito.
"Uy may milk tea dun oh, gusto mo?" turo nito sa isang stall malapit sa park.
"Hmm, libre mo?" nakangiti nyang tanong.
"Oo ba, ikaw pa" sabi naman nito "sandali bibili lang ako" agad itong lumapit sa tindahan.
Nagkaroon sya ng pagkakataong titigan ang binata. Napangiti sya habang naiisip ang gabing nahalikan ito. Kung ito nga ang lalaking nakasama nya sa bar, hindi na rin masama. Gwapo at mabait na tao si Xander, kahit alam nyang bago nya lang ito nakilala, alam nyang mabuti itong tao.
Pero bakit ganito ang nararamdaman nya? parang hindi sya kontento sa mga nalalaman nya ngayon. Hindi nya makumbinsi ang sarili nya na si Xander nga ang taong pakiramdam nya'y bumihag sa puso nya. Hindi sya makadama ng excitement, may ibang presensyang hinahanap ang katawan nya. Alam nyang si Xander ang nagmamay-ari ng jacket na may kaparehong number sa taong na-meet nya sa bar, pero iba ang sinasabi ng puso nya.
Bumalik din agad ang binata nang makuha ang binili nito. Patakbo pa itong bumalik palapit sa kanya.
"Here" abot nito na sa kanya.
"Salamat" sagot nya lang.
"Welcome, basta ikaw" ngumiti ito. Lalo naman itong pumoging tingnan.
"Ahhh, Xander, may itatanong sana ako" sabi nya rito at humarap naman ito sa kanya.
"Ano yun?"
"Nung…nung nakita kita kahapon sa labas ng kwarto ni Cyron"
"Ahhh" ngumiti ito. "Hindi mo pa nga pala alam, magpinsan kami ni Cyron" Sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomanceAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...