"Sandali!" sigaw nya habang sinusundan ang palabas na lalaki. Tumigil ito sa paghakbang tanda nang narinig nito ang pagtawag nya. Nanatili itong nakatalikod. Dahan dahan syang lumapit sa lalaki.
"Gusto lang kitang makilala" sabi nya rito nang isang metro nalang ang pagitan nila. Nakatitig lang sya sa numero sa likod ng jacket nito.
Maya maya dahan-dahang humarap ang lalaki. Ngayo'y muli nyang makikita ang mukha nito.
"Tok Tok Tok!" bigla syang napadilat nang makarinig sya ng mga katok. Panaginip lang pala ang lahat. Napahawak sya sa noo."Hayyyy, ano na naman ba??? panira naman oh" inis nyang sabi.
"Tok Tok Tok!" muling kumatok ang panauhin.
"Andyan na, sandali!" kahit naiinis sya'y bumangon pa rin para harapin ito.
Agad nyang binuksan ang pinto.
"Good morning!" biglang bati ni Jameson na may dalang tasa ng kape. Agad agad itong pumasok sa loob.
"Ikaw lang pala, napaka-wrong timing mo naman, makikita ko na sana sya eh" reklamo nya rito at natigilan ito.
"Makikita?" nilibot ang paningin sa buong kwarto. "Sino?" tanong nito.
"Wala wala, ano ba kasing ginagawa mo rito ha?" Naglakad sya patungo sa kusina para magtimpla rin ng kape.
"Ayyy bawal kang dalawin ganun?" tanong din nito.
"Di naman, tsaka nasan ba si Melvin at mukhang dimo kasama? iniwan kana naman?" pinagdiinan nya pa ang salitang "iniwan".
"Grabe ka sakin ha, kala mo naman nagkalovelife na. Umalis sya, lumabas, may bibilhin lang. Babalik din mamaya" paliwanag nito.
Humigop sya ng kape at naupo.
"Nung gabing pumunta tayo sa bar" napatingin ito sa kanya.
"oh?? anong meron?" tanong pa nito.
"nakita mo ba yung mukha nung lalaki?" hinarap nya ang kaibigan. Nagkibit balikat naman ito.
"Yung nakahalikan mo?" pang-aasar nito.
"Tinatanong kita nang maayos James ha!"
"Oo na, ewan ko, madilim kaya noon, at saka nagmamadali syang umalis. Diko namukhaan, isa pa, nakahoodie kaya yun"
Huminga sya nang malalim.
"Teka, bat mo tinatanong? interesado ka? type mo no?" pang-aasar pa nito.
"tsss, dami mong alam. Masama bang malaman ko kung sino yun" Giit nya rito.
"Oo nga pala, May di ka sinasabi sa akin ha" biglang sabi ni Jameson. Napalingon naman sya rito.
"Ano na naman?"
"Yung kasama mong tisoy kagabi, sino yun?" tanong nito at napakunot sya ng noo.
"Yung, katabi ko?" paglilinaw nya.
"The one and only, sino pa ba?" sabi naman nito.
"Hmm, si Xander, bagong kakilala" sagot nya.
"Bagong kakilala? wow naman, may sakit kaba ha?" takang tanong nito.
"Oo bagong kakilala ko, ano namang masama dun?"
"Anong masama? huy kilala kita Denver Custudio ha. Hindi ikaw yung tipo ng tao na basta basta nalang nagtitiwala sa iba, lalo na kung kakakilala mo palang"
Huminga sya nang malalim.
"Mukha naman syang mabait eh"
"Ghad, nakakaloko ha. Dahil lang mukhang mabait? hahahah Unless," putol nito. Nagtaas naman sya ng isang kilay.
BINABASA MO ANG
Blind Love Season 2 - Mindoro BL Story
RomansaAng kwentong ito ay modified version ng Blind Love Season 1 kung saan magkakaroon ng pagbabago sa mga pangyayari. Ito ay hindi karugtong ng naunang kwento kundi panibagong mga tagpo buhat sa naunang kwento. Ang mga karakter at lugar ay hango mismo s...