CHAPTER 5 (Pride vs. Necessity)

169 5 0
                                    

Nagpaalam sina Jameson at Melvin para mauna nang umalis dahil may dadaanan pa raw ang mga ito. Nagtungo naman sya sa library para ibalik ang aklat na hiniram nya.

Pagpasok nya sa loob, nakita nyang naroon si Lander at Cyron at magkasama sa isang table. Agad syang nagtago sa isang bookshelf para di sya makita ng binata. Kinailangan rin nyang umikot sa kabila para makapunta sa librarian nang hindi nakikita ng mga ito. Pagka-abot nya ng aklat ay agad syang naglakad para lumabas na. Pero na-curious sya sa pinag-uusapan nina Cyron kaya naman nagtago sya sa gilid ng pinaka malapit sa bookshelf sa mga ito.

Kunwari naghahanap sya ng aklat para di mahalata ng makakakita sa kanya na nakikinig sya sa usapan ng iba. Hindi nya masyadong maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil masyadong mahina ang kanilang mga boses at sapalagay nya'y patapos na rin ang usapan nila.

"Basta, chat nalang kita mamaya ha, sabihin ko sayo kung kelan ka pupunta" sabi ni Lander.

"Okay, basta di ako busy" sagot naman ng binata.

"Oo ba, ikaw pa" nakangiting sagot naman ni Lander.

Nakaramdam sya ng inis sa nakikita. Hindi nya namalayang napahawak sya sa isang aklat at nadiin nya iyon. Bigla itong nahulog malapit sa paa nya. Dahil tahimik ang buong library, lumikha ito ng napakalakas na tunog.

"Silence please!" sabi naman ng librarian.

Napatingin naman sa direksyon nya ang dalawa kaya agad nyang pinulot ang aklat at binuksan iyon para itakip sa kanyang mukha.

Dahan dahan syang lumayo sa pwesto nya kanina at nang may ilang metro na ang layo nya roon, agad nyang binitawan ang aklat at nagmamadaling lumabas ng library. Habol tingin naman sa kanya si Cyron.

Agad syang dumiretso sa parking lot. Hinanap nya ang susi sa bag at agad pina-andar ang motor. Pero hindi pa man nakakaalis, nagulat sya nang mamatay ito bigla. Napatingin sya sa fuel meter. Wala na pala syang gas.

"Putcha naman oh, ano bang malas mo naman!" gigil nyang sabi sa sarili. Wala syang choice kundi ang humanap ng container na pwede nyang lagyan ng gasolina. Sasakay nalang sya ng tricycle para makabili. Lumapit sya sa isang trash bin. Kahit alam nyang magmumukha syang basurero ay naghanap sya doon ng kahit bote ng softdrink. Mabuti na lang at nakakita sya agad.

Agad syang lumabas ng gate para pumara ng tricycle. Pero ilang minuto na ay hindi pa sya nakakakuha, walang dumaraang tricycle.

"Ano ba! napakamalas naman!"

Bumalik sya sa parking lot. Tinawagan nya si Jameson para humingi ng tulong pero hindi nito sinasagot ang mga tawag nya, kaya naman nagtext nalang sya, sakaling mabasa nito.

Maya maya, dumating si Cyron. Nakatingin agad ito sa kanya at sa hawak nyang bote ng softdrink. Tumingin din sya rito. Naisip nyang maki-usap sa binata. Kakapalan nya nalang ang mukha nya. Kailangan nya lang talagang makauwi na. Pero nagdadalawang isip sya kung kakausapin ito.

Binuksan nito ang kotse at sumakay. Hindi sya magkaintindihan kaya naman nang isasara na nito ang pinto, napilitan syang magsalita.

"Sandali!" sabi nya rito. Agad namang binuksan nitong muli ang pinto at tumingin sa kanya, hinihintay nito kung anong sasabihin nya.

"Ahmm, kasi ano," hindi nya agad masabi dahil naiilang syang kausapin ito matapos ang mga nangyari kaninang umaga. "Kasi, yung motor ko, naubusan ng gasolina, di pala ako nakapagpa-gas kahapon, baka pwedeng isabay mo naman ako tas ibaba mo nalang ako sa may gas station, para makabili ako. Wala kasi akong masakyan eh" Mahinahon nyang sabi rito. Sinubukan nya ring gawing mas kaaya aya ang boses nya para hindi ito mainis sa kanya.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon