CHAPTER 8 (New Day - New Room)

169 7 0
                                    

Maagang nagising si Denver para mag-asikaso sa pagpasok. Kahit maaga ang klase nya ngayong umaga, half day lang naman ito kaya makakapagpahinga sya buong hapon. Balak nya rin umuwi muna sa bahay nila para kamustahin ang ate Diane nya.

Habang inia-ayos nya ang butones ng kanyang polo ay nag-ring ang cellphone nya, si Xander iyon.

"Hello, good morning" bati nya.

X: Good morning, kamusta?
D: Ayos lang naman. Salamat pala sa dinner kagabi ha, sobrang nag-enjoy ako.
X: Wala yun, sabi nga ni mommy sana daw madalas ka naming makasabay sa pagkain.
D: Talaga? nakakatuwa naman si Auntie.
X: Oo nga, teka, pasensya na hindi na kita naihatid kagabi, gustuhin ko man, alam kong hindi papayag si mommy.
D: Naku ayos lang ano kaba, nakauwi naman kami nang ligtas.
X: Mabuti naman. Si Cyron ba, anong sinabi nya sayo?
D: Wala naman, hindi kami nag-usap kahit konti.
X: Ganun? samantalang kagabi, grabe kung makadikit sayo.
D: Hmm, ewan ko sa kanya. Uy sige na, kailangan ko nang pumasok.
X: Ahh, sige ingat. see you sa school mamaya.
D:Sige.

Nang makapag-ayos na sya ng sarili ay lumabas na rin sya. Tiningnan pa nya ang pinto ng kwarto ni Cyron at nagbilang sya sa isip.

"3, 2, 1,"

At bumukas iyon. Nagulat naman sya dahil sakto iyon sa pagbilang nya.

Lumabas ang binata. Pero tumingin lang ito sa kanya saka naunang naglakad. Naisip nyang bigyan ito ng strawberry jam pero nahihiya syang kausapin ito.

Sabay silang nakarating sa labas. Napansin nyang wala na ang motor ni Melvin at siguradong nakapasok na ang mga ito. Nauna syang nagpa-andar ng motor nya at sumunod naman ito kaagad.

Ilang metro lang ang layo ng kotse nito sa motor nya. Hindi rin mabilis ang takbo nya. Pero hindi gaya noong nakaraan, hindi ito nag-over take sa kanya. Nagtaka tuloy sya.

"May problema yata ang mokong na to?" sa isip isip nya.

Ilang saglit lang ay nasa School na sila. Hinintay nyang makababa ito ng sasakyan. Nagtaka naman ito dahil hindi kaagad sya umalis para magpunta sa room nya. Tumingin ito sa kanya na parang hinihintay ang gusto nyang sabihin.

"Aah, gusto ko lang, ibigay sa iyo ito" sabi nya kasabay ng pag-abot sa jam na dala nya. Tiningnan naman ito ng binata at halatang clueless ito sa ginagawa nya.

"Bakit? para san?" tanong nito.

"Ahhm, pasalubong yan ng kuya ko galing Baguio, masyadong madami para sakin kaya yan" paliwanag nya at saka pilit na ipinakapit sa binata ang jam. Agad din syang umalis para pumunta na sa room nya. Hindi na kasi nya kayang tiisin na nakatingin ito sa kanya, hindi nya rin ito matingnan nang diretso.

Naiwan namang nagtataka pa rin ang binata.

Naglakad sya patungo sa room nya. Hindi nya maipaliwanag kung bakit sya nahihiya sa ginawa nya. Wala naman sigurong masama kung magbigay paminsan minsan. Sabi nga sharing is caring.

Napatigil sya sa paglalakad nang may tatlong lalaki ang humarang sa kanya. Napatingin sya sa mga mukha nito. Natatandaan nya ang mukha ng lalaking nasa gitna. Ito ang lalaking umaaligid-aligid kay Cyron sa Canteen noong nakaraan. Lalaki nga ba ito? kasi sabi ni Xander at Melvin dati, may gusto daw ito kay Cyron.

Hindi nya lang maalala ang pangalan ng kaharap nya ngayon pero hindi sya maaaring magkamali sa iniisip nya.

Tiningnan sya nito mula ulo haggang paa. Pagkatapos ay nagtinginan pa ang tatlo.

"Excuse me?, may kailangan ka ba?" napilitan syang magtanong dahil nakaharang ito sa daan nya.

Ngumiti lang ang lalaking nasa gitna.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon